Karla's POV:
Napapaisip ako habang tinitignan ang mga maleta ko.
Tama kaya tong ginagawa ko? Am I safe with Jacob? Talaga bang aalagaan niya ako katulad ng pangako niya sa mga magulang ko? Pero paano kapag sinaktan na naman ulit niya ako?
Habang nag iisip, biglang kumatok si Papa sa kwarto ko.
"Karla.. Nak.. Nandiyan na si Jacob sa sala.. Inaantay ka na niya." Pag tawag ni Papa.
"Ah.. sige po Pa.. Pero pwede niyo po ba akong tulungan sa mga gamit ko?" Pakiusap ko.
Hindi man sumagot si Papa pero pumasok siya sa kwarto ko para buhatin ang mga maleta ko.
"Ang dami mo namang dala.. Parang kinakabahan ako.. Mukhang wala ka na yatang balak umuwi ah?" Pag bibiro ni Papa habang binibuhat ang mga gamit ko.
"Pa naman! Uuwi ako dito kapag dayoff ko.. Ikaw talaga.." Pagsaway ko kay Papa.
Ngumiti siya.
"Okay.. Basta anak ha? Kahit ano man ang problema.. maliit man o malaki.. Tawagan mo kami ng Mama mo ha?" Tugon niya.
Tumango ako.
"Opo.." Sagot ko.
****
Pagpunta namin ni Papa sa sala, agad kong nakita ang nakaupong si Jacob.
"Hi Sweet.." Bati ko sa kanya.
Ngumiti siya at tumayo.
"Hi Sweet.. Are you ready? Dala mo na ba lahat ng kailangan mo?" Tanong niya.
"Yes.. At kung may nakalimutan man ako, okay lang siguro yun. Diba uuwi naman tayo dito pag dayoff natin?" Tanong ko din sa kanya.
"Oo naman.. We will spend our weekends here.." Sagot niya.
Ngumiti ako at tumingin kay Papa.
"Oh.. Diba? Sabi ko sayo uuwi kami dito eh.." Pagtukso ko sa kanya.
"Eh paanong hindi ako magaalala.. mas malaki pa sayo ang mga maleta mo.." Pagbibiro ni Papa.
Parehas kaming natawa ni Jacob.
"Nako si Papa.. nagbibiro lang yan pero alam ko iiyak na yan.." Pagtutukso ko din sa kanya.
"Hay! Umalis na nga kayong dalawa.. Sige na.. mag aayos ka pa ng gamit mo pag dating mo dun.. Hala.. Sige.. Alis na.." Pagtataboy ni Papa.
Tumango kami ni Jacob.
"Ah.. Sige po Sir.. aalis na po kami ni Karla.. At wag po kayong magalala.. Aalagaan ko po siya ng mabuti.. Makakaasa po kayo.." Pagtitiyak niya.
Hinawakan ni Papa ang balik ni Jacob.
"Sana tuparin mo yang pangako mo.. Pinagkakatiwalaan ka namin.. At please.. wag niyo muna akong bibigyan ng apo!" Pagbibiro ni Papa.
"Pa naman!" Saway ko.
"Biro lang.." Tumatawang sagot ni Papa.
-------------------------------------------------
Jacob's POV:
Matapos ang mahabang pagpapaalam, nakapagsimula nadin kaming magbyahe ni Karla.
"Sweet.. do you want anything to eat?" Pagtatanong ko.
"Ikaw ba? Gusto mong mag takeout?" Balik kong tanong sa kanya.

BINABASA MO ANG
MISSION: WIN THE NERD BACK (COMPLETED)
RomanceTanga! Yan ang tingin ni Dan sa sarili niya dahil pinakawalan niya si Karla. At ngayon nag susuffer siya kasi ang kaisa-isang babaeng ginusto niya ay pagmamayari na ng iba. Sila na ni Jacob. Pero hindi sumuko si Dan at pinaglaban...