Karla's POV:
Pagising ko, sakit agad ng ulo ang sumalubong sa akin.
"Ughh! Sakit ng ulo ko!!" Pag rereklamo ko.
"Kuha kitang pain reliever?" Tanong ng lalaking nakahiga sa tabi ko.
Nagulat ako at napatingin sa kanya.
"Goodmorning beautiful.." Bati niya habang nakatingin sa akin.
Shit si Dan!
"Please tell me.. walang nangyari sa atin.." Pagtatanong ko sa kanya.
"Karla.. sobrang lasing ka kagabi. Tang ina eh ni hindi ka nga makatayo sa sarili mong paa.. Do you think sobrang gago ako para pagsamantalahan ang babaeng sobrang lasing?" Balik na tanong niya sa akin.
Huminga ako ng malalim at napahawak sa katawan ko.
Wala akong bra. Wala akong panty. Iba ang suot kong damit.
"Kaninong damit tong suot ko?" Pagtatanong ko ulit sa kanya.
"Sakin." Sagot niya.
Fuck!
"Eh sinong nag palit sa akin kagabi?" Ulit kong tanong.
"Ako." Maikling sagot niya.
Tang ina!
"Bakit mo ako hinubaran ng hindi nagpapaalam?!" Galit kong tanong.
Tinignan niya ako ng masama.
"Sinukahan mo ang kama ko at sinukahan mo ang sarili mo.. Sa tingin mo papabayaan lang kita?" Inis niyang tanong.
"Edi sana sila Jaja or Rachel nalang?!" Balik kong tanong sa kanya.
"Oh di.. Sorry!!" Pilosopong sagot niya.
Inirapan ko siya.
Bumangon siya at pumunta sa closet niya. Kumuha siya ng hoodie at inabot sa akin.
"Suot mo muna to.. Bakat na bakat yang dibdib mo diyan sa suot mong damit." Pag papaliwanag niya.
Agad ko itong kinuha at isinuot sa akin.
"Dan.. kasi.. wala akong... panty.." Nahihiya kong pagbibigay alam sa kanya.
Ngumiti siya kaya namula ako.
Bumalik ulit siya sa closet niya para kumuha ng sweat pants.
"Ito.. suot mo.." Pag aabot niya sa akin.
Agad ko naman itong kinuhat. Then bumangon ako at pumunta sa CR at nagbihis. Paglabas ko, nakita kong nakahiga ulit si Dan sa kama niya.
"Nagugutom ako.." Mahinag pagsabi ko.
BINABASA MO ANG
MISSION: WIN THE NERD BACK (COMPLETED)
RomanceTanga! Yan ang tingin ni Dan sa sarili niya dahil pinakawalan niya si Karla. At ngayon nag susuffer siya kasi ang kaisa-isang babaeng ginusto niya ay pagmamayari na ng iba. Sila na ni Jacob. Pero hindi sumuko si Dan at pinaglaban...