Chapter 20

28 0 0
                                    

*Cee-cee's POV

6 years later...

Isang mahigpit na yakap ang ibinigay sa akin ni mommy. Halatang miss na miss niya ako.

"I miss you, anak," maluha-luhang sabi pa niya.

"Na-miss rin po kita, mommy."

"I'm happy to see you again, daughter."

"Dad, I'm more than happy to see you again," sabi ko sabay yakap sa kanya.

Miss na miss ko talaga silang dalawa. My ever loving parents!

"Tara na. Uwi na tayo. Para makapagpahinga ka na. Nakapagluto na rin ako kanina sa bahay ng mga paborito mo," masuyong sabi ni mommy sa akin.

Napangiti ako kasabay ng pagkasabik ko sa mga luto ni mommy. Haller? Iba kasi talaga kapag luto ni Mommy ung kinakain ko. Masyadong nakakabusog. Hahahaha! I miss her foods! Omg!

"Tara na po! Na-miss ko mga luto mo, mommy," yaya ko.

"Ikaw kasi, eh, tagal mong di umuwi dito sa Pilipinas, anak."

"Kaya nga palagi akong kinukulit ng mommy mo na bisitahin ka namin," ani Daddy.

Natawa na lang ako pero natigil ako saglit nang may pamilyar na pigura di-kalayuan ang napansin ko ay may hawak pa siyang isang bungkos ng puting rosas. I just came back and yet someone had ruined that moment.

Ivo...

I really hate seeing ghosts from the past.

Nakita ko ang pag-asam sa mukha niya na lapitan at kausapin ako. But I looked at him blankly. So he stepped back and left the place where I saw him.

Bakit parang ano... parang nanghinayang ako? Ah, hindi. Nagkakamali lang ako.

Napansin yata ni daddy ang pananahimik ko.

"What's wrong, anak?" tanong niya.

"Ah, wala po." Pinilit kong ngumiti. "Tara na po. Talaga pong nagugutom na ako. Hahahaha!"

"Alright. If you say so, anak."

Sa buong durasyon ng biyahe namin pauwi, ang daming tanong sa isip ko na ayaw ko na lang pansinin.

Bakit ba parang takot ka?

I'm not scared of anything.

And hello? We won't see each other so I'm not scared or what.

That's the truth. No more, no less.

*Ivo's POV

I patiently waited here in the airport. I really miss her so bad I wanna see her. Sinabi naman sa akin ni Dad kung kailan babalik si Cee-cee kaya narito ako ngayon. Hinihintay ang pagbabalik ng babaeng pinakamamahal ko.

The past six years without her was hell. And it ends today.

"Flight AA321neo has arrived. Again, Flight AA321neo from New York to Manila had fiinally arrived."

Napuno ng antisipasyon ang puso ko nang marinig ko ang announcement na iyon.

Ilang minuto pa ay natatanaw ko na ang mga pasahero ng flight na iyon na isa-isang lumalabas.

I looked for her in the crowd. And when I saw her, she just took my breath away. I cannot contain my happiness. And God! She changed a lot.

Sinalubong siya ng adoptive parents niya. Gusto ko na siyang lapitan para makausap.

Yeah, this is so stupid pero natotorpe ako. Damn!

Maya-maya pa ay nakita niya ako. I stepped forward towards her but her blank face stopped me from doing so.

I got it. Ayaw niya akong kausap.

I sighed and went out of the place.

I hope to get to talk to you soon, Cee-cee...

*Cee-cee's POV

"BRUHAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!"

Nabingi yata ako sa lakas ng boses ni Merrilou. As usual isa pa rin siyang dakilang lukaret. Hahahaha!

"Until now, ang ingay-ingay mo. Akala ko mababasag na ang ear drums ko sayo. Bwiset ka," sabi ko.

"'Lol! 'Wag ako. Alam kong na-miss mo ko," confident na pahayag niya

"And feelingera ka rin. Jusko ka."

Natawa siya. "Lakas mo talagang mang-basag ng trip, 'no? Pero, bestie, na-miss kita! Huhuhuhu!"

Natatawang ginantihan ko ang yakap ni Merrilou sa akin. Na-miss ko talaga tong loka-lokang ito, eh.

Pero legit. Lukaret siya. Hahaha!

Pero, huh, mas lalong gumanda itong si Merrilou. I'm sure binabaha na naman siya ng mga suitors.

Eew. Boys. Those dickheads. Yuck!

Sus. You're talking as if you never loved a playboy before, tudyo ng isang tinig mula sa aking isip.

At bakit nasali ako sa usapan?

Natural. Ikaw ang bida sa kwentong ito. Gaga!

"By the way, what's your plan?" maya-maya ay tanong ni Merrilou.

I shrugged my shoulders. "Well, I have plans on looking for a job here. Pero depende siguro kung kailan ako sisipagin. Char!"

"Baliw ka talaga! Gaga! Sa galing mong yan, maraming company ang maghahabol sa 'yo. Baka ikaw pa ang mamili. Hahaha!"

"Well... Ganern talaga kapag maganda, 'no!"

Haaaay! Ito ang na-miss ko sa best friend ko. Ang mga walang kwenta naming usapan. Pero masaya.

Tama si Merrilou. I'm not really going to brag this but sige ipagyayabang ko na rin. Ganoon rin naman kalalabasan, eh.

I was one of the youngest architects in a big construction company in the U.S. Habang nag-aaral ako sa graduate school, nagtatrabaho ako. I'm fond of designing eco-friendly houses. Not to mention, I've received several awards because of this.

My career is a massive success kaya nag-stay ako doon ng six years. Mas tatagal pa sana ako kung hindi lang ako kinulit ni mommy na umuwi. Kinonsensiya pa nga ako, eh.

"Go home. You're working for a foreign company and yet you don't serve our country. Wala kang loyalty sa sarili mong bansa, anak. Baka mabuhay si Rizal at ikaw ang barilin sa Bagumbayan. Kaya umuwi ka na."

Kapag naaalala ko iyang linya na iyan natatawa ako.

"Hoy babae!"

Isang unan ang tumama sa mukha ko kaya't natigil ako sa pagtawa. Lechugas na Merrilou na ito.

"Ano?!"

"Para kang tanga na tumatawa riyan. Ano? Mangkukulam ka ba?" maarteng litanya nito.

"Oo! At ikaw ang una kong kukulamin," asar na sagot ko.

Pinagsalikop ko ang mga kamay ko at tumingala. "Aru ara garum ula tera hom..." sambit ko. Oo, orasyon eklavu kuno ito. Hahaha!

"Bruha ka!"

Natawa na lang kami sa mga kalokohan namin. Riot talaga kapag magkasama kaming dalawa ng best friend ko.

Bago ko ako matulog ay muli kong kinuha ang luma kong diary mula sa drawer. Anim na taon ko ring tinigilan ang diary na ito dahil may mga bagay rito na ayaw kong mabasa at maalala.

Binuklat ko ang aking diary at iniwasang mabuklat ang mga pahinang hinding-hindi ko na muling babalikan pa. Hindi healthy, eh.

Dear diary,

It's good to be back homeeeeee~ I miss you, Philippines! I miss you too, diary!

°Cee-cee
November 17, 2017

Dreaming in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon