*Cee-cee's POV
TINIKMAN ko ang lasa ng iniluluto kong Pork Adobo. Since ito 'yong unang naisip ko na iluto mula sa mga available na ingredients sa refrigerator, ito na lamang ang niluto ko para sa hapunan.
Mag-isa lang ako rito sa kitchen. Hindi ko naman kasi nakasalubong si Ivo. I do not even know where he is.
Nasaan kaya 'yon? mayamaya ay tanong ko sa aking isip.
Namimiss mo, 'no? tudyo ng isang tinig mula sa aking isip.
Isa lang ang malinaw na sagot diyan. Oo.
Yes, I've already admitted to the fact that I still love him but I cannot also deny the fact that he never really loved me.
Pakiramdam ko tuloy ay may kumurot sa puso ko sa katotohanang iyon. Napabuntong-hininga na lamang ako.
Dinagdagan ko ng kaunti pang pampalasa ang nilulutong ulam saka iyon hinalo gamit ang sandok. Gamit ang isang kutsara ay muli ako tumikhim ng sabaw para malaman kung ayos na ba ang timpla.
"Hmm... Okay na 'yong lasa," sabi ko saka ipinatong sa platito ang kutsarang ginamit ko at pinatay ang apoy sa gas stove.
At dahil talagang nasasarapan at natatakam na ako sa niluto kong ulam sumandok ulit ako ng maraming sabaw at hinigop iyon.
"It smells so good. Can I taste your special Pork Adobo?"
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Kasabay niyon ang pag-iiba ng pintig ng puso ko at awtomatikong nag-play sa isip ko ang eksena namin kanina sa kwarto ko matapos kong mag-shower.
Shucks! Namula ang mga pisngi ko.
Huminga ako nang malalim para pakalmahin sarili ko. One. Two. Three... Okay kaya ko na siyang harapin.
Hawak ang sandok ay umikot at humarap ako sa kanya only to be mesmerized by his gorgeous smiling face that showcases his adorable dimples on his cheeks that I have loved since then.
"S-sure. Y-you can," I answered. Damn! Did I just stammered in front of him?
He walked towards me. Every step closer to me and every second I look at him, I know I'm falling more and more to this guy.
Yes, the very same guy who was the reason why I felt that most painful pain a person can never imagine.
And it's making me crazy.
Because you are crazy in love with that guy standing right now in front of you.
"Are you sure I can taste your Pork Adobo, Cee-cee?" he asked once again as he looked down on me.
Natameme na lang ako sa harap niya.
Tumango lang ako bilang sagot sa kanyang tanong.
And so he took a step closer to me again, ward off the ladle in my hand and then he held my chin up before he claimed my lips for a kiss.
First, he nibbled my upper lip and then the other as if tasting something from there before he kissed my lips passionately.
I responded with equal fervor as he did so. So his right arm went down on my waist and pulled me closer to him as his other hand reached for the back of my head and deepened the kiss we shared together.
Magkadikit na magkadikit ang mga katawan namin kaya alam kong naririnig niya ang malakas na tibok ng puso ko.
Tumulo ang mga luha ko. Alam ko kasi na talo ako sa mapaglarong puso ng lalaking ito na never naman akong minahal habang ako ay lunod na lunod sa pag-ibig ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Dreaming in the Rain
RomanceIto ang kwentong nagsimula ng dahil sa isang diary. Oo, dahil sa isang diary ng isang babaeng medyo clumsy. Ngunit kasunod nito ang pagkagimbal ng buong mundo niya na kahit universe, eh, hindi inakala at never na mahuhulaan ni Madam Auring because t...