Chapter 14

24 1 0
                                    

*Cee-cee's POV

"OKAY, from the top again, candidates!"

Nauubos ang pasensiya ko paulit-ulit na dance practice. Grr...

"Bakit kasi ako pa ang isinali ng mga pashnea? Nakakainis naman!" bulong ko sa sarili ko.

Wala akong nagawa kundi sumayaw muli nang mag-play ang music. May dance number ang lahat ng candidates sa nalalapit na pageant dito sa East Pacific.

Magkahalong modern dance at ballroom nga pala itong pina-practice namin.

At, oo. Partner ko si Aldrich. May times na kailangan nakahawak kami sa isa't isa. Partner nga kami, di ba?

Napapansin ko rin na iba 'yong mga titig niya sa akin. May something, eh. It felt like someone looked at me the same way he does.

Parang gaya ng pagtitig sa akin ni Ivo.

Napabuntong-hininga na lang ako nang hawakan niya ako sa baywang ko. Kitang-kita ko na malalagkit ang tingin niya sa akin. Nag-iwas na lang ako ng tingin at hindi siya pinansin. At dahil doon ay mas lalo niya kung hinapit.

Peste 'tong isang 'to. Hindi na ako natutuwa. Isa pa, masasapak ko na siya, sabi ko sa isip ko.

Naku! Ayaw ko talaga ng ganito. Pero hindi ako pwedeng gumawa ng eksena at baka ma-discover pang talented ako- I mean, baka mapahiya ako. Duh! Ang daming tao ang nanonood.

Kasama na roon ang basketball varsity team ng university namin. And I can see the way how Ivo look at us. Selos na selos siya at kita ko ang inis sa mukha niya.

Nginitian ko na lang siya saka tumango para sabihing okay lang ako.

Kaunting steps na lang at matatapos na ang sayaw. Ang huling dance step ay may ikot na kasama at yakap na naman. Hindi naman talaga yakap pero 'yong isa kong leg ay nakaangat sa lupa at hawak iyon ni Aldrich at 'yong isa kong kamay ay nakakapit sa may leeg niya habang siya ay nakahawak sa baywang ko. At magkaharap ang nga mukha namin.

Habang nnakatitig ako sa mga mata niya ay naroon pa rin ang malalagkit na titig niya.

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong halikan. Hindi pa man ako nakakahuma ay may bigla na lang sumuntok kay Aldrich. Kaya hayun siya at bumagsak sa sahig. May bahid ng dugo ang gilid ng kanyang mga labi.

"What the fuck?! How dare you kiss my girlfriend, you son-of-a-bitch!" bulyaw ni Ivo.

"Because I like to kiss her. Is that wrong?" He smirked and stand up as he wipe the blood from the side of his lips.

"Are you dumb? The whole world knows that she's my girlfriend and you like to kiss her? What the fuck is that shit thought on your fucking mind?!"

Napatili na ako nang muling umigkas ang kamao ni Ivo at tumama iyon sa mukha ni Aldrich ngunit lumaban na rin ang huli.

"Itigil niyo na iyan! Ivo!" awat ko. Wala akong pake kung mamaga sa suntok 'yong mukha ni Aldrich. Boyfriend ko ang concern ko.

Maya-maya pa ay umawat na rin ang mga teammates ni Ivo. Naawat naman ang dalawa kaya kaagad kong dinaluhan si Ivo. Putok ang labi niya.

"Sht. May sugat ka, babe. May iba pa bang masakit sa iyo?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Don't worry about me. I'm fine. Ayoko lang talaga ng may ibang hahawak sa 'yo. At hinalikan ka pa talaga. P*tangina lang!" Muli niyang tinapunan ng masamang tingin si Aldrich.

Dreaming in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon