Chapter 4

60 1 0
                                    

*Cee-cee's POV

Kumapit ako sa isang haligi papasok ng kusina at pasimpleng sinilip si Mommy na naghihiwa ng mga gulay at ibang ingredients na malamang ay iluluto pa sa dinner namin.

Nilingon ako ni Mommy. "Cee-cee, bakit ba andiyan ka? You look like a snatcher or thief trying to find the perfect time to attack."

Hindi naman siya galit. In fact, nakangiti pa siya. Lumapit ko sa kanya ng sineniyasan niya akong pumasok na sa kusina.

Umupo ako sa tapat ni Mommy.

"May sasabihin ka ba, 'nak?" tanong niya sa akin habang naghihiwa pa rin ng ilang ingredients.

Ang lakas ng instincts ni Mommy. Ramdam niya agad kapag may problema ako o gustong sabihin. Ito ang dahilan kung bakit masasabi ko na swerte ako sa adoptive parents ko. I've never felt that I was adopted but they made me feel that I'm really their daughter.

Simula noong inampon nila ako, nagbago at naging kumpleto ang buhay ko. They loved, cared and supported me in any decisions I have made. Kapag may pagkakamali ako, sila ang adviser ko. Ginagabayan din nila ako sa mga bagay na ginagawa ko kaya naman mahal na mahal ko sila

'Nga pala, my mom is a business woman. She loves food and making pastries and coffee drinks so she's in the food service business. Marami nang branches ang coffee shop-slash-restaurant ni Mommy. Magkatuwang sila ni Daddy sa pagpapatakbo ng negosyo. Kaya dati, eh, business ang isa sa pinagpipilian kong course pero ang sabi nila sa akin, kung ano daw talaga ang gusto ko, sundin ko. Tutal, ako naman daw ang mag-aaral at hindi sila. Basta raw ipangako ko na balang-araw, eh, kaya kong patakbuhin ang negosyo.

"Yes po, 'My," magalang na sagot ko.

"Sige. Ano 'yon? Huwag ka nang mahiya. May school projects ka ba at kailangan mo ng budget? O, may problema ka na gusto mong sabihin?"

See? Napakamaalaga ni Mommy. Wala pa naman akong sinasabi pero heto at nag-aalala na siya.

"Hindi 'yon, 'My..." Napakamot na lang ako ng ulo sabay ngiti ng alanganin. "Ano po... Pwede po ba akong magluto ng pagkain bukas na dadalhin ko sa school? May pagbibigyan lang sana ako, eh."

Tumayo siya at dinala sa kitchen sink ang mga sliced vegetables para hugasan ang mga 'yon.

"Oo naman. Marunong ka namang magluto. Ano ba ang iluluto mo, 'nak?" tanong pa niya. Umupo ulit siya sa harap ko.

"Adobo po."

"Sabi mo may pagbibigyan ka. So... Who's the lucky guy?" Biglang na lang siyang naging curious at tila kinikilig na tumingin sa akin.

"Mommy, hindi po-"

"Alfonso! Halika rito!"

Aray tinawag pa niya si Daddy. Ilang segundo lang ay andiyan na si Daddy.

"Anong nangyari?" tanong ni Daddy.

"Itong anak mo magluluto daw dahil may gusto siyang pagbigyan. Lalaki."

Si Mommy talaga. Hindi ko pa nga sinasabi kung lalaki o babae 'yong pagbibigyan ko, eh. Tama naman siya. Lalaki ang pagibigyan ko. Pero walang ibang meaning iyon.

Wala nga ba? tudyo ng munting tinig sa aking isip na inignora ko na lang.

Kunot-noong tiningnan ako ni Daddy. "Sino ang lalaking iyan? May boyfriend ka na pala hindi mo man lang kami sinasabihan. Ni hindi mo man lang ipinakilala sa amin. Bakit hindi yan dito nanligaw?"

Aray ko. Galit agad si Daddy. Wala naman akong boyfriend at mas lalong wala akong manliligaw, eh. Talaga nga naman...

"Daddy, wala po akong boyfriend!" depensa ko.

Dreaming in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon