Chapter 26

15 1 1
                                    

Chapter 26

*Cee-cee’s POV

BINUKSAN ko ang shower at hinayaang mabasa ng tubig ang buong katawan ko. Nakaka-refresh talaga kapag ganitong naliligo ako. Pangtanggal stress!

Oo, stressed ako. Nagtalo na naman kasi kami ni Ivo kanina dahil ayaw niyang ibalik ang duffel bag na hanggang ngayon ay “hostage” pa rin niya. Sa dalawang araw na narito ako kasama siya, palagi na lang kaming nagbabangayan at palagi niya akong naiisahan. Nakakainis, di ba?

But if truth be told, I’m really stressed and frustrated with the fact that my heart still wants him; that I’m still aching for him, all those years I went away. For six long years! I thought I forgot what I feel for him but I was wrong all along. Natabunan lang pala iyon ng sakit at pagkamuhi ko sa kanya. Pero ang katotohanang hindi niya talaga ako minahal; na ginamit niya lang ako para pasakitan ang sarili niyang ama ang mas masakit sa lahat ng nangyari.

Sa isiping iyon, naramdaman ko na naman ang parehong kirot sa puso ko kasabay niyon ang pagtulo ng mga luha ko. Inisip ko na nga lang na tubig lang mula sa shower ang tumutulo sa mukha ko. Ngunit alam kong niloloko ko lang ang sarili ko.

“You’re so stupid, Cee-cee. You really are,” I said to myself. Gumagaralgal na rin ang boses ko.

I turned off the shower after I cleaned myself. Kinuha ko ang puting towel at pinunasan ang buong katawan ko. Sunod kong pinatuyo ang aking buhok gamit iyon bago iyon ibinalumbon gamit ang parehong towel. Yeah, right. Ulo ko lang ang may towel at hindi ang katawan ko.

So what? Ako lang naman ang narito sa kwartong ito. As if may papasok na halimaw. Bigwasan ko pa siya, eh.

Pagkatapos kong mag-shower ay kaagad akong lumabas ng bathroom para makapagbihis na. Ngunit laking gulat ko nang maabutan ko si Ivo na mukhang nagulat rin tulad ko. Naestatwa na lang ako sa kinatatayuan ko.

Syet na malagkit! May halimaw nga pala rito! tili ko sa aking isip.

Potek! Wala akong suot na damit! Jeskelerd!

“AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH!” tili ko.

Dali-dali akong tumakbo pabalik sa bathroom at ini-lock ang pinto. Jusko naman, ‘Day! Nakita na niya ang lahat-lahat sa akin.

Quits lang kayo, girl. Nakita mo na rin naman ang lahat sa kanya. Narinig ko pang humalakhak ang tinig na iyon sa aking isip.

“Ano ba kasing kailangan mo?! Manyak ka talaga!” sigaw ko mula sa bathroom.

“I just want to talk to you,” sagot naman nito.

“Bakit kasi hindi ka muna kumatok sa pinto?!”

“I did. But you’re not answering me so I got worried. I thought something might have happen that’s why I just entered your room and I didn’t know I’ll see you naked,” he answered sincerely.

Hindi ako umusap. Maya-maya lang ay narinig ko ang pagsara ng pinto tanda na lumabas na siya ng kwarto ko.

Dahil sa sinabi niya ay kaagad nalusaw ang inis at galit ko na tila walang nangyaring "nakakaloka" at biglang bumilis ang pintig ng aking puso. Sinaway ko ang puso kong malandi pero ayaw talaga papigil at tinamaan na ng kilig.

He’s worried about me. I smiled.

Nababaliw na yata talaga ako dahil nagagawa ko pang ngumiti pagkatapos ng nangyari. Malala na talaga tama ko sa ulo.

"Ugh! And you're crazy, Cee-cee!"

*Ivo's POV

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Dear diary,

Dreaming in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon