Karla's POV:
Today is Jacob's birthday and today, sasagutin ko na siya.
Habang nag lalakad ako papasok sa opisina ni Boss Marcus, nakasalubong ko si Dan.
Ngumiti ako sa kanya, pero dineadma niya lang ako.
Aba! Suplado!
Hindi ko dinamdam ang ginawa ni Dan kasi baka masyado lang siyang pagod. Inuulan kami ng trabaho ngayon sa Garcia Corp kasi patapos na naman ang bwan. At kapag patapos na ang bwan, ibig sabihin kaliwa't kanan na naman ang inventory meeting and reports. Kinukuyog kasi kami ng investors kapag end of the month. Syempre gusto nilang nalaman kung kumikita ba ang perang iniinvest nila samin.
Mga businessman nga naman talaga!
Bago ako pumasok sa office ni Boss, kumatok muna ako.
"Sir, it's Karla. Nasa akin na po yung report sheets na hinihingi niyo.." Pag bibigay alam ko.
"Okay.. come in.." Pag payag niya.
Dali dali akong pumasok sa office niya at naglakad papunta sa table niya.
"Boss.. ito na po ang profit ng hotel sa Shaw, sa Makati at sa Taguig." Pag bibigay alam ko sa kanya.
"Okay.. Thanks Karla." Sagot niya.
"Okay Sir.. Just let me know kung gusto niyong mag set ako ng meeting with their finance department head." Sagot ko din.
Tumango lang siya sa akin kaya nag decide akong lumabas.
****
Pagkalabas ko, nakita kong nakatayo si Jacob malapit sa desk ko.
Ngumiti at lumapit ako sa kanya.
"It's almost lunch time kaya sinusundo na kita.." Pag bibigay alam niya.
Tinignan ko ang orasan ko.
Tama siya, mag aalas dose na nga. Kaya kinuha ko ang wallet at cellphone ko. Tapos kinuha ko ang isang box na nakalagay sa pedestal ko at inabot kay Jacob.
"Happy Birthday! This is for you." Pag aabot ko ng regalo sa kanya.
"Sweet.. You didn't have to.. Alam mo namang ikaw lang.. sapat na.." Sagot niya.
"Pero.. I want to give you something for your birthday.." Sagot ko din sa kanya.
Tinignan niya ako at nag tangkang buksan ang regalo.
"Oh.. Sandali lang Mr. Mirasol.. Mamaya mo na buksan yan." Pag pigil ko.
"Pero excited na akong buksan to." Pag pupumilit niya.
"Mag lunch na muna tayo.. Pagtapos nating kumain, saka mo na buksan yan."
Labag man sa loob niya pero sinunod padin niya ang sinabi ko.
-------------------------------------------------
Jacob's POV:
Dinala ko si Karla sa Pasta Place na 10 minutes away lang sa office.
"Tara?" Pag aaya niya.
Tumango ako at sabay kaming bumaba ng sasakyan.
Nang parehas na kaming nakababa agad akong lumapit kay Karla at hinawakan ang kamay niya. Tapos sabay kaming pumasok sa loob ng Pasta Place.
BINABASA MO ANG
MISSION: WIN THE NERD BACK (COMPLETED)
RomanceTanga! Yan ang tingin ni Dan sa sarili niya dahil pinakawalan niya si Karla. At ngayon nag susuffer siya kasi ang kaisa-isang babaeng ginusto niya ay pagmamayari na ng iba. Sila na ni Jacob. Pero hindi sumuko si Dan at pinaglaban...