Chapter 6

49 2 0
                                    

*Ivo's POV.

"CEE-CEE!"

Nagmadali ako nang mabilis na naglakad palayo si Cee-cee. Tatakasan na naman niya ako.

"Cee-cee, wait!" sigaw ko.

"Tss! Busy ako 'wag kang ano!"

Ang sungit niya! Man, this is not me. Kahit kailan ay hindi ako naghabol sa babae. Sila ang gumagawa niyon.

Ibang klase talaga ang babaeng ito.

Two weeks na niya akong iniiwasan at two weeks ko na rin siyang sinusundan. And it's been two weeks since we had that "spur-of-the-moment" kiss.

Na-provoke lang naman ako ni Shayne. Hindi ko rin naman sinasadya na sabihin sa harap ng maraming estudyante na girlfriend ko si Cee-cee.

But why do I like that idea of her being my girlfriend?

Oo nga at may rason ako sa pakikipaglapit sa kanya. But I have forgotten about it. Ni hindi na nga iyon pumapasok sa isip ko. Dahil iisang tao lang ang umookupa sa isipan ko nitong mga nakaraang araw.

Si Cee-cee.

Aminado rin ako na may kakaibang emosyon akong nadarama tuwing nakikita ko siya o nakakasama siya. Nadiskubre ko iyon noong unang beses niya akong ngitian sa gym dala ang iniluto niyang Adobo. Pero mas tumindi pa iyon nang maglapat ang aming mga labi.

Hindi ko alam kung ano ba iyon pero ang alam ko lang na masaya ako ngayong narito siya sa harap ko ngayon.

Hinawakan ko siya sa braso ng maabutan ko na siya. Damn I just felt something weird inside me. "Saan ka pupunta?"

She looked at me with longing in her eyes. Pero hindi ako sigurado kung tama ako dahil kaagad din iyong nawala.

I sighed. I wish she really did miss me because I do. Damn.

She rolled her eyes. "Psh. Sa pagkamatanda. Angal ka?" angil niya.

Natawa na lang ako. "Oo. Lalo na at hindi naman ako ang kasama mo."

Nagulat siya kapagkuwan ay namula ang buong mukha niya saka yumuko. "Ewan ko sa iyo."

"Do you know how much you look pretty when you blush?" Hindi ko napagilang sabihin.

"Hindi. Hindi naman namumula ang mga pisngi ko, baliw."

"Don't deny it, Cee-cee."

Hahawakan ko na sana ang baba niya para iharap sa akin pero kinagat niya ang kamay ko.

Napangiwi ako sa ginawa niya kaya nabitiwan ko siya. Kaya hayun at tinakasan niya ako. Na naman.

"Cee-cee!"

"Tse! Diyan ka lang! Pashnea ka! Inaveshka!"

Pinanood ko na lang ang pagtakas niya. She's really something.

*Cee-cee's POV

"PSH. Sa pagkamatanda. Angal ka?"

"Oo. Lalo na at hindi naman ako ang kasama mo."

Kanina pa iyan nagpe-play sa isip ko. Grr. Kasalanan mo talaga ito, Ivo. Grr...

Pesteng 'yan! Tagos na tagos ang sinabi ng kurimaw na iyon.

"AHHHHHHH! AYOKO NA!"

"Hoy, bestie!"

"Ay, kalabaw!" gulat na sabi ko. "Bakit?"

Akala yata ni Merrilou na nababaliw na ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. "Unang-una, hindi ako kalabaw. Duh! Ang ganda ko kaya!" Tumirik pa ang mga niya.

"Weh?" Hahahaha! Oo, dakilang kontrabida ako sa pagmamaganda ng best friend kong baliw.

"Psh. Pangalawa, anong nangyayari sa iyo? Kanina ka pa lutang."

"Bestie, paki sampal mo nga ako," wala sa sariling sagot ko.

Tumayo ito saka naglakad papunta sa akin. "Okay. Sinabi mo, eh."

Naramdaman ko na lang ang palad niya sa mukha ko. Hindi sampal kundi tapik lang sa mukha ang natanggap ko. "Hindi naman malakas."

Kumunot ang noo niya saka tiningnan ako nang mataman. "Gusto mong lakasan ko? Mamamaga iyang mukha mo, baliw."

"Ah, sige. Okay na iyon, bestie. Nagbibiro lang naman ako," bawi ko.

"Mungewan ka, bestie. Nasa harap tayo ng pagkain pero nakapangalumbaba ka. Masamang gawi iyan. Magtatampo si Lord."

Sabay kasi kaming naghahapunan. Nasa business trip ang parents namin pareho kaya kaming dalawa lang ang magkasama ngayon sa bahay namin.

Napabuntong hininga ako. "Bestie..."

Naging seryoso ang ekspresyon ng mukha niya. Humila pa ito ng upuan saka umupo sa tabi ko. "May problema ka ba? Come on tell me."

"Ano... May itatanong kasi ako," kinakabahang tanong ko.

"Sure. Fire away."

"Kasi ano... Bakit ang weird ng mga nararamdaman ko this past few days? Si Ivo kasi..." Napakamot na lang ako sa ulo ko.

Nanlaki ang mga mata nito. "What did he do to you?"

"Kalma ka nga lang kasi. Advance ka mag-isip."

"Eh, 'yong kurimaw na iyon ang binanggit mo, eh. Kinabahan tuloy ako. Ano bang meron sa lalaking iyon?"

"Eh, bestie, weird ba kung nami-miss ko siya...?" I bit my lower lip.

Kahit na naiinis ako sa lalaking iyon, ewan ko ba kung bakit na-miss ko siya. Siguro ay dahil... wala lang. Hays ewan. Peste kasi iyang kiss na iyan, eh.

"What?!"

"Nag-kiss na rin kami-aray! Masakit, ah!" Aba binatukan ba naman ako?

"You miss him? Nag-kiss na kayo? Pashnea! What the hell are you thinking? Playboy iyon!" galit na sabi niya.

Shet. Daig pa nito si mommy kung mag-misa, eh.

"Bestie, hindi ko naman gusto 'yong kiss na iyon. Pati hindi ko rin ginantihan ang halik niya." Sinungaling ka, Cee-cee! "At hindi ko alam kung bakit ko siya nami-miss."

I pursed my lips. Sana maniwala itong si Merrilou. Pero mukhang hindi, eh. Aruy...

"Layuan mo iyang Ivo na iyan. He's not good for your health, Cee-cee," seryosong payo nito. "Masasaktan ka lang. He's a playboy. Marami sa mga kakilala ko sa university namin ang umiyak na nang dahil sa kanya. Madali siyang magsawa sa mga babae. He doesn't know how to love kung marami na siyang napaiyak. Once a playboy, always a playboy."

Hindi ako umimik. Sana kung ano man itong weird na nararamdaman ko kay Ivo ay mawala na. Para walang sakit sa ulo.

"I'll remember that, bestie," sabi ko na lang.

"That's good. Kain na tayo. Shotay tomi na akez."

Natawa ako nang mahina. "Ang siba mo!"

"Well, pagkain iyan, eh. Duh!"

Tatawa-tawa na lang kaming kumain. Swerte ko talaga sa best friend kong maalaga at maalalahanin.

Dear diary,

I hope this will fade away as soon as possible.  Damn. I'm confused about this thing. Is this admiration or just merely an infatuation? Arghhhhh! I think I'm going insane by just talking like this. Grrr. I need to answer why this is happening. Gaah! I really hate it. Ugh!

P.S. I still hate him.

°Cee-cee
July 28, 2011

.....

Author's note: How do you find my story? Sana nagustuhan niyo. :) Keep reading Ivo's and Cee-cee's story. Thank you!

Dreaming in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon