Dan's POV:
Mabigat ang bawat hakbang ko habang naglalakad ako papasok sa kompanya ni Marcus ngayon araw.
Simula kasi nung nag leave si Karla, halos hindi na ako nakakakuha ng tamang tulog at kain. Tapos halos gabi-gabi akong umiinom. Today I felt like I was carrying the entire universe.
I was so damn tired that I could collapse any minute from now.
Nang marating ko ang 3rd floor, agad kong nakita si Karla na nakaupo sa desk niya. Then I smiled.
Ito lang ang kailangan ko, siya lang ang kailangan ko.
Hindi na ako nag dalawang isip at lumapit ako sa kanya.
"I missed you! Kung alam mo lang kung anong pinagdaanan ko this past few days nang wala ka.." Pag bati ko sa kanya.
Tinignan niya ako.
"Dan.. please.. Drop it.. Alam mo namang magiging gulo lang to.." Sagot niya.
Huminga ako ng malalim.
"Karla.. alam ko ilang beses ko nang sinabi sayo na kakalimutan na kita, hahayaan ko na kayo ni Jacob at hindi ko na kayo guguluhin.. Pero no matter what I do, hindi ko magawa.. Parang ang hirap-hirap.. Alam ko, at this point.. Talo na ako eh.. Talong-talo na ako sa laban.. After all, kayo na.. Sa kanya ka na.. Kaya bakit pa nga ba ako nag hahabol? Bakit pa nga ba ginagawa ko to sa sarili ko?"
"Dan.. diba ang sabi ko sayo dati.. madami pa diyan? Mahahanap mo din ang babaeng para sayo.." Sagot niya.
"Pero ayoko ng iba! Ang gusto ikaw! Ikaw lang!" Sagot ko din sa kanya.
"But I am taken! At wala akong balak mag cheat sa boyfriend ko.." Sagot din niya.
Tumango ako.
"Alam ko.. Hindi ko naman hinihiling sayong mag cheat ka.. Ang gusto ko.. iwanan mo siya.. At maging sa akin ka.." Pagbibigay alam ko.
Umiling siya.
"No! Hindi ko iiwanan si Jacob para sayo Dan.." Sagot niya.
Pasagot na sana ako nang biglang may nag interrupt sa amin.
Si Jacob!
"You heard her.. She doesn't want you.. Alam mo Dan, once and for all.. bigyan na natin ng closure tong issue natin.. Karla made it clear na wala na siyang balak bumalik sayo.. So I guess, dapat ngayon.. tayo naman ang mag-usap.."
Natawa ako.
"I agree.. tapusin na natin to.. Bigyan na natin ng tuldok tong issue na to.. Meet me sa parking lot.. We'll talk." Paguutos ko.
With that, umalis na ako at nagpunta sa meeting place namin ni Jacob.
-------------------------------------------------
Jacob's POV:
Pasunod na din sana ako kay Dan pero bigla akong pinigilan ni Karla.
"Sweet.. no.." Pag pigil niya.
"Sweet.. It'll be fine. I'm gonna be okay.." Pagtitiyak ko sa kanya.
"Kahit na.. Ayoko pa din.. Wag na.. Hayaan mo na si Dan." Ulit niyang pag pigil.
"Karla.. kailangan na naming tapusin to.. Tsaka ito lang ang paraan para tigilan ka na niya.." Pagpapliwanag ko.
Tumango siya.
"But please be safe.. Okay?"
"I promise.. I will be safe." Pagtitiyak ko.
****
![](https://img.wattpad.com/cover/102843707-288-k52829.jpg)
BINABASA MO ANG
MISSION: WIN THE NERD BACK (COMPLETED)
RomanceTanga! Yan ang tingin ni Dan sa sarili niya dahil pinakawalan niya si Karla. At ngayon nag susuffer siya kasi ang kaisa-isang babaeng ginusto niya ay pagmamayari na ng iba. Sila na ni Jacob. Pero hindi sumuko si Dan at pinaglaban...