Chapter 22

18 0 0
                                    

*Cee-cee's POV

PUPUNGAS-PUNGAS na nagtungo ako sa restroom nitong kwarto na pinasukan ko kanina para makapaghilamos ako.

Sayang. Ang ganda-ganda nitong lugar pero may isang panira ng eksena-ang impaktong may-ari ng rest house na ito na walang iba kundi si Ivo. Buwiset!

Pinagtitripan ba ako nila Mommy? Jusko naman, 'Day!

Napabuntong-hininga na lang ako habang nakaharap sa salamin. Kumunot ang noo ko.

"Ay, jusmeyo! Hind pa pala ako nakakapagpalit ng damit! Nakakaloka!"

Kaya naman kaagad kong hinanap ang duffel bag na dala ko kanina. Pero malas lang kasi hindi ko iyon makita.

At nakakainis lang nang maalala ko na hindi ko nga pala dala-dala ang bag sa kwartong ito.

"Ay syeeeeet! Bakit kasi nakalimutan ko iyon?! Asar! Doon ko pa talaga naiwan!"

No choice kundi mag-ala trespasser ako para makuha ko ang bag sa kwarto niya. Ayoko nga na isipin niyang sisilipan ko na naman siya.

Edi umamin ka rin, girl. Nanilip ka nga, pang-aasar ng isang tinig mula sa aking isip.

Tse! Shatap!

Hindi ko na iyon pinansin at itinuloy ang "Oplan Duffel Bag Rescue from the Monster's Lair" operation.

Banayad kong binuksan ang pinto ng kwarto, sinisigurong hindi gagawa ng ingay ang bawat kilos ko at tanging ulo ko lamang ang inilabas ko para tignan ang paligid.

Lingon sa kanan. Lingon sa kaliwa. Ayos! Wala ang impaktong iyon. Sugod sa kampo ng kurimaw. Orayt!

Kaya naman maingat akong lumabas ng kwarto na kinaroroonan ko at dahan-dahang naglakad patungo sa direksiyon ng kwarto ni Ivo.

Napangisi ako dahil napansin ko na hindi nakapinid ang pinto. Ibig sabihin, hindi iyon naka-lock at madali akong makakapasok sa loob.

Tila pusa na pumasok ako sa kwarto niya at mabilis na hinanap ang duffel bag ko na... mukhang tuluyang naging missing in action.

Tingin sa ilalim ng kama, sa likod ng couch, sa ilalim ng study table at kung saan-saan pa. Ngunit... WALA!!

Nasaan?! Nasaan ka, bag ko?!

"Peste! Nasaan na ang bag ko?! Nag-pop in pop out? Ay, buwiset!" pagmamaktol ko.

"Are you looking for this bag?"

I was petrified when I heard that voice. I was caught in the act, red-handed.

Huli ka, balbon! tila nang-aasar pang sabi ng isang bahagi ng aking isip.

At this moment, I just felt like I'm a thief caught stealing something from someone's home. This is so absurd and annoying!

Tumikhim ako bago lumingon sa impaktong nagsalita. Of course, taas noo, ma men. Hinding-hindi ako magpapatalo sa kurimaw na ito.

At nasa kanya ang duffel bag ko.

"Bakit nasa iyo iyan? Akina iyang bag ko! Tss!" asik ko sa kanya.

He smiled slyly at me. "Sure, babe. Come and get it."

Nang-aasar ang isang to talaga, eh? Bolsyet!

Pero dahil no choice ang lola mo, ako na ang lumapit sa kanya para makuha ang bag kahit labag sa kalooban ko.

Tumingkayad ako sa harap niya at pilit na inaabot ang hostage niyang duffel bag na pag-aari ko. At dahil nga matangkad siya at ako naman ay pinagkaitan ng tangkad, hindi ko maabot ang bag.

"Bwiset ka talaga! Akina iyang bag ko!" PIlit ko pang itinitingkayad ang mga paa ko para maabot ko target ko. "Ay peste kang impakto ka!"

Tatawa-tawa lang sa akin ang impakto. Nagmukha tuloy siyang tikbalang ngayon sa mga paningin ko.

"Akina sabi, eh!" bulyaw ko pero di naman siya natinag.

"Abutin mo muna." Tumawa pa siya nang malakas. Pinagtitripan talaga ako ng buwiset na 'to eh.

Habang sinusubukan kong maagaw ang bag mula sa kurimaw na ito ay hindi maiwasang mapagmasdan ko ang braso niya dahil nga hindi ako sinwerte sa height.

Juskooooo! 'Te! Maskuladong-maskulado. Bongga ang biceps. Mukhang yummy! Nakakaloka! Idagdag mo pang ang lakas ng alindog nito kahit nga ba kalahi niya si Hagorn sa sobrang sama ng ugali niya. Buwiset eh.

"Hahahahahaha! Suko ka na lang, babe Hindi ko kasi isusuko sayo ang bag mo. Hahahaha!"

Sa klase ng tingin na ibinibigay niya sa akin, obvious na natutuwa siya na naaasar ako. Punyeta 'tong kalahi na 'to ni Imaw. Nakakaubos ng pasensiya.

"Lechugas ka talagang mokong ka! Ibigay mo sa akin ang bag ko!" sigaw ko at buong giting inabot ang bag mula sa kanya habang nakatingkayad.

Ngunit dahil nga very obvious ang height difference namin, na-out of balance ako. Napatingin na lang ako kay Ivo na napasinghap nang bahagya saka napapikit at naghihintay na humalik kay Manang Floor. Ready naman ako na bumagsak sa malamig na sahig. Tutal, sanay naman na akong masaktan. Lechugas kasi 'tong monggi na 'to, eh

Ponyita talaga nga naman. Ano ba 'tong paglilitanya ko sa isip ko. Nakakatanga. Bolsyet!

Sa habang ng pagmomonologue ko, hindi ko pa rin nararamdaman ang sahig sa mukha ko.

Dumilat ako at napatitig sa gwapong mukha ni Ivo na naktitig sa akin nang may nakasungaw na pag-aalala sa kanyang mga mata.

Ay ang gwapo niya talaga, beshie! tili ko sa aking isip. Kinikilig.

Wait. Ano? Kinikilig? Ay putragesh.

Nang ma-realize ko na kinilig—ay, este nabubwiset pala ako saka ko naramdaman ang mga bisig niyang nakakapit sa baywang ko.

Ramdam na ramdam ko ang pag-iingat niya para hindi ako humalik kay Manang Floor at masaktan na naman.

Ngumiti ako nang mapakla at umayos na ng tayo. Hindi masaktan? Ulul. Kalokohan 'yan.

Tumalim ang mga tingin ko sa kanya. "Buwiset ka talaga sa buhay ko, lechugas ka."

Bismod na talaga ako sa isang 'to. Pero kaagad nawala iyon nang mabanaag  ko pagsisisi at lungkot sa mga mata niya.

Tss. But on second thought, asar pala ako sa kanya. Hindi naman siya nagsisisi kundi nakangisi pa sa akin. Ponyita.

"What are you grinning for?" asar na tanong ko.

"Nothing, babe," bale-walang sagot niya. "You're always curious about me, huh?"

I raised my eyebrow. "Really now? Kapal ng kalyo sa mukha mo, 'no?"

"Slight lang." Tumawa pa ito.

"Tss. You're crazy,"saad ko.

"Yeah. I'm crazy about you."

Hindi ko alam kung tama ako sa narinig ko. Masyado kasi iyong mahina. But then I don't really care. Ayoko nang maloko pa ulit tulad ng dati.

"Bahala ka sa buhay mo." Umirap ako sabay walkout. Leche kasi siya.

Dear diary,

That annoying jerk. Pati bag ko pagtitripan? This vacation is a joke. Makukunsumi lang ako dahil sa bwiset na iyon.

°Cee-cee
November 20, 2017

P.S. Hindi ako affected.
P.P.S. Ang ganda ko.
P.P.P.S. Wala nga pala sa akin ang diary ko.  Nasa duffel bag ka nga pala kaya mamaya na kita isusulat—what?! Shutanginamers! Mababasa ka niya!
----

Happy reading po kahit wala pa po ung next update! :)

Dreaming in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon