*Cee-cee's POV
MARAMING booth ngayon sa grounds ng East Pacific. Nagsisimula na ang one week celebration ng anniversary ng Foundation Day nitong university kaya nagkalat ang booth ng iba't ibang interest clubs.
May photo booth, jail booth, music booth, request booth at marami pang iba. One week to kaya sure na masaya ang lahat ng mga estudyante rito.
"Ang daming booth dito sa university niyo, Bestie."
Ah, oo nga pala. Kasama ko si Merrilou ngayon. Allowed naman mag-invite ng outsiders basta ang bilin ay dapat kasama lagi ng student na nag-invite sa kanya.
"Kaya nga, eh. Tara! Doon tayo!" Tinuro ko 'yong isang booth na pulos pagkain ang laman.
"OMG! Mukhang masarap 'yong mga pagkain nila, ah. Tara sugod!"
Tatawa-tawang nagpahila na lang ako sa best friend kong mala-construction worker kung kumain.
"Oh, kakaiba itong kerimoto style," komento niya habang kumakain ng soda with fries sa ibabaw.
"Alam ko na kung bakit 'kerimoto style' ang tawag dito, Bestie," sabi ko sabay subo ng fries na hawak ko.
Nagtaas lang siya ng kilay habang patuloy sa pagkain.
"As in, kering-keri mo 'tong bitbitin...? Hehehehehe..." nakakaewang paliwanag ko.
"Tatawa na ba ako?" bale-walang sabi niya.
"Joke kasi 'yon, bestie." Ngumuso pa ako for paawa effect.
"Ewan sa'yo!"
Natawa na lang kami pareho ni Merrilou sa mga kabaliwan ko.
Buong araw na magkasama kami ng BFF ko. Hinayaan muna niya ako sa best friend ko dahil iyon ang hininging kondisyon ni Merrilou para "maaprubahan" ang relasyon namin. Nagseselos na kasi itong bruha kong best friend, ayaw pa niyang aminin. Hahahaha!
Bandang hapon nang magkita kami ni Ivo. May kakausapin daw kami.
"Let's go," yaya niya.
"Saan ba?"
"Oo nga. Nag-eenjoy pa kami, eh," angal ni Merrilou.
"I'll explain later. Just come with me, okay?" seryosong wika niya saka nagpatiuna na sa paglalakad.
Nagkatinginan kami ni Merrilou. Alam ko na kapag seryoso si Ivo, seryoso talaga siya.
Sumunod na lang kaming dalawa sa kanya.
"SO, TELL us your dark little secret, Jessa."
"Sino ang nag-utos sa iyo?"
Nanatiling tahimik si Jessa na nasa hot seat ngayon. Siya pala kasi 'yong nagbagsak ng paso sa IT building at 'yong gumawa ng paraan para bumagsak ang stage lights noon.
Si Dwight ang nagsabi sa amin na ang kaklase kong ito ang salarin sa lahat ng 'yon.
It makes sense actually. Naging matanong siya sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa amin ni Ivo.
Nag-iwas ng tingin si Jessa. "Si... Aldrich."
"What the fuck is wrong with that guy?" Ivo said in a very serious tone.
"What the hell is going on? Are you nuts, miss? Bakit kailangan mong saktan ang best friend ko?" galit na tanong ni Merrilou.
Oo, pati siya bismod na. My ever overprotective BFF.
"Inutusan ako ni Aldrich na gawin iyon. Kailangan ko kasi ng pera kaya I had no choice..." paliwanag ni Jessa.
"But what's the stupid reason para utusan ka niya, ha?" Si Merrilou ulit.
"That guy is obviously has a thing for my girlfriend," Ivo stated.
I'm so astonished right now. Si Aldrich? How could he?
"Kung may gusto siya kay Cee-cee, bakit niya naman gugustuhin na saktan ang girlfriend mo?" tanong ni Dwight.
Si Jessa na ang sumagot. "Para isipin ni Cee-cee na kapag kasama niya si Ivo, masasaktan lang siya. Pero ibinilin niya sa akin na maging maingat na 'wag masaktan si Cee-cee.The result, iiwan niya si Ivo at maghihiwalay na sila.
"He's crazy for thinking that way," bored na sabi naman ni Jared
"Whoever that asshole is, he should rot in hell!"
G na g na talaga si Merrilou.
"I don't know what to say, Jessa. Kahit na sabihin mo pang napilitan ka lang, mali pa rin ang ginawa mo," sabi ko.
"I'm sorry, Cee-cee..."
"What should we do to her then?" tanong ni Axl.
"Kailangan kong makausap 'yang Aldrich na 'yan. That son-of-a-bitch!"
Hinawakan ko sa kamay si Ivo para pakalmahin siya. And he did.
"Chill, babe. It's fine," sabi ko.
Humarap siya sa akin. "No, it's not fine. Muntik ka nang mapahamak because of his stupidity and insanity. No one would never dare to hurt you because I'm here. I'll protect you."
Niyakap ko na lang siya. Speechless ako, eh. Masyado akong na-touch sa sinabi niya.
Kapag ganito ba naman ang narinig mula sa taong mahal mo, ang lakas makaganda.
Well, maganda talaga ako. Hahahaha!
"WHAT the hell is your problem, Aldrich?"
"What do you mean, Cee-cee?"
I rolled my eyes. Nagpatay-malisya pa siya talaga.
"Jessa told us the truth. Inutusan mo siya na gumawa ng mga bagay na ikapapahamak ko!" asik ko sa kanya.
Bumalatay ang pagkagulat sa mukha niya ngunit kaagad din iyong nawala nang sumeryoso ang mukha niya.
Wala namang ibang tao dito bukod sa aming dalawa dahil maaga pa at wala ang mga kaklase namin. Pero si Ivo ay nandiyan sa labas dahil sinabi ko na ako ang kakausap kay Aldrich.
Ayaw niya noong una pero nakumbinsi ko rin siya kaya hindi siya umalis.
"Are you insane? Siraulo ka ba o ano?! Akala ko pa naman mabait ka pero nagkamali pala ako," dagdag ko pa.
"Cee-cee, I did that because—"
"You like me, is that it?" I cut him off in mid-sentence. "If you were thinking that I'll leave my boyfriend for you, then you're definitely wrong because I won't."
He smiled slyly at me. "You'll leave him soon, Cee-cee."
Kumunot ang noo ko. Bakit tila sigurado siya sa sinabi niya?
"She won't, asshole."
Si Ivo ang nagsalita na ngayon ay nasa classroom namin. Napahiyaw na lang ako nang bigla na lang niya suntukin si Aldrich. Humalik sa tiled floor ang mukha niya. May bahid din ng dugo ang gilid ng labi niya na pinahid niya rin kaagad.
Iba rin ang isang ito. Nakangisi pa siya sa amin.
"Next time you'd dare to touch my girlfriend, you'll get more than that, Aldrich," Ivo warned him and pulled me out of the room.
Humawak ako nang mahigpit sa kamay ni Ivo.
Habang naglalakad kami ramdam ko ang kakaibang saya na nararamdaman ko.
And then realization hit me. My life won't be any better if I never met him.
And I'm sure of one thing.
I'll never leave him no matter what.
------Author's note: Pasensiya na ho sa late update.Naging busy lang po. :)
BINABASA MO ANG
Dreaming in the Rain
RomanceIto ang kwentong nagsimula ng dahil sa isang diary. Oo, dahil sa isang diary ng isang babaeng medyo clumsy. Ngunit kasunod nito ang pagkagimbal ng buong mundo niya na kahit universe, eh, hindi inakala at never na mahuhulaan ni Madam Auring because t...