Karla's POV:
Kinaumagahan nagising ako na yakap yakap ako ni Dan.
Napangiti ako at tinitigan siya.
"Akin.. Alam kong gwapo ako.. Pero wag mo akong titigan ng ganyan.. Baka mamaya pagsawaan mo na ang pag mumukha ko eh.." Pag sasaway niya habang naka pikit ang mata.
Hinampas ko ang braso niya.
"Grabe.. Lakas mong makiramdam ha? At FYI.. hindi kita tinititigan.." Pag tatangi ko.
Minulat niya ang mata niya at tinignan ako.
"Sus! Kunyari ka pa eh.. Pero dahil ayokong makipag talo sayo. Sige.. Mag a-agree nalang ako sayo.." Sagot niya.
Hinawakan ko ang pisngi niya.
"Akin.. as much as I want to talk to you more.. sobrang gutom na talaga ako.." Sagot ko.
Natawa siya.
"Halika na.. For sure may pagkain na sa kusina.. Tsaka after natin kumain ihahatid kita sa bahay tapos mag rereport ako sa Garcia Corp ha?" Pag bibigay alam niya.
Hindi pa man ako nakakasagot kay Dan, bigla naming narinig ang pag ring ng telepono ko.
Agad ko itong kinuha at sinagot.
"Hello." Bati ko sa tao sa kabilang linya.
"Hi Karla.. This is Attorney Abad.. Can you make to Jacob's first day of trial? It's today Karla.. Hindi ka pa naman tatayo sa witness stand.. Pero gusto ko andoon ka para parehas nating mapag aralan ang mga statement na bibitawan niya.. Today ang pamilya ni Paul ang tatayo sa stand.. Pero possibly bukas ikaw na.. Kaya after today's trial.. We need to meet and talk.." Pag bibigay alam niya.
Kinakabahan man, sumagot pa din ako.
"Okay po Attorney.. Pupunta po ako.. Kasama ko po si Dan.." Sagot ko.
"Okay.. I'll see you then.." Sagot niya sabay baba ng telepono.
Pagkatapos naming mag usap ni Attorney, agad kong hinarap at kinausap si Dan.
"Today is Jacob's first day of trial.. Kailangan daw andoon ako.. Masasamahan mo ba ako?" Pag tatanong ko.
"Of course akin! Sasamahan kita.." Sagot niya.
****
Nang nakababa na kami ni Dan, agad kaming pumunta sa kitchen. Doon ay nakita namin si Jaja at si Ate Tess na nag luluto.
"Hi! Good morning.." Bati ni Jaja sa amin.
"Ahmm.. Ja.. may maitutulong ba ako sa inyo?" Tanong ko.
"Naka umupo nalang kayo diyan.. Malapit nang matapos to.. Tsaka pababa na ang mga bata at si Marcus.. Sabay sabay tayong mag be-breakfast.." Paliwanag ni Jaja.
Hindi nag tagal ay nakita ko nang tumatakbo si Sebastian at Samantha papunta kay Jaja. Dala-dala nila ang mga bag nila.
"Good morning Mommy.. Good morning Ate Tess.. Good morning Tito Dan. Good morning Tita Karla.." Sabay na bati ng kambal.
Natawa kami.
"Good morning mga anak. Asan na ang Ate Maddie niyo? Kailangan niyo nang kumain at malalate kayo sa school.." Paalala ni Jaja.
"Kausap po niya si Kuya Caleb sa phone mommy.." Sagot ni Basti.
Napahinga ng malalim si Jaja at tinignan si Dan.
"Dan.. wag mo nang sabihin to kay Marcus ha? Alam mo naman yun.. Kapag nalaman niya malaking gulo na naman to.." Pakiusap niya.
"Don't worry Ja.. Naka seal ang bibig ko.." Sagot ni Dan.
![](https://img.wattpad.com/cover/102843707-288-k52829.jpg)
BINABASA MO ANG
MISSION: WIN THE NERD BACK (COMPLETED)
RomansTanga! Yan ang tingin ni Dan sa sarili niya dahil pinakawalan niya si Karla. At ngayon nag susuffer siya kasi ang kaisa-isang babaeng ginusto niya ay pagmamayari na ng iba. Sila na ni Jacob. Pero hindi sumuko si Dan at pinaglaban...