Dan's POV:
Nasa Cavite kami ngayon kasi grand opening ng resort ni Marcus. Hindi na nga sana ako pupunta pero pinilit ako ng barkada. At ang tanga ko din kasi nagpapilit ako.
Ngayon para akong tanga na naka upo sa isang sulok at nag iinom mag isa. Samantalang ang mga barkada ko ay nag eenjoy kasama ang mga misis at girlfriend nila.
Habang nag iinom, nakita ko ang papalapit sa akin na si Mike at Liam.
"Tang ina! Bwisit!" Bungad ni Mike.
Napakunot noo akong tumingin sa kanya.
"Anong problema?" Tanong ko.
"Nagtatalo sila ni Jamie.. Kasi yung bikining dinala niya sobrang sexy daw.." Paliwanag ni Liam.
Natawa ako.
"Hindi lang naman yun lang pre eh.. Yun talaga ang pinili niyang dalhin.. Tapos malaman laman ko na andito pala yung Blake na dati niyang manliligaw.. Kung kayo ako.. Anong gagawin niyo?" Tanong niya.
"Magwawala ako.." Sabat ni Marcus na nasa likod namin.
Lumingon kami sa kanya at nagtawanan.
"Kamusta ang grand opening nitong Sand?" Tanong ko.
Sand ang pangalan ng resort ni Marcus.
"Okay naman.. So far masaya naman ang mga tao.. Sales is doing pretty good.. Eh kayo.. kamusta?" Pagtatanong niya.
"Okay naman.. actually.. may kailangan akong sabihin sayo Cus.."
"Sige.. ano ba yun?" Tanon niya.
"Si Mara.. nagusap kami last time.. Pinagbantaan daw ni Jacob ang buhay niya.." Pag uumpisa ko.
Then I told my friends everything. Simula sa plano ni Mara at ni Jacob, hanggang sa deal namin ni Mara.
Napailing si Liam.
"So.. may posibility na.. obsessed si Jacob kay Karla?" Tanong niya.
"Sa tingin ko, oo... At kung totoo nga ang hinala natin, Karla is in danger.." Sagot ko.
Tumango sila.
"So what do you have in mind?" Tanong ni Kenzo.
"For now.. wala pa.. hindi ko alam paano ko gagawan ng paraan to eh.. Pero I will keep an eye on them.." Sagot ko.
"Kaya pala nag resign si Mara? So asan na siya ngayon?" Tanong ni Marcus.
"Oo.. Uuwi daw siya sa Davao.. Nandoon daw ang pamilya niya.." Sagot ko.
"Nako.. Buti nalang pala at nakaalis siya kaagad bago pa may mangyaring masama.. Hayaan mo Dan.. tutulungan ka namin.." Pagtitiyak ni Marcus.
"Aba.. dapat lang tulungan niyo ako. Grabe kaya ang pinagdaan natin dati kay Jaja at Rachel.. Tapos ngayon naman na ako tong may ililigtas, iiwanan niyo ako.." Pagbibiro ko sa kanila.
Tumawa sila.
"Gago! Malamang hindi ka namin iiwan.." Sagot ni Kenzo.
"Pero teka.. ngayon ako muna ang tulungan niyo!" Galit na sinabi ni Mike habang nakatingin sa dagat.
Nilingon namin kung anong tinitignan niya at nakita namin si Jamie na may kausap.
Ayan siguro yun Blake.
Tumayo si Mike at lumapit kay Jamie. Sumunod naman kami sa kanya kasi kung baka magsimula siya ng gulo.
****
![](https://img.wattpad.com/cover/102843707-288-k52829.jpg)
BINABASA MO ANG
MISSION: WIN THE NERD BACK (COMPLETED)
RomanceTanga! Yan ang tingin ni Dan sa sarili niya dahil pinakawalan niya si Karla. At ngayon nag susuffer siya kasi ang kaisa-isang babaeng ginusto niya ay pagmamayari na ng iba. Sila na ni Jacob. Pero hindi sumuko si Dan at pinaglaban...