Kabanata 13- Ulalume the making
Nagvovoicing ang mga kaklase ko ngayon para sa choric speech namin. Kung baga parang minememorize nila at tinatancha kung paano bibigkasin yun. Intonation ba. Ganern.
“The skies, they were ashen and sober.” Saka may bubulong ng ‘ashen and sober ’ na recorded.
“The leaves, they were crisped and sere.” Saka may sound effects na woooshu woooshh na parang ihip ng hangin.
“The leaves they were withering and sere.” Tapos may sound effects ng parang nagcrucrush na tuyong dahon.yung tunog pag naapakan. Ganun.
“It was night in the lonesome October, of his most immemorial year.” Saka sila lumuhod at yumuko.
Nagtuloy tuloy lang nag practice nila ng voicing. Habang ako, ang Keith ko at si Hera ay andito sa sulok. Nagiisip ng step sa interpretative dance namin ni Keith na sisingit bago mag second stanza. Nagdadaldal ng nagdadaldal si Hera sa harap namin ni Keith pero lutang na lutang ang pakiramdam ko dahil katabi ko ang crush ko.
“Hoy, Aienne. Nakikinig ka ba? Okay ka lang?” tanong ni Hera sa akin.
“A-ah. An-ahm. Ano. O-oo naman! Tuloy mo lang.” Sabi ko.
Mga 5 minutes mula ng nagtuloy si Hera sa pagsasalita ay biglang may nagsalita sa gilid ko.
“Sure ka okay ka lang?”
Napalunok ako at nanlaki ang mata ko. Shiyet anong isasagot ko? Ano ba yan. Simpleng tanong at pagaalala lang ni Keith, kinikilig na ko. Grabe.
“Oo. Paulit ulit? Unli ka? Makinig ka na nga lang.”
“Lagi na lang nakasigaw eh. GM ba? GM?!” pasarkastikong tanong niya din sa akin. Aba’t sumasagot ang bebe ko sa akin.
“Hoy kayong dalawa. Nainitindihan niyo ba sinabi ko ha? Ano ba pinagaaway niyo jan?”
Hala naiinis na si Hera.
“Ay hindi ako yun. Nakikinig ako. Si Keith yun, Hera. Maluwalhati at matiwasay akong nakikinig sayo, Hera. Dinadaldal niya lang ako. Si Keith talaga yun Hera.” sabi ko ng may hand gestures pa.
Nagulat na lang ako ng humagalpak ng tawa si Keith. sabay kaming napatingin sa kanya at nagtaas ng kilay.
“Nagpanic agad siya!” saka tumawa ulit ng malakas. As in. Yung napatigil yung ibang kaklase namin para makichismis kung anong nakakatawa. Pulang pula na nga siya. Tapos hawak niya ang tiyan niya. So adorable. Hihi.
“Tama na nga yan Keith. Magconcentrate na tayo. Osi--” pero pinutol ni Keith ang pagsaway ni Hera.
“Pwede bang break muna kami? Gutom na ako eh, tapos pagod. Pahinga muna. Isip muna kayo ng steps tapos turo niyo sa amin ni Ulalume.” Sabi niya. Break kami? No way!! ANG TAGAL KONG HININTAY ANG PAGKAKATAONG TO TAPOS IBREBREAK MO LANG AKO?! HOW DA—Pero teka..
“Ano itinawag mo sa akin?” tanong ko sa kanya.
“Ulalume. Diba nga ikaw si Ulalume?” sabi niya boredly
“HINDI NAMAN ULALUME PANGALAN KO AH!” sigaw ko sa kanya
“Tsk. Lagi na lang nakasigaw, hindi naman tayo magkalayo! Magkatabi lang tayo oh!” ay shet namula ako sa sinabi niya. Magkatabi kami. Hemegurd. “Eh sa nalilito ako kung ano itatawag sayo eh, kung Aienne ba o Venice. Kaya Ulalume na lang. Ano ba masama don? Odi tawagin mo kong Edgar ng matahimik kaluluwa mo jan.”
BINABASA MO ANG
A
RomanceLahat daw ng nangyayari sa buhay ng tao ay gawa ng tadhana. Ang tadhana na siyang nagdidikta sa kung ano ang mararamdaman o mangyayari sa buhay mo. May mga taong naniniwala sa hiling. Yung matutulala ka na lang kasi umaasa akang matupad yung nais mo...