*Cee-cee's POV
"GRRRRR..." Hindi ko pinansin ang nag-iingay na phone ko. Naka-alarm kasi iyon. Tulog ulit.
Pero mayamaya lang tumunog uli iyon.
"AHHHHH! Letse!" Bumangon ako kahit labag sa gusto ko. Inaantok pa talaga ako, ma men.
Sinipat ko ang oras sa digital clock sa night stand.
"Alas dose ng tanghali? Seryoso ba 'to?! Ganoon kahaba ang tulog ko?" bulalas ko.
Napasarap yata masyado ang tulog ko, ah. Kaya ang haba ng tulog ko.
"Ay teka..." Dinama ko ang gilid ng labi ko. May laway pa. Kakahiya. Kaderder kung iisipin.
"Teka lang... Never pa akong nagising na may laway, ah?" Natigilan ako nang may pumasok sa na ideya sa isip ko. Kaagad na nagsirko-sirko ang puso ko dahil doon. "Ang walanghiyang iyon!"
Linsiyak na lalaki! nanggagalaiting sigaw ko sa aking isip. Walang ano-ano at basta na lang ako lumabas ng kwarto para sugurin ang talipandas na lalaking iyon.
Ah, sus! If I know, gustong-gusto mo ang ideya na hinalikan ka niya. 'Wag ako! pang-aasar ng isang tinig mula sa aking isip.
Tse! Hindi, 'no! kontra ko.
Sino bang babae ang matutuwa na nakawan ng halik ng ex niyang walanghiya?
Edi, ikaw! Gaga!
Bwiset!
Hindi na rin ako nag-abalang ayusin pa ang hitsura ko. Kiber! So what kung panget ang hitsura ko ngayon? Mabuti 'yon para bangungutin siya!
"Grr! Nasaan ba ang lalaking iyon?" ani ko nang hindi ko siya makita sa buong bahay.
Lumabas ako ng bahay. Nakita ko siyang nakatayo sa hardin sa ilalim ng isang mayabong na puno, tila ninanamnam ang preskong hangin.
Huminto ako sa akmang pagsugod ko sa kanya at sinipat ang kabuuan niya.
I can't just stop admiring his lean body, his long sinewy arms, his broad shoulders and his oh-so-sexy back and his ass. Plus, his slightly long hair that sways with the wind looked so beautifull. Every part of him is just so irresistible. I'm so mesmerized at the sight of him.
My, my... Will you look at that? Kailan ka kaya papangit? naisip kong tanong.
"Staring is rude."
Napakurap-kurap ako nang marinig kong magsalita siya.
Kumunot ang noo ko. "Anong sinabi mo?" patay-malisyang tanong ko.
Humarap ito sa akin. He was smiling at me. Ang puso kong kanina pa nagsisirko-sirko ay bigla na lang nagrigodon.
"I said, staring is rude," sagot nito na pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
I could see passion and desire in his eyes as he did so.
Hindi ko iyon pinansin. Namaywang ako. "Hindi kita tinititigan. 'Yabang mo rin, ano? Halika rito. Kiskisin ko kalyo sa mukha mo nang mabawasan iyang kapal ng mukha mo!"
Tumawa ito nang malakas. "Kiskisin? Hmm..." Naglakad ito papalapit sa akin kaya awtomatikong napaatras ako. "Baka naman kamo iki-kiss mo ako? Sige. Lalapit ako sa iyo. Hindi naman ako tatanggi, eh. Magbo-volunteer pa ako."
"A-ano? Hindi kita hahalikan, 'no. Yabang mo. I-ikaw! Ikaw 'tong nagnanakaw ng h-halik habang t-tulog ako, eh!" nauutal na sabi ko.
"What do you mean—" He smirked when he realized something. "Oh... I didn't know you're actually dreaming and drooling because of me, babe. How nice."
"Conceited brute!"
Hindi ito nagsalita. Kinabahan ako nang gumuhit ang nakakalokong ngiti sa mga labi niya.
Patuloy siya sa paghakbang papunta sa akin at patuloy rin ako sa pag-atras. Hanggang sa napaupo na lang ako sa isang bench na nasa llikuran ko na pala.
Iniharang niya ang mga braso niya sa gilid ko. Na-corner pa ako amputs.
Pero leche lang kasi itong malandi kong puso, nagpalandi naman kaya humaharot-harot na.
Hindi pa yata na-satisfy ang mokong dahil inilalapit niya lalo ang mukha niya sa akin.
Natulala na lang ako nang magtagpo ang aming mga mata. Pakiramdam ko tuloy sa mga oras na ito ay dalawa lang kami nilalang sa mundo. Nabibingi na rin ako sa lakas ng pagtambol ng puso kong maharot sa dibdib ko.
Pilit kong inilalayo ang sarili ko sa kanya. Naliliyo ako sa natural na bango niya. Nakakabaliw. Nakakadala.
Ngunit dahil nga "nakakulong" ako, hindi ako makatakas.
Ngayon napakalapit na ng mukha niya sa mukha ko. Nararamdaman ko na rin ang hininga niya na pumapaypay sa aking mukha. At hindi ko maitatanggi na ang bango-bango ng kanyang hininga na tila humahalina sa akin para hagkan ang mga malalambot na labi niya.
Napansin ko na taas-baba ang adam's apple niya. Habang ang mga mata niya ay nakatutok na sa mga labi ko at tila nagpipigil na sakupin iyon. Pareho kami ng gustong mangyari sa mga oras na iyon.
"Let's make your dream a reality, babe. I'm here. Do it," he said huskily.
I gulped and looked at him directly on his eyes. He smiled—that oh-so-sexy smile of his was seducing me little by little.
I bit my lower lip. Then his face went down and kissed my lips passionately.
Hindi na ako nag-pabebe pa at ginantihan ang halik niya.
Ilang saglit pa ay tumigil rin kami, kapwa habol ang aming hininga.
Gamit ang kanyang isang daliri, may pinahid siya sa gilid ng aking mga labi.
"Are you seducing me, babe? Because seriously, it's dangerous," hinihingal na wika nito maya-maya.
Naguluhan ako sa sinabi niya. "What do you mean?"
He exhaled. "Nevermind." Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa mukha niya. "There. Anong mas masarap? 'Yong nasa panaginip mo o 'yong totoong halik ko?" nang-aasar na tanong nito.
Tila nakarinig ako ng tunog ng sirang plaka. Nabalik ako sa realidad. Walanghiya talaga siya! Nakakainis. Naisahan ako.
"Siguro naman, lusot na ako sa 'kasalanan' ko sa iyo habang natutulog ka. Quits na tayo. Mukha namang nag-enjoy ka rin, eh." Tumawa pa ito nang mahina. Makikita ang amusement sa mukha nito habang nakatitig sa akin pero nakikita ko pa rin ang parehong pagnanasa na nakasungaw sa mga mata niya kanina.
"Kabwiset ka talagang panget ka! Diyan ka na nga!" asik ko sa kanya saka siya sinikmuraan. Makalayas ka na nga rito. Tss.
"Ayieeeee! Gusto mo pa ba ng isa? Halika ibibigay ko!" hirit pa nito.
Humarap ako sa kanya. Itinaas ko ang kamay ko sabay nag-dirty hand. "Pakyu ka!"
Tumawa lang ito.
Nanggagalaiting isinara ko ang pinto.
Bwiset na lalaking iyon. Pa-fall.
Gaga! Matagal ka nang na-fall sa kanya! Engot!
Hindi na ako kumontra pa sa pahayag ng isang bahagi ng isip ko. Totoo naman eh.
Leche!
Pabalabag kong isinara ang pinto. Eksaktong nakaharap ako sa full length mirror na nasa sala.
At doon ko na-realize bakit niya nasabi 'yon kanina.
"Are you seducing me, babe? Because seriously, it's dangerous."
"Shit!" Hindi nga pala ako nakasuot ng bra ko at manipis ang tela ng damit ko kaya bakat na bakat ang mga iyon sa suot ko.
"Lintik ka talaga, Cee-cee! Ang engot mo!"
BINABASA MO ANG
Dreaming in the Rain
RomanceIto ang kwentong nagsimula ng dahil sa isang diary. Oo, dahil sa isang diary ng isang babaeng medyo clumsy. Ngunit kasunod nito ang pagkagimbal ng buong mundo niya na kahit universe, eh, hindi inakala at never na mahuhulaan ni Madam Auring because t...