*Cee-cee's POV
Villa Katerina
2:00 a.m."UGH..." Nagising ako dala ng gutom ko. Nagwewelga na ang mga alaga ko sa tiyan dahil nakatulog ako ulit pagkatapos ng pagtatalo namin ng kurimaw na si Ivo.
Tumingin ako sa digital clock na nasa night stand. Alas dos na pala ng umaga.
"Gruuuu..."
Tumayo na ako nang marinig ko ang pagkulo ng tiyan ko. Need ko na talagang kumain.
Niyaya naman akong mag-dinner ni Ivo kanina pero dahil bismod ang beauty ko sa kanya, hindi ko siya pinansin at natulog na lang. Ayoko nga siyang kasabay na maghapunan. Bwiset siya, eh.
I stood up and turned on the light switch. Medyo nasilaw pa ako nang mapuno ng liwanag itong kwarto.
May couch dito sa loob at napansin ko na may nakalagay roon na mga damit na dala-dala ko. At malamang iisang tao lang ang naglagay ng mga iyan diyan. 'Yong panget na "hostage taker" ng duffel bag ko.
Psh. Whatever. Isa-isa kong dinampot ang mga damit ko sa couch at natigilan ako nang madampot ko ang isa sa mga underwear ko.
"Jusmeyo talaga!" Kaagad na namula ang mga pisngi ko sa ideya na hinawakan ni Ivo ang undies ko. "Aba. Kiber! Panty ko lang naman nahawakan niya, 'no. Hanggang do'n na lamang iyon. Bwiset siya!"
"Gruu..."
Mabilis na tinungo ko ang bathroom para makapag-shower agad. Talagang gu-Tom Jones na talaga si ako.
Pagkatapos kong mag-shower at magbihis ay dumiretso na agad ako papunta sa kusina para maghanap ng pwedeng kainin. I turned on the lights. May pagkain naman pala sa mesa, eh. Lumapit ako doon. May white rose na nakalagay sa isang vase at doon rin nakadikit ang isang note. Kinuha ko iyon para basahin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Cee-cee,Eat this once you feel like eating already. I'm sorry for annoying you earlier.
- Ivo
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~"Sorry? Neknek mo!" sabi ko saka nilakumos ang papel at itinapon sa trash can.
Ayoko ng inihanda niyang pagkain. Mamaya baka sumakit lang tiyan ko. Toxic kasi sa buhay ko 'yong nagluto.
Binuksan ko ang malaking refrigerator. Punong-puno iyon ng maraming pagkain.
Gusto kong mainis sa nakikita kong dami ng pagkain. Obvious na obvious na pinaghandaan ito ng bwiset na iyon. Napakahusay mong bwiset ka. Lodi! Ponyita!
"Kailangan ko pang magluto? Nakakatamad... Shotay tomi na talaga ako, eh. Jusmeyo talaga."
"Gruuuuuuuu!!"
Nagwewelga na talaga ang tiyan ko.
Pero kaagad na nagningning ang mga mata ko nang may makita akong isang clubhouse sandwich sa ref. Dali-dali ko 'yong kinuha para makain ko na. Kumuha na rin ako ng isang bottled water.
Dala ang pagkain ay lumabas ako ng bahay at nagpunta sa may hardin. Tutal, may garden table naman doon so doon na lang ako kakain.
Tama naman ang desisyon ko na dito na lang ako sa labas. Ang ganda ng paligid.
Ang buwan at mga bituin ang nagbibigay ng liwanag sa madilim na kapaligiran. May mangilan-ngilan ding alitaptap na lumilipad na mas lalong nagpaganda ng tanawin sa gabi.
Tumingala ako sa langit na puno ng bituin. At sa ginawa kong iyon ay may bumalik na alaala sa aking isipan.
"This moment is just so perfect, babe."
"Yes, it is," I agreed.
Pinalis niya mga patak ng luha sa pisngi ko. "You're crying, my love... Why?"
I smiled. "Don't worry. Masyado lang ako masaya."
Napangiti na rin siya. "Is it because of me?"
To answer his question, tumingkayad ako at hinalikan siya sa mga labi. And he did the same.
"This night is one of the best nights of my life, babe," ani Ivo habang pinapanood ang fireworks.
"And why?"
Mas humigpit ang yakap niya. "Simple. It's because I'm with you right now; I'm with the woman I love the most."
Ngumiti ako nang mapakla. Lalo nang maalala ko ang pangako niya sa akin ng gabing iyon mismo na lalong nagpalala ng pagsikdo ng hapdi sa puso ko.
"Will you stay with me forever?"
"I will always be with you, my love."
"I love you," I whispered.
He flashed his most sweetest smile. "I love you most."
Tumawa ako nang pagak kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. I totally fell for his trap. Right now, I feel so stupid and hurt. And it's really annoying.
Bigla ay nawala ang paghanga ko sa paligid. Wala na rin akong ganang kumain.
I suddenly felt a warm hand on my cheeks and wiping my tears using his thumb.
Hindi ko man tingnan kung sino ang gumagawa niyon, kilala ko na siya agad.
That same warmth and affection I'm feeling right now is the same I had six years ago from the same person as well.
"What happened? Are you okay?" Ivo asked while kneeling in front of me.
Upon hearing his voice, my heart skipped a beat.
Even with the dim moonlight, I could still see the worried look on his handsome face. That same affection and love...
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa emosyong nakikita ko sa kanyang mukha. Nagawa niya na akong paglaruan at lokohin noon at magagawa niya ulit iyon.
Hindi ako magiging tanga at magpapauto muli sa kanya.
Tiningnan ko siya nang matalim. "Ano man ang nararamdaman ko, wala ka nang pakialam doon!" sikmat ko.
"Cee-cee... I'm sorry..." mahinang wika niya ngunit puno iyon ng pagsisisi at sinseridad.
Muling pumatak ang mga luha ko.
"Sorry? Sorry? Magagawa ba ng sorry mo na iyan na makalimutan ko ang lahat ng ginawa mo-"
He stood up as his arms gathered me to stand up next to him. His lips were pressed against mine, coaxing me to respond to his kisses. Damn. I just felt my knees turned into jelly. Damn him again. He never ceased on being a good kisser. His kisses were irresistible.
I gathered all the strength I could muster but it's not enough. In the end, I wrapped my arms around his neck and kissed him back with equal fervor. So he pulled me closer to him. And I could hear how his heart beats fast.
Every second our lips touch and every heart beat, one big realization had hit me.
I never stopped loving this guy. I'm still into him. The very same man who broke my heart into dust.
Muling tumulo ang mga luha ko.
Bakit?
BINABASA MO ANG
Dreaming in the Rain
RomanceIto ang kwentong nagsimula ng dahil sa isang diary. Oo, dahil sa isang diary ng isang babaeng medyo clumsy. Ngunit kasunod nito ang pagkagimbal ng buong mundo niya na kahit universe, eh, hindi inakala at never na mahuhulaan ni Madam Auring because t...