Heart of an Angel Orphanage
*Cee-cee's POV
"AKO BUHAT MO, Ate Cee-cee!"
"Hindi! Ako! Akoooo!"
Nahigit ko na lang ang hininga ko nang isa-isa na akong daluhungin ng mga batang paslit. Lahat sila ay nakakapit sa akin.
"Aray! Araaaay!" Napapangiwi na ako dahil ang tindi ng kapit ng mga batang ito sa akin.
"Hey, kids. Hindi kayo kaya ni ate Cee-cee. Ako kaya ko kayo."
Huh? Kilala ko ang boses na iyon. Kay Ivo. Anong ginagawa niya dito? Hindi naman siya member ng Charity Club, eh? Kaya paanong nandito siya?
Naramdaman ko na ang pagluwag ng pakiramdam ko nang unti-unting bumitaw sa akin ang mga bata. Lahat sila ay kumapit kay Ivo.
"Kuya, ako buhat mo dali!"
"Ako!"
"Hindi kayo! Ako na lang, Kuya!"
Buhat ni Ivo ang lahat ng mga bata. Sa dami nila hindi ko man lang nakita na nahirapan o umangal siya. Tatawa-tawa pa nga siya habang isa-isang kumapit sa kanya ang mga bata.
"Anong ginagawa mo dito? Hindi ka naman member ng club namin." Nilapitan ko siya. Sinusundan ba ako nito? Aba napakaganda ko naman yata.
Kailan pa ako naging assuming? Tama nga yata si Bestie na hindi maganda sa health itong kolokoy na ito.
"Member kaya ako ng club niyo," nakangiting sagot nito. Nakakapit pa rin sa kanya ang mga bata.
"Huh? Kailan pa?"
"Basta member siya ng club, Cee-cee. Hindi na mahalaga kung kalian,"narinig kong sabi ng president ng club na si Myla.
"Nagtataka lang naman ako, Myla," paliwanag ko.
"Kuya, kuya! Girlfriend mo po ba si Ate Cee-cee? Bagay kayo, eh."
Nagulat na lang ako sa sinabi ng batang si Gemma. Chismosang bata.
"Hindi. But soon she will be," sagot ni Ivo habang titig na titig sa akin.
"Ayieeeee!"
Nakakainis! Ay siya sige hayan at tinutukso ng kami ng mga tao sa paligid namin.
Tiningnan ko nang masama si Ivo. Grr. Pero ang lokong to nginitian pa ako 'yong tipong nang-aasar. Ang kapal!
Naipaliwanag ko na sa Charity Club na hindi totoo ang echos ni Ivo na gf niya ako. Hinayaan ko na lang 'yong ibang students na isipin na kami na nga dahil ayoko nang mahabang paliwanagan. Nakakabagot.
"Kuya! Pangarap kong maging si Superman!" anang batang paslit na nakapasan kay Ivo.
"Oh talaga? Sige matutupad yan. Kapit kang maigi, okay? Lilipad tayo." Nag-pose ito na tila si Superman na ready nang lumipad saka nagtatakbo sa paligid. Tawa nang tawa ang mga bata.
"Maswerte ang mapapangasawa ng lalaking iyon, Cee-cee."
Napalingon kami kay Sister Loren, ang mother superior ng orphanage. Nagmano kami sa kanya ni Myla. "Bakit naman po?"
Natawa ito nang mahina. "Kapag ang isang lalaki ay maalaga sa mga bata, ibig sabihin lang ay mapagmahal ito."
"Ah... Ganoon po pala, Sister," sabi ko na lang. Naguluhan ako, eh.
"Excuse me lang po muna, Sister Loren, Cee-cee," paalam ni Myla.
Tumango lang kaming dalawa ni Sister Loren.
Niyaya ako ni Sister na maglakad-lakad sa premises ng orphanage. Habang naglalakad ay naaalala ko ang masasaya at malulungkot na alaala ko sa lugar na ito.
"Natutuwa ako na nakabisita ka muli, Cee-cee. Ang tagal na noong huli kang bumisita rito," ani Sister Loren.
Napakamot na lang ako sa ulo ko. Nahiya ako. "Pasensiya na po, Sister Loren. Naging busy lang po talaga sa pag-aaral. Hayaan niyo po kapag may pagkakataon ako na maglakwatsa, dito ho ako pupunta."
Natawa si Sister. "Kilala kita. Alam kong hindi ka nakakalimot dito, Cee-cee. Akala mo ba na hindi ko alam na ikaw ang anonymous na nagbibigay ng donations dito sa orphanage?"
Nakagat ko na lang ang labi ko. "Si Sister talaga kahit kalian hindi ako makapagtago sa inyo."
"Maraming salamat, Cee-cee, sa mga tulong mo." Niyakap niya ako. "Nakikita ko ngayon na masaya ka, hija. Natutuwa ako para sa iyo."
"Maliit na bagay lang po iyon kumpara sa pag-aalaga ninyo sa akin noon. Kaya ako po ang dapat na magpasalamat. Maraming salamat po," sinserong sabi ko.
Niyakap niya ako nang mahigpit. "Na-miss talaga kita, Cee-cee."
Ginantihan ko ang yakap ni Sister. "Ako rin po, Sister. Medyo mga mga pinagbago na itong orphanage pero 'yong mga house parent ganoon pa rin," puna ko.
Nginitian niya ako. "Oo naman. Iisa lang naman ang hangarin ko at ng mga house parent dito at iyon ang mapadama sa mga bata na kahit andito sila, dapat silang maging masaya at may pamilya sila."
"At isa ho ako sa mapalad na batang naramdaman ang mabuti niyong hangarin," dagdag ko. "Thank you po."
Mula sa kung saan ay bigla na lang sumulpot si Ivo. Sinundan niya ba kami?"Hello po, Sister."
"Hello din sa iyo, hijo," ganting-bati ng matanda.
"Pwede ko po bang makausap saglit si Cee-cee? Kung okay lang naman po sa inyo."
Nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Sister Loren. "Okay sige. Maiwan ko na kayo."
"Bye po, Sister Loren," sabi ko. Tumango lang ito bago kami iniwan.
"What are we going to talk about?" angil ko.
"Anything. Just follow me," sabi niya sabay hawak sa kamay ko. He even entwined our fingers together and gently pulled me somewhere in the orphanage.
Nasasamyo ko na naman ang bango niya. Hay naku! Pero ang mas nararamdaman ko ay ang mahigpit ngunit maingat na hawak niya sa kamay ko.
Pakiramdam ko ay tila huminto ang mundo at kami dalawa ang center of attraction. Ang sarap pala sa feeling na hawak niya ang kamay ko...
Pero leche lang talaga nang maramdaman ko na tila may isang bagay sa lupa ang nakaharang kaya tumama roon ang paa ko. Peste solid na solid ang pagtama ng paa ko sa isang medyo malaking bato na nilulumot na. Mashaket ito, mga bes. Aruuuuy.
"Aray!"
Napalingon sa akin si Ivo. Babagsak na sana ako sa lupa pero hindi niya ako binitawan. Mabilis itong kumilos para alalayan ako.
"What happened?" nag-aalalang tanong niya.
Iyang tono ng boses na naman na iyan. Hays...
"Tumama 'yong paa ko sa batong malaki. A-aray..." Naiiyak na ko kasi ang sakit. Piling ko naninigas ang paa ko.
I heard him cursed. Pinapagalitan ba niya ako? Pero hindi naman yata...
"I'll help you," masuyong wika nito saka ako binuhat. Bridal style pa ampotek.
"T-thank you, Ivo..." sambit ko. Aray. Ang sakit talaga ng paa ko...
Habang buhat niya ako ay mabilis ang pintig ng puso ko. Normal ba ito? Siguro. I stared at him. Pero mas normal ba na ganito ang estado ng puso ko sa tuwing kasama ko ang lalaking ito?
Hay... Kumusta na ba ang estado ng pobre kong puso na napasok na yata ng mokong na ito...
I sighed.
Yes, I know I keep on denying it to myself that I've got something for this guy. But wrong move. It grew more intense.
That no matter how much I've tried to supress it. That no matter how much I've deny it many times. I know I'm deceiving only myself. Because my heart pounds for this guy.
I must admit. He already got me.
Damn.
BINABASA MO ANG
Dreaming in the Rain
RomanceIto ang kwentong nagsimula ng dahil sa isang diary. Oo, dahil sa isang diary ng isang babaeng medyo clumsy. Ngunit kasunod nito ang pagkagimbal ng buong mundo niya na kahit universe, eh, hindi inakala at never na mahuhulaan ni Madam Auring because t...