Jacob's POV:
"Mr. Mirasol.. you will be detained here.. Is there somebody we can call for you? Pamilya mo? Abogado? Anyone?" Tanong nang pulis sa akin.
Agad kong kinuha ang wallet ko at kinuha ang business card ng abogadong kilala ko.
"Here.. Call this guy.. He's my lawyer." Sagot ko sa kanya.
Nang dadalihin na ako sa loob ng kulungan, bigla kong naisipang mag tanong.
"Sir.. yung mga nabaril ko.. may balita ba kayo tungkol sa kanila?"
"Nakipag coordinate na kami sa hospital. Si Miss Miranda is scheduled for operation.. And she'll surely recover right after. Pero si Mr. Mercado, critical. Katulad ni Miss Miranda, naka schedule din siya for operation.. Pero according sa doctor na nakausap namin, maliit ang chance niyang maka survive.." Sagot niya.
Napayuko ako.
Bakit mo kasi ako trinaidor Paul? Tinuring kita na para kong kapatid, yet nagawa mo sa akin yun. Si Karla maiintindihan ko pa kung bakit niya nagawa yun, pero hindi ko lubos maisip na kaya mo din pala akong iwanan sa ere.
Habang nag iisip, bigla akong hinawakan ng pulis sa braso.
"Sige na.. pasok na sa kulungan.. Hihintayin natin ang abogado mo.." Pag bibigay alam niya.
Agad naman akong sumunod sa kanya.
Nang nakapasok na ako sa loob ng kulungan, napaupo ako sa isang tabi at nag isip.
Kapag namatay si Paul.. pagsisisihan ko yun habang buhay.
-------------------------------------------------
Dan's POV:
Naka upo ako sa labas ng operating room at nag dadasal.
Ama, salamat.. Kahit na nabaril si Karla, at least maliligtas po siya. Hindi niyo po binigo ang hiling ko. Salamat.
Pagkatapos kong mag dasal, biglang lumabas ang doctor galing sa operationg room.
"Mr. Marasigan.. Kakatapos lang ng operation ni Ms. Miranda.. The operation was a success and we'll be transferring her in her room after niyang magkapag recover.." Pag bibigay alam niya.
Napahinga ako ng malalim.
"Maraming salamat po Doc.." Sagot ko sa kanya.
Tumango siya at bumalik sa loob ng operating room.
Pagkaalis ng doktor, agad kong kinuha nag telepono ko at tinawagan si Marcus.
"Hello.. pre.. kamusta na? Ano nang balita kay Karla?" Tanong niya.
"Kakatapos lang ng operation ni Karla pre.. Okay na siya.. Nasa recovery room siya ngayon.. Tapos mamaya ililipat na siya sa kwarto niya.." Sagot ko.
Narinig kong napahinga siya ng malalim.
"That's a relief! Buti naman at maayos na siya.." Sagot niya.
"Oo nga pre.. Sa ngayon, pwede niyo bang puntahan ang pamilya ni Karla.. Sabihin niyo sa kanila na nasa maayos na lagay na siya.. And tell them that I will call them kapag naayos na namin lahat dito.. Pero please.. don't mention anything regarding the shooting.. Pag balik namin ng Manila.. saka na namin sasabihin sa kanila lahat.." Sagot ko.
"Sige pre.. Mamaya after ko sa office ako ang personal na pupunta sa kanila.. Pasensya ka na tol at late na akong makakapunta diyan.. Hayaan mo.. pagkatapos na pagkatapos ng mga kailangan kong gawin.. susunod na kami agad ni Mike diyan.." Paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
MISSION: WIN THE NERD BACK (COMPLETED)
Storie d'amoreTanga! Yan ang tingin ni Dan sa sarili niya dahil pinakawalan niya si Karla. At ngayon nag susuffer siya kasi ang kaisa-isang babaeng ginusto niya ay pagmamayari na ng iba. Sila na ni Jacob. Pero hindi sumuko si Dan at pinaglaban...