PART 7: LIVING TOGETHER

4.9K 103 0
                                    

Karla's POV: 

Nasa loob na kami ng kotse ni Jacob. 

Araw-araw ganito ang ginagawa namin. Gumigising siya sa ng 5AM para sunduin ako sa bahay. Tapos after work, ihahatid niya ako pauwi. Tapos mag didrive na naman siya ng 2 hours pauwi sa condo niya. 

Naawa na ako kay Jacob. Ngayon, mukha siyang puyat at pagod. Pumayat din siya ng konti. 

"Sweet.. mag cocommunte nalang ako pauwi.." Pag mumungkahi ko sa kanya. 

Umiling siya. 

"No.. Sweet.. Gusto ko araw-araw hinahatid at sinusundo kita.." Sagot niya. 

"Pero alam ko napapagod at nahihirapan ka na.." 

Tumango siya at napabungtong hininga. 

"Sweet.. wag kang mag alala kasi gusto ko naman ang ginagawa ko.. Kaya okay lang sakin ang mapagod at mapuyat basta para sa safety mo.." Pag titiyak niya. 

"Sweet naman.. Ang tagal ko nang nag cocommute dati.. hindi naman ako napapahamak.." Sagot ko sa kanya. 

Tinignan niya ako. 

"Okay.. Mukhang hindi talaga tayo magkakasundo dito.. Actually.. tama ka.. Pagod na din talaga ako kasi ang layo ng dinadrive ko papunta sa inyo.. So.. here.." Pag aabot niya ng isang box sa akin. 

When I opened it, nakita ko ang isang keychain na katulad ng binigay ko sa kanya. 

"What's this for?" Tanong ko sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"What's this for?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya. 

"Diba ang sabi ko sayo.. you will be needing a keychain soon?" Balik na tanong niya sa akin. 

Tumango ako. 

"Ang reason kung bakit mo kakailanganin ng key chain ay dahil.. Bibigayan kita ng spare key ng condo ko.. And I am hoping na sana.. YOU WILL MOVE IN with me.." Pag aalok niya. 

Nagulat ako sa sinabi niya. 

"Gusto mo akong... tumira.. kasama ka?" Gulat kong tanong. 

Ngumiti siya at tumango. 

"Pero.. baka.. magalit si Papa.." Sagot ko sa kanya. 

"Sweet.. boyfriend mo ako.. at nasa tamang edad na tayo parehas.. Stable naman ako.. At higit sa lahat.. mahal kita.. Walang dapat ipangamba yung Papa mo.. And you moving in with me is the best solution sa sitwasyon natin.." Pag papaliwanag niya. 

Tumango ako kasi tama naman ang sinabi ni Jacob. Mas madali sa amin kung titira kami sa iisang bahay. Una, yung condo ni Jacob 30 minutes away lang sa Garcia Corp. Pangalawa, hindi kami mapapagod sa byahe parehas. And lastly, mas mahaba na ang oras namin para sa isa't-isa. 

Huminga ako ng malalim. 

"Sige.. magpapaalam ako kay Mama at Papa.." Sagot ko sa kanya. 

"Sweet.. sabay tayong mag papaalam sa Mama at Papa mo.. Hindi ko naman hahayaan na ikaw lang ang mag sabi sa kanila.." Sagot din niya sa akin. 

MISSION: WIN THE NERD BACK (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon