*Cee-cee's POV
10 MINUTES break. Kaya heto ako at napagdesisyunang maglibot-libot sa isang parte ng gubat dito sa San Antonio.
May cleaning drive kami rito sa nasabing lugar kasama ang Youth for the Community Club.
Ang dami kong club na nasalihan, 'no? Ako nga pala ang secretary ng club na ito samantalang sa Charity Club ay ako ang Bus. Manager.
Oh, di ba? Pampabango rin iyan ng résumé kapag nag-apply ako ng trabaho. Epek ko talaga, 'no?
"Ang ganda dito! Ang sarap mag-stay dito. Dito na lang kaya ako?" pagkausap ko sa sarili ko habang patuloy na nabibighani sa lugar.
"Ang daming uri ng halaman dito... Papayagan kayo ako nina mommy na pumunta rito para... wala lang. Ang sayang maglibot kahit dito lang sa gubat."
Pumitas ako ng isang bulaklak na nakita ko sa di-kalayuan. Kulay puti iyon saka inilagay sa may tainga ko.
Humangin nang malakas at damang-dama ko iyon sa balat ko. Ang sarap sa feeling ng ganito. Pakiramdam ko ay nawawala lahat ng stress ko sa buhay. Hayahay...
Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may nakita akong batis. Lumapit ako doon at tiningnan ang sarili kong repleksyon sa tubig.
"Hay nako. Chiradee Clea Fullente, ang ganda mo talaga. Ikaw na!"
Para pa akong siraulo na pumalakpak. Nag-squat ako saka naghilamos ng mukha sa batis. Pagkatapos ay nag-Indian sit ako habang ang mga kamay ko ay nakatukod sa bandang likuran ko at nakatingala sa langit. Hindi ko napansin na makulimlim na pala.
But I don't mind. Nag-eenjoy ako sa ganda ni Mother Earth.
Ilang minuto lang ako sa ganoong posisyon bago ko naalala na 10 minutes nga lang pala ang break na ibinigay sa amin.
"Syet ka, Cee-cee!"
Paktay! Thirty minutes na ang lumipas! Lagot ako nito! Dali-dali akong tumayo at naglakad palabas ng gubat pero syet lamang dahil wala akong sense of direction. Naliligaw ako. Hindi 'to maganda.
"Saan ba ako nagdaan kanina?"
Liko dito, liko doon. Deretso diyan, deretso there. Peste!
Naiiyak na ako sa nangyayari. Baka hindi na ko makauwi...
Lalo akong natakot nang mag-umpisa nang umulan nang malakas. Naghanap ako ng masisilungan. Mabuti na lang ay may maliit na kweba sa isang bahagi ng gubat. Not really kweba pero para lamang iyong butas sa isang malaking bato.
"Dito na lang muna ako... Titila din ang ulan, Cee-cee. Makakalabas ka rin ng gubat. Oo, okay lang ako..." alo ko sa sarili ko.
Kailangan kong kumalma. At ngayong umuulan nang malakas, kasabay ng takot at pagkabahala ay nararamdaman ko rin ang pamilyar na kirot na iyon sa puso ko... 'Yong sakit noong mga oras na iniwan ako ng mga magulang ko...
"Okay na ako... Okay na... M-mama... 'Pa..."
Patuloy sa pag-agos ang mga luha ko. Ang sakit-sakit pa rin talaga ng pangyayaring iyon sa buhay ko.
Habang tumatagal ay nilalamig na ako. Niyakap ko sarili ko habang nakayukyok sa pagitan ng mga tuhod ko.
"Gusto ko nang umuwi... Ivo..."
"Cee-cee!"
"Where are you?!"
"Cee-cee!"
Nag-angat ako ng ulo ng marinig ko ang mga sigaw na iyon.
"Ivo?"
The thought of him saving me from this awful situation made my heart leaped in so much relief and delight. Kaagad ring naampat ang pagtulo ng mga luha ko.
BINABASA MO ANG
Dreaming in the Rain
RomanceIto ang kwentong nagsimula ng dahil sa isang diary. Oo, dahil sa isang diary ng isang babaeng medyo clumsy. Ngunit kasunod nito ang pagkagimbal ng buong mundo niya na kahit universe, eh, hindi inakala at never na mahuhulaan ni Madam Auring because t...