Dan's POV:
Dalawanang araw nang naka admit si Karla nang dumalaw ang barkada.
"Kamusta ka na Karlita?" Tanong ni Jamie.
"Okay naman.. nag rerecover at sinusubukang kalimutan ang nangyari.." Sagot ni Karla.
"Hayaan mo K.. in time makakalimutan mo din lahat.. Take it from me and Jaja.." Sabat naman ni Rachel.
"I agree.. In time, mawawala din lahat ng bad memories.." Dagdag pa ni Jaja.
Nang pasagot na sana si Karla, biglang may pumasok na dalawang nurse.
Parehas silang maganda kaya naman napatingin kaming mga lalaki sa kanila.
"Hi Ma'am.. Endorse ko lang po kayo sa next nurse na mag hahandle sa inyo.. Patapos na po kasi ang shift ko.. So siya po muna ang nurse incharge sayo simula 2PM hanggang 10PM.." Paliwanag ng isang nurse.
"Okay.." Sagot ni Karla sabay ngiti.
Tapos ay agad nang pumunta ang dalawang nurse sa tabi ni Karla at tinignan ang mga dapat eh check.
Nang napansin ng mga babae na pare-parehas kaming nakatingin sa dalawang nurse, agad silang nag react.
"Mikel! Yang mata mo!" Saway ni Jamie kay Mike.
Gulat na tumingin si Mike sa kanya.
"Love naman.. natutulala lang ako kasi nagugutom na ako.. Halika muna sa baba.. Samahan mo akong kumain.." Pag aaya ni Mike.
Tinignan siya ng masama ni Jamie. Kaya naman lumapit si Mike sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"Tara na love.. Bili na tayo pagkain.. Bilhan na din natin sila.. For sure gutom na din sila.." Ulit na pag aaya ni Mike.
This time, nauna nang lumabas si Jamie sa hospital room ni Karla at sumunod naman si Mike.
"Ikaw Liam Thaddeus?! Wala kang balak ibaling yang paningin mo sa ibang bagay?!" Galit na tanong ni Rachel kay Liam.
"Ha? Ako? Wala naman akong ginawang masama baby.." Paliwanag ni Liam.
"Sigurado kang wala? Baka gusto mong wag nang masundan si Ethan?!" Pananakot pa ni Rachel.
Tinignan siya ng masama ni Liam.
"Rachel Amelia.. That's not funny.." Sagot ni Liam sa kanya.
"Liam Thaddeus, I am not joking.. Subukan mo ako." Sagot ni Rachel sa kanya.
Napahinga ng malalim si Liam at inaya si Rachel na sumunod kay Mike at Jamie.
Sunod namang nag parinig si Justine kay Kenzo.
"Ate Jaja.. sa tingin ko uuwi nalang ako ng Cebu.. Parang hindi ko naman nakakakitaan ng future tong relasyon namin.." Parinig ni Justine.
"Sige bunso.. Sabihin mo lang sa akin kung kailan ka uuwi ng Cebu.. Bibili tayo ng ticket.. Tsaka pag uwi mo sa Cebu, siguraduhin mong sasagutin mo na yung nanliligaw sayong dentist ha?" Sagot ni Jaja.
"Ay oo naman Ate.. Pag uwi ko ng Cebu I'll make sure na makakapag dinner kami ni Steve.. Nga pala Ate.. naalala mo pa ba si Doc Jake?" Tanong ni Justine.
"Oo naman.. si super hot at gwapong Doc Jake? Paano ko naman makakalimutan yun?" Sagot ni Jaja.
Nang napansin ni Kenzo at Marcus ang pinaguusapan nila Jaja at Justine, agad nilang tinignan ng masama ang mga ito.
"Doc Jake?! Saan nag duduty yan?! Doon sa dating hospital kung saan ka ng tratrabaho?!" Galit na tanong ni Marcus.
"Malamang doon nga Cus.. Pero bago nating puntahan yung Doc Jake.. Puntahan muna natin yung Steve sa Cebu.. Iligpit muna natin yun and I swear susunod natin yung Doc Jake!" Galit na sagot ni Kenzo sa kanya.
BINABASA MO ANG
MISSION: WIN THE NERD BACK (COMPLETED)
RomanceTanga! Yan ang tingin ni Dan sa sarili niya dahil pinakawalan niya si Karla. At ngayon nag susuffer siya kasi ang kaisa-isang babaeng ginusto niya ay pagmamayari na ng iba. Sila na ni Jacob. Pero hindi sumuko si Dan at pinaglaban...