Karla's POV:
Nasa kusina ako kasama si ang Mama ko at ang Mama ni Dan. Nag luluto kasi kami ng breakfast para sa buong pamilya. Kabuwanan ko na kaya naman nag decide kaming dito na muna sa Muntinlupa tumira. Dito din muna nag stay ang pamilya ko at ang pamilya ni Dan. Lahat kasi kami excited na makita si baby. Kaya ito, present ang buong clan.
Masikip man tong bahay namin ni Dan para sa aming lahat, at least masaya kami. Lalo na kapag nanunuod kami ng teleserye sa gabi tapos pareh-parehas na maiinis yung mga matatanda kapag na aagrabyado yung bida.
Ewan ko ba kung bakit masyado nilang dinadamdam yung mga mabibigat na eksina. Sana lang na rerealize nila na scripted lahat yun. At kung may sisisihin man sila si direct yun. Hindi yung mga artitang gumaganap.
Habang natatawa ako sa mga naiisip ko, bigla akong nakaramdam ng sakit sa tiyan. Yung sakit na mapapahawak ka sa kitchen island kasi parang nawawalan ng lakas yung tuhod mo dahil sa sakit na nararamdaman mo.
"Ma.. ang sakit po ng tiyan ko.." Pag bibigay alam ko sa kanila.
Agad nila akong nilingon at nag aalalang lumapit sa akin.
"Karla.. nak.. halika.. umupo ka muna.." Sabi ng Mama ni Dan.
Agad nila akong inalalayan papunta sa sofa. Tapos tinawag ni Mama si Papa at ang Papa ni Dan na kasalukuyang nag kakape at nag uusap sa garden.
Nakita kong nag aalalang tumakbo ang Papa ko at Papa ni Dan papunta sa akin.
"Tawagan niyo po si Dan please.." Pakiusap ko.
Agad namang kinuha ni Papa ang cellphone niya at tinawagan si Dan.
-------------------------------------------------
Dan's POV:
"Marcus may meeting ka ngayon sa Makati.. kailangan mong puntahan yun ngayon kasi wala nang ibang oras si Mr. Ahn.. Bukas ng hapon babalik na siya sa Korea.." Pagbibigay alam ni Liam kay Marcus.
Nang magsasalita sana si Marcus, biglang nag ring ang telepono ko.
Papa ni Karla.
"Hello pa.. Bakit po?" Tanong ko.
"Dan.. pwede ka na bang umuwi ngayon? Manganganak na si Karla.." Pagbibigay alam niya.
Binaba ko ang telepono at agad na nag paalam kay Marcus.
"Manganganak na si Misis pare.. Kailangan kong umuwi.." Pag papaalam ko.
"Ano?! Dalian mo! Susunod kami sa hospital.." Sagot ni Marcus.
Agad akong kumaripas ng takbo papunta sa kotse ko at nag drive pauwi ng bahay. Bigla kong naisip na tawagan si Karla.
"Hello.." Sagot ng Papa niya.
"Pa.. pwede po bang makausap si Karla?" Tanong ko.
Hindi siya sumagot. Malamang binigay na niya ang telepono kay Karla.
"Hello.." Bati ni Karla sa akin.
"Hello.. Akin.. how are you feeling?" Nag aalala kong tanong.
"Pain.. A lot of pain.." Sagot niya.
"Okay.. I will be there.. I am driving as fast as I can.." Pagbibigay alam ko.
"Akin..I need to go to the hospital.. Hindi ko kaya ang sakit.. Sobrang sakit.." Sagot niya.
"Okay.. I will meet you in the hospital.. For now pwede ko bang kausapin si Papa?" Tanong ko.
Hindi siya sumagot.
BINABASA MO ANG
MISSION: WIN THE NERD BACK (COMPLETED)
RomanceTanga! Yan ang tingin ni Dan sa sarili niya dahil pinakawalan niya si Karla. At ngayon nag susuffer siya kasi ang kaisa-isang babaeng ginusto niya ay pagmamayari na ng iba. Sila na ni Jacob. Pero hindi sumuko si Dan at pinaglaban...