Kabanata 15- Shooting (Capitol)
*kring kring*
“Hoy, Adrienne! Ika’y kumilos na aba. Alas otcho ang usapan ng shooting. Anong oras na? Alas otcho singko na. Tapos di ka pa nakakabangon jan. Nako-- ”
“Oo na, sige na. Umagang umaga nagflifliptop ka jan. Babangon na.” Sabi ko
“Siguraduhin mo lang ha! Wag kang babalik ng higaan. Dalian mo! Ipinasundo kita kay Keith! Fasterizer!”
A-ano?!
“H-hoy. Ateng. Grabe ka naman. Si Keith tal-- *toot toot toot*”
Ay leche. Binababaan ako ng bruha. Dali dali ko namang kinuha ang bath robe ko sa gilid ng bedside table ko at binilisang naligo. Mga less than 10 minutes lang. Pero oy, naghilod akong mabuti no. Mahirap na, si Keith pa naman kasama ko.
Naglotion ako tsaka pumunta sa closet ko. Kinuha ko ang isang high waisted na denim shorts ko at isang white t-shirt na may print na NYC. Kinuha ko ang converse kong black at nagmadaling lumabas kasama ang maliit na Jansport na bag ko. Okay na siguro to.
*brrt brrt*
From: Trishalalala
Bakla, magdala ka ng white dress mo at sandals. Okay? Dalian mo, papunta na si Keith jan.
Bumalik ako sa kwarto ko at kinuha ang isang white dress at sandals ko at nilagay sa isang paperbag. Saka tumakbo pababa.
“Oh nak, alis ka? Kain ka muna. Nagbilin ang Mama at Papa mo na ibigay sayo to.” Saka inabot ni Yaya Andeng ang isang envelop.
“Opo Ya. Pakibilisan papunta na po kasi dito yung susundo sa akin. Ano to Ya?”
“Pera mo daw.”
Saka hinanda ni Yaya Andeng ang breakfast ko, mej binibilisan ko ang pagkain pero nung narinig ko ang sasakyang tumigil sa tapat ng bahay namin, binagalan ko para hindi halatang excited ako. Hihi. Kinuha ni Yaya Andeng ang pinto at pinapasok siya.
“Nak, ang gwapo naman ng sundo mo. May date kayo?” bulong sa akin ni Yaya.
“Nako sana nga po pero hindi eh. Hihi. May shooting po kami.” Bulong ko pabalik.
“Osige ingat ka ha.” Saka pumunta si Yaya sa kusina.
“Keith kain.” Sabi ko kay Keith. Manners din no.
Lumapit siya sa lamesa. Akala ko di siya lalapit. Kasi diba, pag yung ibang lalaki yung niyayaya mo ng ganyan, nagpapakipot pa. Shet, ang bango bango niya. Ang sarap sa ilong. Hihi. Dizizheaven!
“Ano ulam mo?” tanong niya.
“Longganisa tsaka tapa. Teka ipapaku--”
“Wag na. Uhm, juice na lang siguro.” Sabi niya
Pinagsalin ko naman siya ng juice sa isang baso at uminom siya. Tinapos ko ang pagkain ko at nagtoothbrush ng mga.. tatlong beses. Siyempre diba, iba na ang sigurado.
Naupo ako sa shotgun seat at nanahimik. Nagsimula na rin siyang magdrive at pumipito pito pa. Maya maya, sinwitch niya ang radyo.
Hindi ko alam yung kanta, ganun din siya. Pero hinayaan lang namin kasi super tahimik.
“Saan ang shooting?” tanong ko.
“Capitol, sa likod non. Tapos sunod sa park. Tsaka sa beach pag medyo six na.”
BINABASA MO ANG
A
RomanceLahat daw ng nangyayari sa buhay ng tao ay gawa ng tadhana. Ang tadhana na siyang nagdidikta sa kung ano ang mararamdaman o mangyayari sa buhay mo. May mga taong naniniwala sa hiling. Yung matutulala ka na lang kasi umaasa akang matupad yung nais mo...