Chapter 30

40 0 0
                                    

*Third Person POV

Napamulat si Cee-cee nang maramdaman niya mumunting halik sa kanyang noo, ilong at labi. Kahit disoriented pa siya ay alam niya agad kung sino ba ang gumagawa niyon sa kanya.

"Good morning, babe," bati ni Ivo sa pinakamalambing nitong boses.

"Good morning~" Humikab siya na siyang dahilan upang tumawa ng mahina si Ivo. "Kanina ka pa ba gising?"

Tumango ito saka ngumiti. "I woke up early 'coz the first thing I want to see in the morning is you, sleeping in my arms."

Alam niyang tila kamatis ang mga pisngi niya nang mga sandaling iyon. Mahina talaga ang resistensiya niya sa mga banat ng kurimaw na nasa tabi niya.

"Tss. Ewan ko sa 'yo," aniya saka isiniksik ang sarili kay Ivo na katabi niya sa ilalim ng kumot, sinusubukang itago ang pamumula ng buong mukha niya.

She closed her eyes and hugged him with her right arm. She breathed in his manly scent.

He kissed her forehead and she couldn't help but feel safe and secured. There, right inside his arms and his love that envelopes her heart, her soul and her life

Ah... This is the best feeling ever. She wished at that moment that this feeling will never come to an end.

Ayaw na niyang bumalik sa impiyernong dala ng sakit at pait na dala ng kanilang nakaraan.

Pero alam ni Cee-cee ng mga oras na iyon, hindi na iyon mauulit pa dahil ramdam niya na totoo ang pag-ibig sa kanya ng lalaking kanyang iniibig noon pa man.

Napakunot-noo siya nang maramdaman sa kanyang pisngi ang mainit nitong katawan.

Tiningnan niya ang katawan nitong nasa ilalim din ng kumot gaya niya. Nanlaki ang mga mata niya.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!" naeeskandalong sigaw niya saka ibinalot ang sarili sa kumot.

"W-what?! What's wrong?!" nagulantang at sunod-sunod na tanong ni Ivo sa kanya na napabalikwas sa kama.

"Ogag ka ba?! Bakit wala kang suot na pang-itaas? Siraulo ka ba? Ha?! Ha?! Mamanyakin mo pa ko? Timang ka ba?!"

"Anong mamanyakin ang sinasabi mo?"

"Ayan! Ayan! Tingnan mo!" Itinuro pa niya ang nakahantad nitong katawan sa kanya.

Tiningnan nito ang sarili. "Anong problema?"

"Bakit nga wala kang pang-itaas?!"

"Kasi wala?"

Kumuha siya ng unan at ipinukpok iyon sa ulo ni Ivo.

"Aray!" pabirong daing nito.

"'Wag mo kong pinipilosopo, ha! Leche ka talaga, eh!" bulalas niya habang patuloy sa paghampas ng unan dito.

Bruha ka! Pabebe ka pa, eh? As if naman hindi ka natutuwa na may access ka sa libido-screaming, mouth-watering and sexy body niya! sigaw ng malanding parte ng utak niya.

Lalong nag-init ang mga pisngi niya.

Well... Isa siyang malaking ipokrita 'pag sinabi niyang hindi iyon totoo. Hihihi...

Tumawa nang mahina si Ivo bago ngumisi. "Hmm... Babe... Are you thinking of 'something' kaya ka nagkakaganyan, babe?" tudyo nito.

"H-huh?" nauutal na sagot niya.

Lalong ngumisi ang loko. "Are you thinking of something dirty?"

"W-what..."

Isang mahinang tawa ang naging sagot ni Ivo saka siya tiningnan nang mapang-akit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 12, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dreaming in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon