Kabanata 24

3 0 0
                                    

Kabanata 24- Comments

Bitbit ko sa labas ang inhaler ko. Tapos na ang choric speech namin at magcocomment na ang judges. Pumwesto ako sa tabi nila Trisha. Tumingin ako sa gilid ko, at ayun si Keith nakikipagtawanan at nakikipaghampasan kay Kate.

Hindi ako kumibo at dumeretcho ang tingin sa harap. Nagulat naman ako kasi yung mata nung isang judge namamaga. Parang kagagaling lang sa iyak.

IV- Einstein, your performance touched our hearts. Damang dama namin yung gusto niyong iparating.” Sabi nung baklang judge

Yes, I agree with that. Sa pamamaga ng mata ko, mahahalata mo na yung reaksyon ko.” Sabi naman nung isa saka sila nagtawanan.

Yes, I can see that. Humahagulgol nga siya kanina eh. Hanghowey.

Kaya siguro parang naiyak kami, kasi.. You do have a good choice of main characters. They are oozing with Chemistry. Paglabas pa lang nila kanina, nararamdaman na namin yung dala nilang kilig.

Echosera. Wag ganyan, nawawala yung selos ko kanina. Eneber.

YIIEEEEEEEE!” pangangantsayaw ng mga kaklase ko at siyempre, nangunguna diyan yung mga nasa tabi ko. Na tinutulak tulak pa ako.

Aray ko naman!” sigaw ko sa kanila saka ko sila tinignan ng masama. “Thank you for the compliment Ma’am. Can we move on to the next comment kasi po nahaharass po ako sa mga katabi ko.” Sabi ko sa mga judge, calmly.

Hands down din ako sa Technical niyo. From the lighting, to the sound effects, to the video. It’s very.. uhm. How do I describe this? FASCINATING.

Woooo! Go Rex!” sigaw ulit nila.

Yung transition niyo ng curtains is a very good idea. As well as the kabaong. Did you made that one?” tanong ulit nung baklang judge

Uh opo. Sa katunayan po, si Aienne at si Keith po ang gumawa non.” Pagbibida ni Trisha.

This section surprised me. I didn’t know na ganito kalaki ang preparations niyo sa choric speech na ‘to. I mean, look at you young people. You all act like professionals. Good job IV- Einstein!

Saka nagstanding ovation ang judges.

Ma’am, wala po ba kayong negative comments? Kailangan din po namin ng constructive criticism.” Tanong ni Trisha.

Weh? Spell constructive criticism ateng.” Bulong ni Denise

Wag ka ngang magulo jan.” Bulong ni Trisha pabalik.

As for that, siguro sa choric. Masyadong malakas yung boses niyo. But other than that wala na.” Sabi ng isang judge.

Bumalik kaming lahat sa classroom. Siyempre, todo daldalan naman yung mga kaklase ko. Proud na proud sila. May mga mangilan ngilan ding kumukuyog sa akin.

Ulalume!

Lumingon ako at slowmo na tumatakbo si Keith papunta sa akin. Tumigil ang daldalan. Nawala ang ingay ng paligid, at ang camera ay umiikot lang sa aming dalawa.

LOL.

Good job, Ulalume.” Saka siya ngumiti.

Oh shet. WHERE ART THOU, PANTY?

Natulala ako, pero ngumiti ako pabalik. Para di paobvious na natulaley ako diba? Slowmo na nga yung pagtakbo niya, ngumiti pa siya. Ano na nangyare sa akin diba?

ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon