*Cee-cee's POV
"KANINO ba itong pagkain na 'to?"
Wala namang tumatambay dito sa tagong parte ng university maliban sa akin kaya imposibleng may ibang tumambay dito. Hindi kaya may multooooooooooooo? OMG.
Kinuha ko ang plastic na may mga lamang boxes ng pagkain. At sinipat iyon. Mabigat. Meaning, may laman pa at wala pang kumakakain. "Edi may nakaiwan nito dito? May iba na ring nagpupunta rito?"
Oo. Meron.
"Si Ivo Sanvictores. Ano na naman ang trip ng kurimaw na iyon this time?" Tila nasagot ang sarili kong tanong nang may mapansin akong kapirasong papel na naiwan sa ibabaw ng lamesa. Binasa ko ang nakasulat
Tama ako. Siya nga.
"Mabait din naman pala siya, 'no? Naging OA lang yata ako after niyang mabasa ang diary ko. Eh, kasalanan ko naman yon. Naiwan ko pa kasi. Clumsy talaga." Oo, mukha akong engot rito sa pagkausap sa sarili ko habang nakatingin pa rin sa plastic na puno ng pagkain.
Pero aaminin ko, nagustuhan ko itong ginawa niya para sa akin. Nalusaw tuloy ang pagkainis ko sa kanya. Sa tulad kong busy sa dami ng school projects at requirements, wala na akong time asikasuhin ang sarili ko. Pati pagkain sa tamang oras ay nakakalimutan ko na. Napapagalitan na nga ako ni mommy at daddy. Hay...
"Eh, bakit ko ba siya naiisip? The hell I care with that guy! Tse! He chose to send me these food then I'll eat it. Sayang, eh. Makakatipid pa ako dahil libre. Wagi!" Napangisi ako sa isiping madadagdagan na naman ang ipon ko. May mabuting dulot rin naman pala ang Ivo na iyon kahit palagi nitong sinisira ang araw ko. Hahahahaha!
Maingat kong ibinaba ang hawak kong plastic saka ibinaba ang aking mga gamit na nasa lamesa. Kaagad kong inilabas isa-isa ang mga kahon na naglalaman ng pagkain. Pagkakita ko sa mga pagkain ay mas lalo kong naramdaman ang gutom ko.
Sinigang.
Chicken sandwich
Fresh and sliced fruits
Sterilized milk
Bottled water.
"Ang sarap nito! At marami!" bulalas ko na tila batang excited. Pinagkiskis ko ang mga palad sa tapat ng aking dibdib. Ah! Laban-laban na ito! Fight!
Habang kumakain ay enjoy na enjoy ako. Ang sasarap lalo na ung paborito kong Sinigang! Maasim na maasim ang sabaw.
Mamaya ko na kakainin yong iba. Busolve na ako sa sinigang at kanin. Snacks ko na lang yong iba later. Tutal kailangan kong mag-review muna saglit. Yes! Madami akong foods ngayon! Hahaha-
Napadighay ako ng wala sa oras. Nakuuuuuuuuu! Kung may ibang tao lang siguro malamang eh napahiya na ako sa sobrang lakas ng tunog ng aking pagdighay.
"Buuuuuuuurp!!!"
Hala?! May iba pa bang tao dito? Napalinga-linga ako sa paligid.
"May tao ba diyan?" pananantiya ko.
BINABASA MO ANG
Dreaming in the Rain
RomanceIto ang kwentong nagsimula ng dahil sa isang diary. Oo, dahil sa isang diary ng isang babaeng medyo clumsy. Ngunit kasunod nito ang pagkagimbal ng buong mundo niya na kahit universe, eh, hindi inakala at never na mahuhulaan ni Madam Auring because t...