Chapter 10

33 1 0
                                    

*Cee-cee's POV

"BRUHA ka, anyare ba kasi sa iyo?"

"Natapilok nga, bestie," sabi ko sa epal kong best friend na si Merrilou.

"Clumsy ka talagang bruha ka. Mag-iingat ka nga sa susunod." Binatukan niya ako.

Napakabait talaga ng BFF ko, 'no? Tss.

"Your foot is  fine now. Hindi mo na kailangan ng saklay, Miss Cee-cee," sabi ng doktor.

"Salamat, Doc," wika ko sa mabait na doktor. "Sa wakas po, eh, wala nang cast ang paa ko. No need for saklay na rin. Ang saya!"

"Sige. Ingat ka na lang sa susunod."

"Opo"

"Salamat po, Doc," ani Merrilou.

Lumabas na kami ng ospital. Nagyaya na rin kasi itong best friend ko na kasama kong pumunta rito sa ospital.

"Hay nako. Halika na nga kain tayo. Shotay tomi na ako, eh." yakag ng epal kong kasama. Palagi na lang gutom 'to.

"Nag-text si mommy. Ipinagluto niya daw tayo."

"Yes! Tara na!"

Hinila na lang ako basta. Aba. Alam nang kagagaling lang ng paa ko, eh.

Siya na rin naman ang nag-drive pauwi. Excited nga talagang kumain.

"Mabuti naman at narito na kayo," bungad ni mommy sa amin pagkarating namin sa bahay.

Humalik ako sa pisngi niya. "Na-miss ko po kayo ni daddy."

"Na-miss ka rin namin, anak. Kumusta naman ang pag-aaral mo?"

"Okay naman po, mommy. Nagrereview na po ako para sa midtern exams namin," magalang na sagot ko.

"Not to mention, may lalaking umaaligid ngayon sa iyo."

Nilingon ko si Merrilou. I glared at her but she just grinned at me. Peste!

"Who is that guy, Cee-cee?"

Nako! Si Daddy na ang nagtanong. Ang daldal kasi nitong si Merrilou!

Humarap ako kay Daddy na pababa na ngayon sa grand staircase ng bahay namin. Seryoso ang mukha niya. Lagot na.

"H-hi po, daddy," bati ko. Alanganin din ang ngiti sa labi ko. 

He put his hands on his pockets and looked at me seriously. "Sino ang lalaking sinasabi ni Merrilou?"

"Mahal, mag-dinner muna tayo. Kailangan ni Cee-cee na kumain para makapag-aral siya nang maayos," singit ni mommy saka umabrisiyete sa braso ni daddy.

Bumuntong-hininga si daddy tanda nang pagsuko. Pagdating talaga kay mommy, hindi siya uubra, eh. Nakahinga ako nang maluwag.

So nagsimula na kaming kumain nang sabay-sabay kasama ang epal kong BFF.

"Masarap po talaga kayong magluto, Tita," komento ni Merrilou saka sunod-sunod na sumubo ng Pork Humba na iniluto ni mommy.

Ngumiti si mommy. "Thank you, hija. I really love cooking kaya nga nasa food service industry ang negosyo namin."

Nakinig lang ako sa kwentuhan nila habang tahimik na kumakain. Pero maya-maya lang...

"Back to the topic, Cee-cee," ani daddy na seryoso ang tinig.

"What topic po, daddy?" patay-malisyang tanong ko saka subo ng pagkain.

"About what Merrilou had stated earlier about a certain guy na umaaligid sa iyo."

"Ah..." Sunod-sunod akong sumubo kaya ang ending ay nabilaukan ako. Syemay!

Dreaming in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon