PART 29: HER FIRST LOVE

4.9K 126 2
                                    

Disclaimer!!

This chapter is like an introduction to the next book I am about to write.. So sorry sa mga #TEAMKARNIEL kung hindi naka focus kay Dan at Karla ang chapter na to... Don't hate me please! AaayyLaaabYuuuu all :))

Dan's POV:

Pagkatapos ng kasala namin ni Karla, nag decide kaming mag stay sa Sand for the night. Kasama namin ang pamilya at mga kaibigan namin.

Pagkatapos ng dinner, pumunta na kami ni Karla sa kwarto para makapag pahinga na siya. Alam ko naman na kahit hindi niya sabihin, nagpapagod na din siya.

"Akin.. masaya ka ba?" Tanong ko.

"Sobrang saya... Thank you sa lahat ng efforts mo akin.." Sagot niya.

"Anything for you akin.." Sagot ko din sa kanya.

Bigla siyang tumingin sa akin na parang nagtataka.

"Akin.. meron nga pala akong gustong itanong sayo.." Pag bibigay alam niya.

"Ano yun?" Tanong ko sa kanya.

"Kanina yung mga pictures na pinakita mo sa slideshow.. saan nang galing yung mga yun? Napansin ko kasi na ang dami kong stolen shots dun.. Tapos meron din tayong mga pictures dun nung mga panahon na lagi tayong nagtatalo.. Paano mo na collect lahat ng yun?" Tanong niya.

Natawa ako.

"Ayon ba? Ah kasi.. si Mike at si Jamie.. dati nagpupustahan sila kung magkakaroon ba ng chance na maging tayo.. Sabi ni Mike.. malabo daw kasi mabilis akong mag sawa at hindi ko forte ang maghabol sa babae.. Kaya araw-araw.. kapag pumapasok kami sa Garcia Corp. lagi tayong ninanakawan ng pictures ni Mike... tapos pag uwi namin sa bahay.. pinapakita niya yun kay Jamie.. Evidence daw yun na wala na daw talaga tayong chance.." Pag papaliwanag ko.

"Nakakatuwa naman na natago niya pa din yun mga pictures na yun.. Eh paano naman yung mga stolen pictures ko na naka tawa at naka bungisngis.. Saan mo naman nakuha yung mga yun?" Ulit niyang tanong sa akin.

"Kuha ko yung mga yun.. Dati kasi lumalayo ka sa akin.. Lagi mo akong iniiwasan.. Lagi mo akong dinedeadma.. Pag lumalapit ako sayo lagi kang naka simangot. Na mimiss ko lang makita ang mga ngiti at tawa mo.. Kaya kapag nagkakaroon ako ng chance na makanakaw ng picture mo na nakatawa.. gina-grab ko ang opportunity.. At kapag namimiss kita.. I could easily pick my phone at tignan ang mga pictures mo na yun.. Dati kasi nawalan na din ako ng pag-asa na maging akin ka... Kaya during that time, na kontento akong mahalik ka at tignan sa sa malayo.." Paliwanag ko.

Nakita kong namumuo na ang mga luha ni Karla sa mga mata. Kaya naman lumapit ako sa kanya at humalik.

"Akin.. Sorry.. ang tagal kong na realize na ikaw pala.. nakakatakot naman kasing sumugal ulit sayo.. Kaya nag alinlangan ako.." Paliwanag niya.

"Sus.. ngayon pa ba tayo magkakaganito? Kasal na tayo kay mas mabuti pang kalimutan na nating ang nakaraan.. Mag simula tayo ulit.. Ikaw ako at si baby.." Sagot habang hawak-hawak ang tiyan niya.

Ngumiti siya at tumango tapos ay bigla kaming nakarinig ng katok sa galing sa labas ng hotel room namin.

Agad akong tumayo para buksan ang pinto.

"Daniel!!! Alam naman na pre-honeymoon niyo to pero gusto namin kayong makasama kay pwede ba kaming pumasok?" Bati at paalam ni Liam.

"Oo naman.. Tuloy kayo.." Pag payag ko.

****

Nang nakapasok na ang buong barkada, kapansin-pansin ang lukot na mukha ni Marcus.

MISSION: WIN THE NERD BACK (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon