Dan's POV:
Beach wedding. Yun ang unang sinabi ni Karla nung tinanong ko siya kung ano ang dream wedding niya. Kaya naman nag decide kami na sa Sand gaganapin ang kasal namin.
Habang nag hihintay ako sa dulo ng aisle, biglang nag flash back sa akin lahat ng pinagdaanan namin ni Karla. Simula nung una ko siyang nakita nung nagsimula siya bilang secretary ni Marcus, hanggang sa mga panahon na nagkakagusto ako sa kanya. Pati na din ang time nung may nagyari sa amin nung stag party ni Marcus. Pati na din nung naging sila ni Jacob. Hanggang sa bumalik siya ulit sa akin.
May mga alala na napapangiti ako, pero meron din namang alala na gusto kong kalimutan. Yun relasyon namin ni Karla hindi katulad ng iba. Hindi kami dumaan sa proper ligawan, hindi kami nagkaroon ng time na mag date ng madami, ni hindi pa nga kami nakakapanood ng sine. Pero nalampasan namin ang trauma na dinulot ni Jacob, tinuruan namin ang isa't-isa kung paano ulit ngumit, tinulungan namin ang isa't-isa na kalimutan ang mga masasakit na nangyari at hinatak namin ang isa't-isa pataas.
Oo, ang relasyon namin hindi katulad ng sa iba. Malayo sa pagiging "perfect" ang pagsasama namin. Pero kahit na anong mangyari, hindi ko pa din ipagpapalit ang relasyon namin ni Karla sa iba.
Natigilan ako sa pag-iisip nang bigla kong narining ang kantang "ikaw". Kasunod nun ang paglalakad ni Karla papalapit sa akin.
Bigla kong naramdaman ang pag basa ng mga mata ko. Ngayon naiintindihan ko na nag nararamdam ni Marcus nung nakita niyang naglalakad si Karla sa aisle.
Nang makarating si Karla sa tabi ko, agad ko siyang binati.
"Miss.. ganda mo ah?" Pagbibiro ko.
"Alam ko.. Pogi mo din ah? Nag prepare ka talaga para today?" Balik niyang bati sa akin.
"Syempre.. Baka mapahiya ako sa bride ko eh." Sagot ko sa kanya.
Naputol ang pagbibiruan namin nang nagsalita si Father.
"We are all gathered here today to witness the union of two souls..." Pag sisimula niya.
****
Nang oras na para sabihin namin ang vows namin, tumingin sa akin si Karla at ngumiti. Tapos ay nag simula na siyang mag salita.
"Akin.. I'd like to start my vow by saying sorry.. Pasensya ka na kasi ngayon palang.. alam ko nang marami tayong away na dadaan.. Maraming tampuhan na mangyayari.. At maraming hirap ang mararanasan natin.. Natural lang naman siguro yun diba? Pero kahit na anong pagsubok man ang daanan natin.. nangangako ako na laging mangingibabaw ang pagmamahal ko sayo.. Hindi man ako maging perfect na asawa, pero I will try my best para gampanan lahat ng responsibility ko sayo at mga magiging anak natin.. Pipilitin ko din na intindihin ka sa lahat ng oras.. I know I haven't said this before.. pero I trust you.. I will trust you now.. and I will trust you forever.. I love you so much.."
Halos ma iyak ako sa mga sinabi ni Karla. Lalo na nung sinabi niya sa akin na pinagkakatiwalaan niya ako. Alam ko kasi na sinira ko ang tiwala niya nung araw na may nangyari sa amin at hindi ako nag take ng responsibility. Pero sobrang gumaan ang loob ko nung narinig kong pinagkakaktiwalaan niya ako. Parang mas tumagos sa akin yung mga salitang "I trust you" kaysa sa "I love you".
Ngayon, ako naman ang magsasabi ng vow ko.
"Akin... alam mo.. nung nakilala kita.. hindi ko talaga inisip na ikaw pala ang itinadhana ni Lord sa akin.. At ang tagal ko bago na realize na "your the one". Pag sisimula ko.
Bigla kong narinig ang mga tawanan ng tao.
"Sobrang daming hirap ang pinagdaan natin.. sobrang daming pagsubok.. sobrang daming problema.. Pero alam mo.. kahit na ulitin ulit yun mga problema at pagsubok na yun.. Ikaw pa rin ang pipiliin kong maging ka "tag team" sa pag harap sa lahat ng dagok na dumaan.. Kahit na mag presenta pa si superman o si batman na tulungan ako... Ikaw at ikaw pa din ang pipiliin ko.. Alam mo kung bakit? Kasi ang taong kailangan ko sa buhay ko ay yung taong paghuhugutan ko ng lakas sa lahat ng bagay. At ikaw yun... Ikaw nag sisilbing inspirasyon ko.."
![](https://img.wattpad.com/cover/102843707-288-k52829.jpg)
BINABASA MO ANG
MISSION: WIN THE NERD BACK (COMPLETED)
RomanceTanga! Yan ang tingin ni Dan sa sarili niya dahil pinakawalan niya si Karla. At ngayon nag susuffer siya kasi ang kaisa-isang babaeng ginusto niya ay pagmamayari na ng iba. Sila na ni Jacob. Pero hindi sumuko si Dan at pinaglaban...