Chapter 5

54 2 0
                                    

*Cee-cee's POV

ISA-ISA kong inililigpit ang mga gamit ko. Tapos na ang klase para sa araw na ito kaya uuwi na ako. Isa pa, kailangan kong mag-review para sa mga quiz bukas.

Nagulat na lang ako nang magtilian ang mga kaklase kong babae. Hala anong meron? Sinapian ba ang mga ito?

I shrugged off my shoulders. "Whatever."

"Cee-cee!"

Nilapitan ako ng kaklase kong si Georgia. "Bakit?" naguguluhang tanong ko.

"Hinahanap ka ni Ivo!"

"Huh?"

"Oo! Nandiyan siya sa labas! Kaya nga nagkakagulo na mga kaklase natin, eh."

Natampal ko ang noo ko. Oo nga pala. Sikat nga pala ang mokong na iyon.

"Ah..." Isinukbit ko sa likod ang backpack ko. "Woaaah!" Nagulat na lang ako ng basta na lang ako hilahin ni Georgia palabas ng room. And the next thing I knew was I'm already standing in front of Ivo.

His beautiful and irresistible smile again... Demmeeeet!

"Hello, Cee-cee," bati niya.

"H-hi." Peste! Nag-stammer pa ko. Nakakahiya!

He chuckled. "Let's go."

Kumunot ang noo ko. "What? Where? Huh...?"

"Just follow me, okay?"

Tumango na lang ako sa kanya. Nagulat ako nang basta na lang niya hawakan ang kamay ko. That same feeling again... Napatingin na lang ako kay Ivo at ganoon din siya. Pareho yata kaming nagulat. Ewan ko ba.

But then we continued and started walking. I couldn't really focus. All I could feel at that moment is that I feel so weird on my chest like I'm hyperventilating or something. Kailangan ko yata ng oxygen. Pashnea!

Napatingin ako sa magkahugpong naming mga kamay. 'Yong mga kamay namin... Alam ko sa ngayon ay nagkukulay kamatis na ang mga pisngi ko. Hindi ko mawari kung ito ba ay dahil sa ramdam ko ang tingin ng mga taong nadaraanan namin or just simply because of the fact that our hands are holding each other...

Dapat ko na bang ituring na swerte ako dahil hinawakan ko ang kamay ng isang Ivo Sanvictores?

Hep. Correction. Hindi ko hinawakan ang kamay niya. Siya ang humawak ko sa kamay ko, pagtatama ko sa aking isipan.

Pero dahil hindi rin naman makapal ang aking fez ay pinilit kong hilahin ang kamay ko mula kay Ivo. But he just tightened his grip on my hand.

Bumuntong-hininga ako. Magdadasal na ba ako para sa safety ko? Kanina pa kasi matatalim ang tingin ng mga babae sa akin, eh...

Hay naku! Ang hirap maging maganda! Charot!

"Hi, Ivo!"

Nasubsob ang mukha ko sa likod ni Ivo dahil huminto siya sa paglalakad. As in, nakadikit ang mukha ko sa likod niya. Pwede ko na ngang halikan, eh.

Ahm... Masama ba kung aamuyin ko si Ivo? Like hmm... I could smell his natural manly scent. Nakakabaliw. Nakakaloka. Mas mabango pa siya sa kahit anong perfume or pabango. His natural scent can already drive me crazy.

I really don't mind being his siamese twin just so I could smell him like this. Ewan ko ba. Parang forever nang magiging pamilyar ang amoy niyang ito sa akin.

I must be really crazy for thinking such things.

"So what are you guys doing? You declined my invitation to have a lunch with me and then you chose to go with this girl? This is so absurd!"

Dreaming in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon