Chapter 13

40 1 0
                                    

*Cee-cee's POV

Ang banner na iyan ang bumungad sa akin pagpasok ko sa university

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang banner na iyan ang bumungad sa akin pagpasok ko sa university. 'Yong iba ring representatives ng bawat klase para sa pageant ay makikita na rin.

Next week after ng final exams ay pageant night na. Kaya ang mga kaklase ko ay tinutulungan ako at tinuturuan ako kung paano ba rumampa. Hindi naman kasi ako sanay sa ganito. Pati si Mama na isang certified beauty queen noong kabataan niya ay tinuturuan din ako kasama ni Merrilou.

"Cee-cee! Ang ganda mo talaga, girl!"

Nagulat ako sa dalawang gay na lumapit sa akin.

"H-huh?" clueless na tanong ko.

"Ikaw, ha! Nakuha mo na nga si Ivo pati yata buong varsity team, iyo na rin? Omg!" anang isang bakla na medyo payat.

Kumunot ang noo ko. "Anong sinasabi mo?"

"Halika!"

Hinila nila akong dalawa papunta sa lobby ng IT building. Dito pala nakapwesto ang mga ticket booth ng bawat contestant. Hinanap ko 'yong booth na ginawa ng mga kaklase ko para sa akin.

"Teka saan ba nila naipwesto 'yong booth?" Tiningnan kong maigi ang bawat booth at binasa ang mga pangalan na nagsisilbing banner ng mga iyon pero hindi ko makita ang akin.

"Girl, hayun 'yong iyo, oh!"

Sinundan ko ng tingin ang itinuro ng isa mga bakla na nagdala sa akin dito.

Teka... Tama ba ako? Ang daming nakapila sa ticket booth ko...? Bakit parang blockbuster na pelikula?

"Seryoso iyan 'yong booth ko?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo nga!" halos patiling sagot ng dalawang baklita.

"Bakit ang daming nakapila...?"

"Halika para makita mo kung bakit!"

Hinila na naman nila akong dalawa. Aba mga warka ito, ah. Hila na lang nang hila? Mga ashtadi.

"Fafa Axl!" tawag ng isa sa mga bakla na humila sa akin.

Humarap si Axl sa direksiyon namin. Ang daming marka ng lipstick sa mukha niya. Anyare?!

"Jusmiyo, girl. Ikaw na talaga. May nanalo na!" pangangantiyaw pa ng mga bakla sa akin.

"Hehehe..." Isang nahihiyang tingin lang ang naging sagot ko sa mga sinabi nila.

"Hmo! Sige diyan ka na nga! Kailangan pa naming pumila para sa destiny namin!"

Iniwan na nila akong dalawa saka nakipila na rin sa ticket booth ko.

Nilapitan ko si Axl na ngayon ay umiinom ng tubig at nagpupunas ng mukha.

"Axl, anong meron? Na-rape ka ba ng sampung babae?" tanong ko.

"Not really. But Ivo did this to me and the others," medyo natatawang sagot niya.

Dreaming in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon