Karla's POV:
Masama man ang pakiramdam ko, pinilit pa din ako ni Jacob na pumasok sa office. Baka daw kasi magtaka ang mga tao kung bakit matagal akong absent. Kahit nga yung Doctor ko, pinilit niyang bigyan ako ng discharge letter para makalabas na ako sa hospital kahit na hindi pa talaga pwede.
Pag-asa ko na sana yung hospital na yun para makapag report sa police. Pero kilala niya pala ang isa sa mga board member ng hospital na yun. Pati ang Doctor na naghandle sa akin, kaibigan niya. So ang ending, siya pa din ang nanalo.
Habang nag iisip, bigla kong naramdaman ang sakit ng mukha ko. Agad akong kumuha ng salamin para tignan. Nagulat ako nang nakita ko na halata ang pasa sa gilid ng mata ko. Kaya naman kinuha ko ang makeup kit ko at dali-daling pumunta sa CR.
Shit baka makita to ng iba! Lagot na naman ako kasy Jacob.
****
Pagpasok ko sa CR agad kong nakita si Jamie.
"Karlita! Long time no see ah?! Kamusta ka na? Balita ko lagi ka daw nagkakasakit this past few months.." Bungad niya.
Gulat man, sumagot pa din ako.
"Ah.. Oo.. kasi.. uhmm.. stressed ako ngayon eh.. kaya.. siguro ganun.." Pagsisinungaling ko.
Nagtataka siyag tumingin sa akin.
"Karla.. pasa ba yang nasa gilid ng mata mo?" Tanong niya.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Ah.. oo.. kasi tumama ako sa gilid ng pinto.. Dala lang to ng papaging clumsy ko." Ulit kong pagsisinungaling.
Hinawakan niya ang mukha ko tapos pinahiran niya ang kamay niya ang gilid ng bibig ko. Dahilan kaya natangal ang concealer ko.
"Ito din pasa to! Karla ano ba tong nangyayari sayo?!" Nag aalala niyang tanong sa akin.
"Jamie.. please.. wala to.." Sagot ko sa kanya.
"Anong wala?! Obvious naman na kaya ka nag coconcealer para maitago ang mga pasa mo! Halika ka dito!" Pag aaya niya.
Hinawakan niya ang kamay ko at kinaladkad ako papunta sa opisina ni Boss Marcus.
Pagpasok namin, ang gulat na mga mata nila ang tumingin sa akin.
"Jamie.. kumatok ka naman.. Police nga kahit may warrant kumakatok eh.." Saway ni Mike.
Tinignan siya ni Jamie ng masama.
"This is urgent!" Sagot ni Jamie.
"Why? What's wrong?" Tanong ni Boss Marcus.
Pinaupo ako ni Jamie sa isang upuan sa tabi ni Mike sabay kuha ng makeup remover wipes. Tapos ay hinawakan niya ang mukha ko at nagsimula siyang burahin ang concealer ko.
"This is the problem.." Sagot ni Jamie sabay turo sa mukha ko.
"Karla.. anong nangyari?! Bakit puro pasa ang mukha mo?" Nag aalalang tanong ni Kenzo.
"Wala to.. Please.. Wag na nating gawing issue to.." Sagot ko.
"Hindi! Issue to! Tignan mo nga yang mukha mo? Puro pasa! Paano naman hindi magiging issue to?! Kaibigan ka naman kaya concern kami sayo.." Dagdag ni Liam.
With that, unti-unti nang tumulo ang mga luha ko.
"Karla.. tell us the truth.. We will help you.." Pagtitiyak ni Mike.
Hindi pa din ako sumagot at nagpatuloy ako sa pag iyak.
"Call Dan.." Utos ni Boss Marcus kay Kenzo.
BINABASA MO ANG
MISSION: WIN THE NERD BACK (COMPLETED)
RomanceTanga! Yan ang tingin ni Dan sa sarili niya dahil pinakawalan niya si Karla. At ngayon nag susuffer siya kasi ang kaisa-isang babaeng ginusto niya ay pagmamayari na ng iba. Sila na ni Jacob. Pero hindi sumuko si Dan at pinaglaban...