Chapter 21

17 0 0
                                    

*Cee-cee's POV

"Why don't you try working for Herotech Innovative Construction and Development Company?"

"I'll try po, 'Dy," magalang na tugon ko saka ipinagpatuloy ang pagkain.

One week na akong narito sa Pilipinas. Pero hindi pa rin ako nag-aapply ng trabaho. Hahahaha!

"Mahal, hayaan mo munang magpahinga ang anak natin," angal ni mommy, saka humarap sa akin. "Do you want to go on a vacation? I suggest you visit San Antonio. Nakapunta ka na doon dati, di ba? With your orgmates before."

Natigilan ako sa akmang pagsubo ko ng pagkain. Tila may pumitik sa ulo ko at pinaalala ang isang nakakabuwiset na pangyayari sa buhay ko sa lugar na binanggit ni mommy.

Umiling-iling ako.

"Ayaw mo ba, anak? May kakilala pa naman kami ng daddy mo roon na nagmamay-ari ng isang resort hotel," pangungumbinsi pa ni mommy.

Napabunong-hininga ako saka tiningnan si mommy. Somehow she looked hopeful about something. Okay, I lose. Kapag ganitong nagrerequest si mommy hindi ko matanggihan. Para kasing kapag hindi ako sumunod, ang laking kasalanan kay Lord.

"Sige na nga po. Magbabakasyon po ako sa San Antonio. Sa resort hotel po ng kakilala niyo ako tutuloy. I know you have an eye for good hotels, mommy, so I trust you po," pagpayag ko.

So what kung bumalik ako sa San Antonio, di ba? Hindi naman uso ang multo o halimaw roon kaya sige gora na lang ako.

"Great! Sige. I'll arrange your stay there, anak."

"Hindi niyo po ba ako sasamahan, Mommy, Daddy?" gulat na tanong ko.

"Sorry, hija. Busy kami ng mommy sa mga business natin. Pasensiya na muna. Pero we promise na kapag maluwag na ang schedule namin, sasama kami. Na-miss ka kaya namin," ani Daddy.

"Awe... Sayang naman po. Di bale, bawi na lang kayo sa akin next time, Daddy?" nanghihinayanh na wika ko.

"Of course, hija."

"Yes!"

At nagpatuloy na kami sa masayang hapunan namin.

ITINAAS ko ang mga kamay ko sa ere at ninamnam ang preskong hangin na dumadampi sa balat ko.

Ahhhh... Joy ride! Mas masarap talaga mamuhay sa Pilipinas!

Narito ako ngayon sa San Antonio at bumibiyahe patungo sa resort hotel.

Mahigit tatlong oras na rin akong nakasakay dito sa kuliglig na minamaneho ni manong. Ito ang napili kong sakyan dahil siya lang ang tanging nakakaalam ng resort hotel na hinahanap ko. Nagtanong-tanong kasi sa mga taga-bayan kanina pero tila hindi nila alam na may resort hotel pala rito sa bayan nila.

Talaga yatang hindi makikilala ang resort hotel dahil sinadya yata ng may-ari niyon na ilagay iyon malayo sa mismong town proper kung saan pwedeng i-enjoy ng mga bisita ang ganda ng kalikasan.

Kaya heto at walang signal ang phone ko. Hindi abot ng mga cell sites ang lugar na ito.

Well, maganda na rin iyon dahil napaka-pribado ng lugar at malayo sa ingay ng lungsod. Omg! I love it already!

"Narito na tayo, hija."

"Ah, sige po. Salamat po, Manong," magalang na sabi ko saka maingat na ibinaba ang mga gamit ko.

"Walang anuman, hija. Enjoy mo lang pamamalagi mo sa lugar na ito at siguradong babalik-balikan mo ito."

Iyon lang at umalis na si manong. Ewan ko, huh. Pero parang scripted 'yong sinabi niya.

Dreaming in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon