Jacob's POV:
Inabot ko kay Karla ang isang envelope habang kumakain kami ng breakfast.
"Here.."
"What this?" Pagtatanong niya.
"Resignation letter mo.." Pagbibigay alam ko.
"Bakit naman ang aga? Sabi mo.. by the end of the month pa?" Tanong niya.
"Naisip ko lang kasi.. bakit pa nga ba natin hihintayin ang katapusan kung pwede namang ngayon na." Sagot ko.
"Pero gusto ko pang kunin ang sweldo ko sa katapusan.." Pagliwanag niya.
"Ako nang bahala sa sweldo mo sa katapusan.. Head ako ng HR kaya ako na ang magpro-process ng backpay mo.." Sagot ko sa kanya.
Natahimik siya.
"Okay.. Mamaya.. pag pasok natin.. ipapasa ko na kay Boss Marcus to.." Sagot niya.
"Good.. Make sure to read the letter.. Yung reason na nilagay ko diyan kung bakit ka mag reresign ay eh pepersue mo yung chosen profession mo.." Paliwanag ko sa kanya.
"Okay.. I will do it.." Sagot niya.
Buti naman at hindi na siya nakipagtalo. Minsan kasi ang hilig niyang makipag argue. Kaya hindi nauubusan ng pasa ang mukha niya eh. Lagi kasi siyang tumututol sa gusto ko.
-------------------------------------------------
Karla's POV:
Nang makarating ako sa opisina, agad akong pumunta kay Boss Marcus para mag pasa ng resignation.
Nang marating ko ang office niya, agad akong kumatok.
"Boss.. may I come in? It's Karla.." Pagbibigay alam ko.
"Sige Karla.. Pasok ka.." Pagpayag niya.
Pagpasok ko, ang mga tingin nila Mike, Liam at Kenzo agad ang sumalubong sa akin.
Kinakabahan man, pinilit ko pa din ngumiti at maglakad ng derecho papunta sa desk ni Boss Marcus.
"Hi Boss.. Magandang umaga.." Bati ko.
"Aba.. parang maganda yata ang gising mo ngayon ah? Mukhang hindi kayo nag away ni Jacob.." Sagot niya.
"Boss... ang totoo niyan.. kaya po ako nandito.. kasi po.. magpapasa po sana ako ng resignation.." Pagtatapat ko sa kanya sabay abot ng resignation letter ko.
Gulat man, kinuha pa din niya at binasa ang sulat.
"Karla.. eh pepersue mo ang pagiging physicist? Pero bakit parang biglaan naman?" Patatanong niya.
"Pasensya na po kayo sa short notice.." Pagpapaumanhin ko.
"Karla naman.. pag-isipan mo naman muna to.. It would be really hard for me to replace you.." Paliwanag niya.
"Pero Boss.. I need this.." Sagot ko.
"How about.. I give you 2 weeks off from work and a raise?" Pakikipag negotiate niya.
Napayuko ako.
"Boss.." Maikling sagot ko.
"Teka.. yung sa braso mo.. pasa ba yan?" Pagtatanong niya.
Hay! Bakit kasi itong short sleeve blouse ang napili kong isuot eh! Ang tanga ko!
"Ah.. Opo.. Nabanga kasi ako.. sa pinto.." Pagsisinungaling ko.
"Hay! Nako naman talaga yang pintong yan.. Pagnakita talaga ni Daniel yan.. bugbog sarada yan!" Sabat ni Mike.
Gusto kong matawa sa biro ni Mike pero hindi ko magawa. Napaka traumatic sa akin ng salitang bugbog.
BINABASA MO ANG
MISSION: WIN THE NERD BACK (COMPLETED)
RomanceTanga! Yan ang tingin ni Dan sa sarili niya dahil pinakawalan niya si Karla. At ngayon nag susuffer siya kasi ang kaisa-isang babaeng ginusto niya ay pagmamayari na ng iba. Sila na ni Jacob. Pero hindi sumuko si Dan at pinaglaban...