Karla's POV:
Kasalukuyan akong nakaupo sa loob ng kwarto kung saan ako tinatago ni Jacob, nang bigla akong nakarinig ng boses.
Si Paul.
Mukhang may kausap siya sa telepono.
"Ano?! Saang presinto kayo ngayon?!" Sigaw niya sa taong kausap niya sa kabilang linya.
Natahimik siya ng panandalian.
"Sige.. mag papadala ako ng abogado diyan.. Basta wag na wag kayong magsasalita.. Wag na wag kayong mag bigay ng kahit na anong statement.. Hintayin niyo ang abogadong ipapadala ko.." Sagot ni Paul sabay baba ng telepono.
Napaisip ako.
Sino kaya ang taong kausap niya? Bakit kaya siya nasa presinto? Makukulong kaya siya? May kinalaman kaya si Jacob dito?
Habang nang iisip, biglang pumasok si Paul sa kwarto kung saan ako tintago ni Jacob. Tapos hinawakan niya ng mahigpit at braso ko.
"Nang dahil sayo, nasa presinto ang pamilya ko! Nang dahil sayo hindi sila makakaalis dun! Kapag may nangyari sa kanila, papatayin kita! Idadamay ko ang buong pamilya mo! Tandaan mo yan!" Pananakot niya.
Nang pasagot na sana ako, biglang may humablot sa likod ni Paul. Dahilan kung bakit siya tumilapon sa isang tabi.
Si Jacob.
"What the hell do you think your doing?!" Galit na tanong ni Jacob sa kanya.
"Jacob, hinuli ng mga pulis sila Mama at Papa! Hindi sila makakaalis dun hangga't hindi ako nag papakita dun!" Galit din na sagot ni Paul sa kanya.
Huminga ng malalim si Jacob.
"We'll find a way.. wag kang mag alala.. Ako nang bahala sa pamilya mo.." Pagtitiyak ni Jacob.
Natawa si Paul.
"Ikaw ang bahala? Tignan mo nga ang sitwasyon mo ngayon?! Your a mess Jacob! Alam mo kung anong dapat nating gawin? We kill her.." Sagot ni Paul sabay tutok ng baril sa akin.
"No! Oras na ginalaw mo siya o sinaktan, papatayin kita Paul!" Galit na sagot ni Jacob sa kanya.
Nang mga oras na yun, nanginginig ang buong katawan ko sa takot.
Dan.. please.. dumating ka naman.. please.. Save me..
-------------------------------------------------
Dan's POV:
Nasa police station na kami at hawak na namin ang buong pamilya ni Paul. Sa ngayon, wala na kaming ibang pwedeng gawin kung hindi ang mag hintay na sana sumuko na si Paul. And hopefully, may maibigay siya sa amin na information tungkol sa pinagtataguan ni Jacob kay Karla.
Habang naka upo ako sa waiting area ng police station, biglang nag ring ang telepono ko.
Unknown number.
Sinagot ko.
"Hello"
"Hello.. is this Dan Marasigan?" Tanong ng taong tumawag sa akin.
"Yes.. Sino to?" Balik kong tanong sa kanya.
"This is Paul.. Paul Mercado.." Sagot niya.
Natulala ako nang marinig ko ang sagot niya. Gulat man, pinilit ko pa din sumagot.
"Paul.. Diba na contact ka na ng mga police? I am sure alam mo na na pinapatawag ka dito sa police station sa Tarlac.. Kung wala kang kasalanan, magpakita ka dito at harapin mo ang mga kasong sinasampa sayo.." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
MISSION: WIN THE NERD BACK (COMPLETED)
RomanceTanga! Yan ang tingin ni Dan sa sarili niya dahil pinakawalan niya si Karla. At ngayon nag susuffer siya kasi ang kaisa-isang babaeng ginusto niya ay pagmamayari na ng iba. Sila na ni Jacob. Pero hindi sumuko si Dan at pinaglaban...