Kabanata 3

10 0 0
                                    

Kabanata 3- The tactics

Naupo na ako. At naiilang. Para akong nastiff neck. Hindi ako makalingon sa kaliwa ko. Can someone remind me to kill Trisha after this class? This is.. frustrating. Ni hindi ko nga makuha yung binder ko sa lapag eh.

Okay, Venice. Relax. Stop being so OA. Mas lalo kang mapapansin kung mukha kang tuod jan. Stupid. Mukha kang tanga. I breathed in and breath out.. ang heavy po. Kinuha ko yung bag ko sa baba at nilapag ito sa gilid ko.

Bakit? Ayaw mo ba akong katabi?

Ay. Macaroni!

Napatalon ako sa gulat nung nagsalita siya. And I starting to feel nervous again. Tangina. Calm down Venice. Umayos ka, umayos ka. Tskk.

Tumingin ako sa kanya, pero nakatingin na pala siya sa akin. Okay what to do? What to do?

Minsan. Yung ibang lalaki, gusto yung mataray. Yung iba naman, ayaw. Pero, dun sa dalawa pag nakakakilala ng babaeng mataray machachallenge. It’s either nachachallenge or nakukuha yung attention.

Umalingawngaw ang boses ni Denise sa utak ko. Oh, tips from Aling Denise. Play safe. Hear it from the expert.

So ang ginawa ko, itinaas ko ang kilay ko. Kakayanin mo to Venice. For your shyness and hope. Ha ano? What the hell.

May sinabi ba ako?” sagot ko sa kanya.

Naupo naman na siya at nilagay ang gamit sa kaliwa niya. Tumingin ako sa apat kong timang na kaibigan. At.. nakatingin sila sa akin ng what-the-hell-are-you-doing-why-did-you-say-that-tanga-mo-talaga look. I looked away at nakinig na sa sinasabi ni prof. Kahit na walang pumapasok sa utak ko. Sabaw men.

By the way, before I forget. Mr. Sales, write your name, address, and the contact number of your parents in a 1/4 sheet of paper.” Sabi ni Sir.

Ay bakit sa kanya 1/4 ? Ang arte ni Sir ha.

Pwede po bang ibang papel?” tanong niya.

1/4 na lang hijo. Kasi lahat sila 1/4. Baka mawala ko yung sayo pag di ka pumareho.

Nagkamot naman siya ng ulo. Ang cute mo, hemegurd.

Uyy may 1/4  ka?” tanong niya sa akin.

OO NAMAN! KAHIT BUONG PAD IBIGAY KO SAYO PWEDE. Hoo. Nagkunwari akong tumigil sa pagsusulat at kumuha ng 1/4  sa bag ko. Inabutan ko siya ng isa at kunyaring bumalik sa pagsusulat. Tapos flinip ko yung buhok sa left side para di niya makita ang pamumula ko. Shet ang hirap naman nito.

‘Lamat.” Narinig kong sabi niya.

Nagkunwari akong di siya narinig. Pero sa totoo lang. Hemegurd hemegurd. Sasabog na ko sa sobrang kilig. You’re very very very welcome. Anytime. Ahihi.

Pagkatapos ng klase namin ng Language, may kanya kanyang mundo ang mga bruha. Oh sige. Mamaya ko sisingilin si trisha sa kasalanan niya sa akin. I kenuuhht breath you know. Sa buong klase ni Sir. DG (yung Sir namin sa Language) eh halos hikain ako.

Pumasok ang susunod na teacher namin, Biochemistry. At thank God, iba na ang seating arrangement. Siyempre, wala ng pakilala pakilala kasi ang tatanda na namin. Pahirap nga ang teacher na ‘to dahil nagpa pre-test agad.  Badterp. Sometimes.. tsktsk.

PAGKATAPOS ng Biochemistry namin, dere deretcho ako sa cafeteria. Nauna ang mga bruha dahil ginugutom na daw sila at ang bagal ko daw mag ayos ng gamit ko. May inayos pa ako, na inassign ng teacher sa akin.

ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon