Chapter 29

30 0 0
                                    

*Cee-cee's POV

"NILALAMIG ka pa ba?"

"Kaunti na lang," sagot ko saka umisod nang kaunti para bigyan ng espasyo si Ivo sa couch.

Yes, sa tabi ko.

"Here." Iniabot niya sa akin ang isang tasa ng mainit na gatas. "To help you keep you warm. Para na rin hindi ka magkasakit."

I smiled and accepted his offer.

And then an awkward silence filled the room.

"Cee-cee."

"Ivo."

Sabay naming pagtawag sa pangalan ng isa't isa.

"Go ahead. Say what you want to say first," aniya kapagkuwan habang nakangiti sa akin.

I shook my head. "Ikaw na. Nakalimutan ko na kasi 'yong sasabihin ko, eh." Ang totoo niyan, wala naman akong sasabihin talaga sa kanya. Gusto ko lang talaga humarap siya sa akin nang nakangiti. At hindi naman ako nabigo.

He sighed. "I want us to talk about us because I wanna clear things up between us, Cee-cee."

Hindi ako umimik at hinayaan siyang magpatuloy habang nakatuon ang atensiyon ko sa harap ko.

"I know how much you hate me. Nakita ko 'yon habang kasama kita rito sa rest house ko. I don't know if you noticed how much I  wanted to catch your attention so we can have a time like this and talk about everything that happened between us six years ago. I even went as far as keeping your duffel bag with me for days thinking I could use it as an excuse for us to talk. Silly, isn't it?" He chuckled softly.

Napansin ko naman iyon, eh. Those kind of antics he did was almost the same as he did before just so he could get my attention.

If other people knew about it, they will find it really hilarious and I am very sure they will say he looked so stupid and idiot.

Ganoon man ang iisipin ng ibang tao sa mga kalokohan niya, iba sa akin. To admit it, I find it really sweet because he did those unusual antics considering he had a reputation for being a "ladykiller." Pero noong nalaman ko ang lahat ng kasinungalingan niya sa akin, mas nagalit ako sa sarili ko dahil hinayaan ko na magmukha akong tanga sa harap niya.

Pero ang mas nakakaloka, nang gumawa ulit siya ng mga paraan para makausap ako rito, aaminin ko na nakaramdam ako ng kilig at tuwa sa puso ko.

Ngunit kinailangan kong bantayan ang puso ko para hindi mahulog muli sa kanya.

Pero sino nga ba ang niloloko ko? Hindi naman talaga nawala ang pag-ibig na meron ako para sa kanya.

Nagulat ako nang kumilos siya at iniharap ako sa mukha niya. And so now he's looking at my eyes directly.

"Alam mo naman na 'yong gago kong dahilan dati kung bakit ako nakipaglapit sa 'yo dati, di ba? Again, I'm sorry, babe. I really am. Kung alam mo lang kung gaano ko kasakit para sa akin nang masaktan ko ang babaeng mahal na mahal ko, nang makita ko ang galit sa mukha mo at ang mga luha sa pisngi mo dahil sa kagaguhang naisip ko noon," puno ng pagsising aniya.

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Matagal kong itinatak sa isip ko na hindi niya talaga ako minahal dahil sa nangyari sa aming dalawa. Lalo kong pinaniwalaan iyon ng hindi niya man lang sinubukang hanapin ako para suyuin kaya tumindi ang pagkamuhi ko sa kanya.

Tila napansin nito ang pagkagulat sa mukha ko. "You actually didn't believe that I truly love you?" Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya. "I cannot blame you for thinking that way, my love. Kasalanan ko naman, eh. You can call me names for making a fool out of you, I'll accept it. But whether you like it or not, babe, I love you. I truly love you since then," sambit nito.

Dreaming in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon