*Cee-cee's POV
NAPATINGIN ako sa digital clock na nasa night stand. Alas otso na ng umaga?! Dumungaw ako sa may bintana. Umaga na nga talaga pero makulimlim sa labas kaya malamang ay uulan din mamaya.
Ang haba rin pala ng itinulog ko kagabi. Well, not really kasi nagkulong lang din ako sa kwarto kagabi. Hindi tuloy ako nakakain. Asar talaga ako kay Ivo kagabi.
Isa pa, nagtatampo talaga ako sa kanya. Hindi man lang ako nilambing? Nakakaloka.
Mas nakakaloka ka, girl! Walang kayo, 'di ba?
Natameme ako. Well, that's true. Wala nga palang "kami." Ang sakit tuloy. Real talk 'yon, eh.
Napabuntong-hininga ako saka tumitig sa puting kisame. Tinatamad pa akong bumangon dito sa kama.
I wonder kung kumain kaya siya kagabi? Nagustuhan niya kaya 'yong niluto kong ulam na talagang inihanda ko para sa kanya?
Damn. I'm really crazy.
Being in love is really pathetic sometimes. You love a person who didn't love you, who hurt you and yet you worry for them as if they care that you do.
But what's more pathetic is that even if you already knew that you look like pathetic, you just can't help but worry, care and love that person.
Yes, LOVE. That one word that makes me all stupid and hurt like this.
Bumangon na ako. Nararamdaman ko na rin kasi ang pagkalam ng tiyan ko.
Pumunta muna ako sa c.r. para doon maghilamos. Napansin ko na may luha pala sa pisngi ko pagkaharap ko sa salamin. Pinalis ko iyon gamit ang kamay ko saka naghilamos at nagmumog para naman hindi ako bad breath.
Nagpalit muna ako ng damit bago lumabas ng kwarto at dumiretso sa dining area.
Kakain muna ako. Sa palagay ko naman kumain na si Ivo kaya pwede na siguro akong kumain ng agahan. Talagang nagugutom na ako dala ng hunger strike ko kagabi.
Lumapit ako sa kitchen counter. Binuksan ko ang kaserola na naglalaman ng Pork Adobo na iniluto ko kagabi. Hindi iyon nabawasan kahit kaunti.
Hindi rin siya kumain...?
Ano bang ginawa niya buong magdamag?
Pinuntahan ko siya sa kwarto niya. Hindi kaagad ako kumatok sa pinto. Dapat ko ba siyang yayain kumain kasabay ko?
Aminado ako na nakakaramdam ako ng awkwardness dahil nga sa eksena namin kagabi. Idagdag mo pa na feeling ko ay napahiya ako dahil habang siya ay naka-move on na, heto ako at apektado pa rin ako ng mga nangyari sa pagitan namin noon. Meaning, talo ako sa larong inilaaan niya sa akin sa ngalan ng paghihiganti niya sa adoptive parents ko.
Stupid and pathetic, don't you think?
Kakatok pa ba ako sa pinto niya? Bahala na.
Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang puso kong kinakabahan bago kumatok ako nang tatlong beses. "Ivo?" tawag ko.
Walang sumagot. Inulit ko ang ginawa ko pero hindi pa rin siya sumasagot.
Binuksan ko na ang pinto. Wala siya sa kwarto niya. Nasaan kaya iyon?
Hanapin ko muna siguro siya.
Nilibot ko ang buong rest house pero wala talaga siya.
Lumabas ako ng rest house at naglakad-lakad. Mataman kong tinitingnan ang bawat direksiyon para makita ko siya.
Damn. Where is he? Nag-aalala ako para sa kanya lalo na at hindi pa siya kumakain.
Alam kong wala akong sense of direction pero bahala na kung saan ako makarating basta mahanap ko si Ivo.
BINABASA MO ANG
Dreaming in the Rain
RomanceIto ang kwentong nagsimula ng dahil sa isang diary. Oo, dahil sa isang diary ng isang babaeng medyo clumsy. Ngunit kasunod nito ang pagkagimbal ng buong mundo niya na kahit universe, eh, hindi inakala at never na mahuhulaan ni Madam Auring because t...