Chapter 1

111 3 11
                                    

*Cee-cee's POV

"Hi, CEE-CEE!"

Nagulat ako ng makita kong umagapay sa aking paglalakad si Ivo. Ano kaya ang trip mg damuhong ito? Nakakasira ng araw ko. Swear!

Narito ako ngayon sa hallway ng Arts Building. Papunta na kasi ako sa susunod na klase ko. Maaga pa naman pero maigi na 'yong pumasok nang maaga kaysa ma-late pa.

"How are you, hmm?" He asked in his deep baritone and yet sweet voice.

Pashnea!! sigaw ko sa aking isip. Ano ba trip niya at sinundan ako? Ilang araw na niya akong sinusundan ng mokong na ito. Kaya nga kitang-kita ko sa peripheral vision ko ang masasamang tingin ng mga babaeng nakakakita sa aming dalawa ng Ivon na ito. Oo, Ivon tutal masarap siyang i-animal hunt.

Matutuwa pa sana ako kung magsosorry siya sa pagbabasa ng diary ko, eh. Kaso sa mukha ng kolokoy na ito? Malabo. Mas malabo pa sa maduming tubig sa imburnal.

Hindi ko siya pinansin at mas binilisan pa ang lakad ko. Pero nakakabwiset lang kasi ganoon din ang ginawa niya. Sinusundan talaga ako ng lalaking ito. Grrr

Huminto ako sa paglalakad. "What do you want?" asar na tanong ko sa kanya.

"Is it bad to ask how are you today?" He chuckled.

"Oo. Lalo na at hindi naman tayo close." Diniinan ko pa ang pagbanggit ko sa salitang "close."

"Alright. Then maybe..." Diretso siyang nakatitig sa mga mata ko habang unti-unti siyang lumalapit sa akin.

Peste! Awtomatikong napaatras ako. Gusto ko siyang bulyawan kaso tila nahipnotismo na ako ng magaganda niyang mga mata.

Atras ako nang atras hanggang sa maramdaman ko na lang ang malamig at matigas na pader sa aking likod.

"So how about this distance? Are we close enough now, Cee-cee?" He asked with a playful smile on his lips. That smile which faded seconds after his eyes rolled down and saw my lips.

"What..."

Okay so bakit napansin ko ung mga labi niya? Yong mga labi niyang... mapupula at kissable talaga. Ramdam na ramdam ko pa ang ang hininga niya sa aking mukha... And it smelled so good. I looked down to his neck. Peste ang sexy. Para bang ano ang sarap ano... Halikan? Nakita ko pang gumalaw ang adam's apple niya tanda na lumunok siya.

"Maybe I can ask you now the same question. How are you, Cee-cee?"

Teka nga! Bakit ba napapansin ko ang mga bagay na iyon sa kanya, aber?!

Ahh! You need to get out of this trouble, Cee-cee! sigaw niya sa kanyang isip. Improvise, Cee-cee! Improvise!

"Achooooo!!!!"

Wala na kong pake kung tumalsik man laway ko sa pagmumukha niya. He deserves it! And I also don't care about those girls na masasama na ang tingin sa akin na animo ay ihahagis ako sa pinakamalapit na daan pababa ng impiyerno. Hell!

Naiinis talaga ako sa lalaking ito!

O mas tamang sabihin na naiinis ako sa sarili ko. Kasi... Kasi... wala lang-ah, peste talaga!

Eh, teka nga. Hindi dapat ako naiinis sa sarili ko. Sa lalaking ito! Kay Ivo na ang lapit-lapit ng mukha sa akin!

"You deserve it, you moron!" Pagkasabi ko niyon ay mabilis pa sa alas kwatrong umalis ako doon.

Correction. Tumatakas ka sa bagsik ni Ivo! kontra ng isip ko.

Hindi, 'no! Hello? Ano ba magiging dahilan ko para takasan siya. Siya nga dapat gumawa niyon dahil may atraso siya sa akin.

Dreaming in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon