Chapter 8

53 2 0
                                    

*Ivo's POV

"DOES IT hurt?"

Natataranta na ako. Ang gago ko kasi. Hindi ko napansin na may bato palang nakaharang sa dinaraanan namin papunta sa garden area ng orphanage.

"Masakit-"

Napamura na lang ako nang makita kong unti-unting gumuhit sa mukha ni Cee-cee na nahihirapan siya. I looked down to her injured foot. Shit! Namamaga na ang paa niya.

I really want to punch myself now. Fuck you, Ivo!

I stood up and carried her in my arms. I need to bring her to a hospital.

Dumiretso kami sa maliit na garahe ng orphanage saka siya isinakay sa kotse ko. Naging maingat ako sa bawat kilos ko. Baka kasi isang maling galaw lang ay masaktan na naman ang paa niya.

Mabilis akong lumipat sa kabilang side ng kotse saka sumakay sa driver's seat.

I should have started the engine but I've notice her seatbelt. Pasaway. Hindi pa niya isinusuot.

I sighed. This girl really know how to put herself in a bad situation.

Hmm... I wanna see her blush again. I know this is so mean but I wanna prank her a little. Hahaha! She could punch me after this but that's fine if that's the only way I could see her adorable face.

"Cee-cee..." sambit ko sa pangalan niya.

Tiningnan niya lang ako. Shit. Halatang-halata na nahihirapan siya sa paa niya.

Minura ko na lang sarili ko sa isip ko. Nasaktan nga si Cee-cee gagawa pa ako ng kalokohan sa kanya.

But then I will put on her seatbelt to make sure of her safety. So I move closer to her. I just found myself looking at her face. Shit. I know this is not the right time for me to think of other things but I can't hide the urge to kiss her again.

Damn, Cee-cee! Don't look at me like that! Iyan ang gusto kong sabihin sa kanya.

Alam ba niya na sa paraan ng pagtitig niya ay lalo lang akong naeengganyong halikan siya? Ugh. It's not that easy to like a girl who's very innocent as an angel.

I keep on moving closer to her. Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Does she feel awkward?

I sighed. And put on her seatbelt. Umayos na ako ng upo sa driver's seat saka isinuot muli ang sarili kong seatbelt.

Ramdam ko pa rin ang panghihinayang sa hindi ko paghalik sa kanya.

I started the engine and flew away to the nearest hospital in the area.

Saka ko na pagbibigyan ang sarili ko na mahagkan ulit ang mga labi niya. It's more important to treat her injury.

*Cee-cee's POV

"OKAY na po siya. Yes po... Ako na pong bahala sa kanya, Sister Loren. Paki sabi na lang po sa ibang kasama namin."

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Maputing silid ang bumati sa akin. Ano? Patay na ba ako? Omg. Ay leche wala nga pala ako sa drama o horror story. Romance nga pala ito.

Lumingon ako sa kaliwa ko. Si Ivo. Nakatalikod siya sa akin. Medyo masakit pa rin ang paa ko pero leche lang dahil parang kagagaling ko lang sa Milo marathon sa bilis ng tibok ng puso ko.

May hawak siyang phone. May kausap siya. Sino kaya? Babae...?

"Pasensiya na po at hindi kami nakapagpaalam ng maayos, Sister... Opo... Sige po. Salamat po."

Ah... Si Sister naman pala ang kausap niya. Nakahinga ako nang maluwag.

Selos ka na niyan? anang tinig mula sa aking isip.

Dreaming in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon