PART 25: A PRESENT

4.9K 125 2
                                    

Dan's POV:

Kinabukasan maaga akong pumunta sa Garcia Corp. Malamang ay na mimiss na nila ako.

Pag dating ko sa opisina ni Marcus, agad ko siyang nakitang may kausap siyang tatlong lalaki.

Nagtaka ako.

Hala! Mukha yatang tatanggalan na ako ng trabaho ni Marcus ah? Parang nakahanap na nga yata siya ng kapalit.

Nang nakita nila ako, agad nila akong binati.

"Oh andito na pala si Daniel eh." Pag uumpisa ni Liam.

Nilapitan ako ni Mike at niyakap.

"Namiss kita papi! Pa kiss nga!" Pagbibiro niya.

Binatukan ko siya at lumapit kay Marcus.

"So.. ano ang importante nating pag uusapan?" Tanong ko kay Marcus.

Bago niya ako sinagot biglang dumating ang mga babae. Nagulat ako nang nakita kong kasama nila si Karla.

"Ay sorry.. Nakaka istorbo yata kami?" Tanong ni Jaja

"Hindi babe.. Okay lang.." Sagot ni Marcus.

Tapos ay agad niyang binigyan ng instruction ang mga lalaking kausap niya na mag proceed sila sa board room at pupuntahan nalang sila doon ng isang taong mag coconduct ng another interview.

Pagkaalis ng mga lalaki kapansin pansin ang pag sunod ng mga mata ng mga babae sa kanila.

"Kuya Marcus.. Sino yung mga yun?" Tanong ni Justine.

"Mga applicants ni Marcus yun.. Sila ang nag a-apply sa position ni Jacob.. At tigilan mo yang pag tingin sa kanila Justine!" Sagot at pag saway ni Kenzo sa kanya.

Sabay sabay naman naming narinig ang pag "Owwwwww" ng mga babae.

"Jacqueline! Umayos ka.." Saway ni Marcus kay Jaja.

"Babe.. maayos naman ako.. Nakikisakay lang ako sa trip ng mga to.." Depensa niya.

"Si Jamie talaga! Ang lagkit ng tingin.. Akala niya para wala ako dito eh.. Woooo! Respeto naman sa boyfriend!" Pag paparinig ni Mike.

"Nako Villanueva tumigil ka nga! Alam mo na naman na wala akong balak ipag palit ka sa iba.. Drama mo.." Sagot ni Jamie.

"Oh.. bago pa mag away away.. explain ko na sa inyo ha? Yung tatlong yun ang applicants para sa position na naiwan ni Jacob.. So Karla.. I hope you'll be back soon.. Kasi kung sino man ang matatanggap sa kanilang tatlo.. kakailanganin niya ang assistance mo.. Hindi naman ikaw ang mag ti-train. Pero gusto ko sanang eh observe mo ang trabaho ng new hire.. Alam mo na.. dating gawi diba?" Pag bibigay alam ni Jacob.

"Okay po boss.. Nextweek po.. baka maka balik na ako.. Medyo okay na din naman na ako.. So I can go back to work Monday, next week.." Sagot ni Karla.

Sumabat ako.

"Teka.. so ibig sabihin kung sino man ang ma hire sa tatlong yun makakasama niya si Karla from 8AM to 5PM?" Pasigaw kong tanong.

"Oo.. Ganun na nga Dan.. Kailangan eh observe ni Karla eh.. Wala naman akong oras mag observe kasi ang dami ko din ginagawa.." Sagot ni Marcus.

"Eh kung ako nalang kaya ang mag observe?" Pag presenta ko.

"Alam mo ba ang trabaho nila sa HR?" Tanong ni Marcus.

"Hindi.." Mahina kong sagot.

"So hindi ka pwedeng mag observe.." Sagot niya.

Pasagot na sana ako nang biglang nag salita si Jaja.

MISSION: WIN THE NERD BACK (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon