East Pacific University
At the back of the gymnasiumDear diary,
It was a rough day but I know I can make it through.
°Cee-cee
July 3, 2011Kaagad kong isinara ang aking diary at isinilid ito sa aking plastic envelope na kulay violet at hinayaan na lang munang nakapatong sa lamesang yari sa kahoy kasama ng aking mga blueprints, pencils at books. Weird ba na inilalagay ko pa sa plastic envelope? Siguro nga. Pero kasi nag-iingat lang ako. Baka kasi mabasa ng ulan, eh. Masira pa ang aking pinakamamahal na diary. Tumingala ako sa langit na napapalibutan ng kulay abong mga ulap. Makulimlim na at uulan panigurado. I shook my head and sighed with a heavy heart.
Until now, Cee-cee? I asked myself.
I couldn't control it. I hate the rain. Every drop and every sound it makes are still clear and... blue. Naaalala ko kasi ang isang masakit na alaala na pilit kong kinakalimutan. Pero anong magagawa ko? Uso na ang climate change kaya minsan kahit mainit, eh, uulan. I sighed again.
Naramdaman ko ang pagpatak ng kung ano sa aking braso. It's raining now. Kaya agad-agad akong kumilos. Iniligpit ko ang mga gamit ko at isinilid sa aking backpack nang mabilisan saka tumakbo papunta sa gym para doon muna sumilong. Mahirap magkasakit. Ayokong maka-miss ng kahit isang lesson. Sayang naman.
Umupo muna ako sa isa sa mga bleachers sa loob ng gym. Kagaya ko ay may mangilan-ngilan ding mga estudyante na naroon. Bukod sa mga basketball varsity players ay may mga estudyanteng nanonood sa kanila. Ah, so practice pala ngayon ng varsity team. Speaking of varsity team... Akala ko sampu sila? Bakit siyam lang ang nakikita ko?
Ay nako. Pake ko ba? Teka. I-double check ko muna ang mga gamit ko. Baka kasi may nawala, eh.
Inisa-isa ko ang laman ng backpack ko.
Blueprints, check.
Pencils and erasers, check.
Ruler, check
Sketchpad, check.
Books, check.
Diary, wala.Okay. Ayos na- wait! Ano? Wala? Syet! Nasaan ang diary kong pinakamamahal? Syemay! No way! Naiwan ko yata sa likod ng gym!
And so again mabilis na isinilid ko sa aking backpack ang lahat ng gamit ko. Oo, lahat na. Baka may maiwan pa, eh.
Kumaripas na ako ng takbo papunta sa tagong lugar na iyon sa gym. Sakto tumila na ang ulan.
Ngunit hindi ko inaasahan kung ano ang makikita pagbalik ko sa aking tambayan.
Hindi "ano" kundi "sino."
Si Ivo Sanvictores.
Sikat siya sa school dahil bukod sa siya ang captain ng varsity team ng school at gwapo daw, eh, kilalang "lady killer" dahil isa siyang notorious playboy.
Hindi na ako nagdalawang-isip na lapitan siya para hablutin ang aking diary na binabasa niya ng wala ang aking permiso.
He just violated my rights to my own privacy. Nakakainis!
"Akina iyan!" singhal ko kasabay ng paghablot ko sa aking diary na hawak niya. "Bakit mo ba binabasa ito? This is my diary! How dare you read it!"
Masama talaga ang tingin ko sa kanya. Asar ako, eh. Grr. Kung nagbubuga lang ako ng apoy kanina ko pa to binugahan. At sigurado ako, sunog siya.
He looked up at me. I was stunned at first pero di ko ipinahalata sa kanya. Ewan ko ba kung anong hangin ang pumasok sa mata ko at nagandahan ako sa mga mata niyang tila bored na nakatingin sa akin.
"Chiradee Clea Fullente, huh?" Binanggit niya ang pangalan ko na tila may panunuya. Nag-isang linya pa ang mga labi nito habang nakakunot ang noo.
Naguluhan ako sa klase ng pagtitig niya sa akin pagkatapos niyang banggitin ang pangalan ko. Hindi ko sigurado kung resentment iyon o ano dahil kaagad din iyong naglaho.
"Chiradee Clea Fullente."
How did he knew about my name?
Cee-cee Fullente lang ang inilagay kong pangalan sa "About Me" page ng diary ko. Kaya paano niya nalaman?Hindi naman ako sikat at maganda gaya ng mga rumored girlfriend niya? Simple lang ako at medyo clumsy pa. Habang siya eh sikat at tinitilian ng kanyang mga fangirls.
So how...?
I sighed. Wag ko na lang sigurong isipin. Masakit sa bangs kahit wala akong bangs.
Pinulot ko ang plastic envelope na violet sa madamong lupa. Bwiset talaga yon. Pinakialaman na nga ang diary ko hindi man lang inayos. Nakakainis ka talaga, Ivo Sanvictores.
BINABASA MO ANG
Dreaming in the Rain
RomanceIto ang kwentong nagsimula ng dahil sa isang diary. Oo, dahil sa isang diary ng isang babaeng medyo clumsy. Ngunit kasunod nito ang pagkagimbal ng buong mundo niya na kahit universe, eh, hindi inakala at never na mahuhulaan ni Madam Auring because t...