Chapter 3

50 4 2
                                    

*Cee-cee's POV

12 years ago...

"Papa! Papa, 'wag mo po kaming iwan ni Mama!" Nakakapit ako na parang tuko sa mga binti ni Papa habang siya ay pilit ako inaalis sa pagkapit ko sa kanya. Iyak ako nang iyak. Sabi niya iiwan na daw kami niya ni mama.

"Daniel, makinig ka naman sa anak natin," gumagaralgal na pakiusap ni mama. Kagaya ko ay nagmamakaawa rin siya.

"Natin?" gagad ni papa. "Anak mo lang siya, Teresa! Anak mo at ng kabit mo!"

"Papa, please po! 'Wag mo po kaming iwan ni Mama!"

"Shut up, Cee-cee!"

Nasaktan ako sa sinabi niya. Patuloy lang ako sa pag-iyak at pagkapit kay Papa. Baka sakaling hindi niya ako matiis at magbago ang isip niya na huwag kaming iwan.

Mahal na mahal ko si Papa.

"Daniel, please naman! Nagmamakaawa ako. Mag-usap muna tayong dalawa!"

Alam ko na lumuluha rin si mama. Masakit. Sobrang sakit ng nangyayari.

"Wala na tayong pag-uusapan pa, Teresa. Bahala na kayo sa buhay niyo!"

Pilit akong pinaalis ni Papa sa pagkapit ko sa kanya. At sa pagkakataong ito, hindi siya nabigo. Nabitiwan ko siya. At iyon na ang pagkakataon ni Papa para mabilis na umalis.

"Papa! Papa! Papa!" sigaw ko habang hinahabol siya sa ilalim ng malakas na ulan. "Papa—"

Napatid ako ng isang bato kaya ako nadapa. At dahil doon ay hindi ko na nagawang habulin at pigilan pa si Papa. Nakita ko na lang na nakasakay na siya ng tricycle habang ako ay patuloy pa rin sa pagsambit ng pangalan niya, hindi alintana ang hapdi dulot ng sugat sa aking mga tuhod.

Ang sakit-sakit na makita kong iniwanan niya kami.

Lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon ngunit hinahanap ko pa rin si Papa. Madalas kong tanungin si Mama tungkol sa kanya pero palagi niya lang akong sinisigawan at sinasaktan. Simula ng umalis si Papa, madalas na akong saktan ni Mama. Ako ang sinisisi niya sa mga nangyari.

"Mama, punatahan po natin si Papa! Para po bumalik na siya sa atin!" sabi ko.

"Hindi na siya babalik pa! Ikaw ang dahilan! Kasalanan mo ito at ng gago mong ama!" bulyaw niya sa akin paagkatapos ay binugbog niya ako.

Wala akong magawa kundi ang umiyak nang umiyak sa tuwing sasaktan niya ako. Hindi ko kasi magawang labanan siya. Mahal na mahal ko rin siya. Isa pa, wala akong nauunawaan sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Papa.

2 years later...

Heart of an Angel Orphanage

"Mama, ano pong gagawin natin dito?" tanong ko. "Amusement park po ba ito?"

"Manahimik ka na lang, Cee-cee, pwede ba? Naririndi na ako sa boses mong 'yan!"

Nanahimik na lang ako. Binulyawan na kasi ako ni Mama. Natatakot ako na saktan niya na naman ako.

Ang sabi niya sa akin, pupunta raw kami ng amusement park ngayong araw. Tuwang-tuwang ako. Ngayon na lang kasi ako muling makakapunta doon. Noon madalas kaming dalhin doon ni Papa kapag nakakakuha ako ng matataas na grades sa school. Reward daw niya iyon sa akin.

Pero hindi ko alam kung ano ba itong pinuntahan namin. Maraming batang naglalaro. May mga madre rin akong nakikita. Anong klaseng lugar ba ito? Isa pa, dala-dala ni Mama 'yong mga damit ko. Bakit kaya?

Dreaming in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon