Jacob's POV:
Kinabukasan maaga akong pumasok sa sa office para tignan ang CCTV footage nung araw na nawala si Karla.
Kung natakasan niya ako, malamang ang mga camera hindi.
Pagpasok ko sa Security Room agad akong binati ng isang guard.
"Sir.. Goodmorning po.. Ano po ang sadya niyo?" Pagtatanong niya.
"Ah.. I need to see yesterday's CCTV footage.." Sagot ko.
"Nako Sir.. pasensya na po kayo.. Kailangan niyo pong manghingi ng request kay Big Boss.. Lahat po ng kuha ng CCTV ay highly confidential.." Pagbibigay alam niya.
Huminga ako ng malalim.
"I see.. Pero this is just one time request.. Kailangan ko lang talagang makita ang footage kahapon.." Pag pilit ko.
"Nako Sir.. Eh ako naman po ang malilintikan.." Sagot niya.
Shit! This is so frustrating!
"Sir.. Balita ko.. naghahanap ng trabaho ang anak mo? Pasa mo sa akin ang resume.. Ako na mag coconduct ng interview niya.. And I promise you na ipapasa ko siya at tutulungan ko siyang makapasok sa kompanya.." Pag mumugkahi ko.
Napailing siya.
"Sige po Sir.. Pero po.. Sandali lang po kayo ha? Maya maya po baka may dumating nang ibang security.. Patapos na po kasi ang shift ko.." Sagot niya.
Ngumiti ako.
"Oo naman.. Sandali lang talaga ako.." Sagot ko.
Pagkatapos naming mag usap ng on duty na guard, agad siyang lumabas. Samantalang ako naman ay nag simula ng tumingin sa CCTV footage.
I will fucking find you Karla!
Tinignan ko ang footages ng lobby, lahat ng floor, parking area, exits, board room at lahat ng offices. Pero wala akong mahanap na Karla. However, nakita kong pumapasok sila Mrs. Garcia together with her sisters and a friend sa lobby ng Garcia Corp. Pumasok sila sa elevator. Then Mrs. Garcia made a call after that, then recording stopped!
Fuck! Anong nangyari?! Bakit nawala ang footages?! Walang footage na narecord from 5PM to 5:45PM!
Fuck!!!
When I was feeling hopeless, biglang bumalik ang recording nung bandang 5:50 there I saw Kenzo together with Dan.
BINGO! Sabi ko na nga ba at siya ang dahilan ng lahat ng to eh!
****
Nang matapos kong tignan ang CCTV footages, agad akong bumalik sa office ko. Kinuha ko ang mga file na hinihingi ni Boss Marcus at hinatid iyon sa opisina niya.
Nang marating ko ang office ni CEO, agad akong kumatok.
"Boss, it's Jacob." Pagbibigay alam ko.
"Come in!" Sagot niya.
Agad kong binuksan ang pinto at pumasok. Nagulat ako nang sila Kenzo, Mike at Liam lang ang nakita ako.
Where the fuck is Dan?!
"Good morning po Boss.. Ito na po yung inuutos niyo sakin kahapon. Pasensya na po at hindi ko siya nagawa kahapon kasi something urget came up.." Pagpapaliwanag ko.
"It's okay.. Thank you for bringing these here.." Sagot niya.
Tumago ako at nag tangkang umalis. Pero bigla akong tumigil kasi naisipan kong magtanong.
![](https://img.wattpad.com/cover/102843707-288-k52829.jpg)
BINABASA MO ANG
MISSION: WIN THE NERD BACK (COMPLETED)
RomanceTanga! Yan ang tingin ni Dan sa sarili niya dahil pinakawalan niya si Karla. At ngayon nag susuffer siya kasi ang kaisa-isang babaeng ginusto niya ay pagmamayari na ng iba. Sila na ni Jacob. Pero hindi sumuko si Dan at pinaglaban...