"EDUCATION is not preparation for life; education is life itself."
-John Dewey.
Hillary POV
"Ngayon sasabihin ni Professor Allen kung saan niya tayo i-aasign for apprenticeship." excited na bulalas ni Megan.
Pawang mga kaklase ko ay excited narin. Twenty four kami ngayong nasa klase.
Napatahimik lang ako habang malayo parin ang iniisip. Magbabakasyon kasi sina mommy, daddy at ang bunso kong kapatid na si Hellen sa Hawaii. Nagkataon pang kailangan kong mag-pa-enrol ngayong summer para sa apprenticeships ko.
Maiiwan talaga ako at tanging makakasama ko ang mga kasambahay.
.
.
"Guys, alam niyo bang dalawa sa apat na plantang puweding pag-aasign-nan sa atin ni prof ang Parksuite Corporation at ang Rossbeer Brewery, na pinagmamay-arian lang naman ng Loverboy nitong si Hillary." kinikilig na sambit ni Gina habang sinisiko ako.
Natauhan naman ako saka napalaki pa ang mga mata ko sa narinig. "What? Oh my, sure ka?" mangislap-ngislap na tanong ko saka tinapunan si Gina nang tingin. Gusto ko talagang magtatalon sa narinig.
Napangisi naman siya at napatango. "Oo, Hill! Dalawa talaga, kaya 50% ang chance mo na ma-assign doon."
Abot-tenga ang ngiti ko.
Alam na alam talaga nilang crush ko si Ross, na sa tantiya ko'y buong engineering student nga 'ata ay nakakaalam noon. Correction pala, ultimate crush namin ni Dianne.
Pero dahil sa may one true love na si besy, solong-solo ko na ngayon si Ross! Gosh, nakakilig talaga!
By the way, gaya ng sabi ni Gina ay Loverboy ko si Ross. Boyfriend ko na nga actually pero ako lang ang nakakaalam at ang mga sira kong mga kaklase!
Terribly nga eh, hindi man lang niya alam na kami na.
Sana nga ay isa sa mga iyon maa-assign ako para naman magiging maganda ang buong summer ko!
Napacross-finger pa ako habang itinaas ang magkabilaang kamay saka napayuko, na animo'y nananalangin. Ghad, sana!
.
.
Naramdaman kong may humampas sa aking balikat. "Para kang sira Hill..." natatawang sabi pa ni Hilda.
Kaya napababa naman ako ng kamay at matalim na tiningnan siya sa mukha. Ano'ng paki-alam ng bruhildang ito sa akin? Pinaikot ko ang mga mata ko. Pakialamera! "Gosh, mind your own business! Nasisira ang imahinasyon ko!" angal ko.
Napangiti naman siya saka napatayo at pumunta sa harapan. "Pipz, may I have your attention please!" patuloy pa ni Hilda saka hinarap ang buong klase. "Itaas natin ang ating mga kamay saka sabayan niyo ako."
Ghad, ano'ng gagawin ng babaeng ito? Kinutuban na ako at napalaki ang aking mga mata. Lahat sila ay sumabay sa kanya, napapikit pa sila habang naka-cross-finger ang mga daliri.
Lahat sila'y napapasabay pa sa bawat bigkas niyang ng mga salita... Ghad parang may sanib sila! Lumabas na naman ang pagka-madam bruhilda niya!
.
.
"Class, ano'ng pinaggagawa niyo?" bulalas mula sa may pintuan.
Napatingin naman ako roon, nakita ko si Professor Allen.
"Meditation prof dahil nakiki-simpatiya lang po kami kay Hillary." ngiting sagot niya saka bumalik na siya sa upuan niya.
Napabaling naman si prof. sa akin kaya napayuko na ako. Gosh, pulang-pula ang mukha ko! Mga pasaway talaga itong mga kaklase ko. Buti na lang at wala dito si besy, kung hindi ay ipinabugbog ko na silang lahat.
"Kainis!" bulong ko kay Hilda nang napaupo na siya sa tabi ko.
Pangiti-ngiti naman siya. Naisahan talaga niya ako. "Effective iyon!" ngiting sabi pa niya.
Pinaikot ko ang tingin, "Nakakahiya ka Hilda!" naiinis kong sambit.
"Malaki ang chance na may future kayo ni Ross!" seryoso naring sambit niya saka napahawak na sa kanang kamay ko at tiningnan pa niya ang aking palad. "...kaya lang marami kayong pagdadaanang pagsubok."
Napatingin pa siya sa mga mata ko, "Mag-iingat ka Hill baka hindi papanig ang kapalaran at mapuputol ang magbibigkis sa inyong dalawa. Pareho lang kayong mahuhulog sa kapahamakan."
Kinilabutan ako sa sinabi niya, "Bruhilda, tama na nga 'yang kalokohan mo, ghad!" saka mabilis kong binawi ang kamay ko.
"Hindi kita pipiliting maniwala Hill, pero lagi kang mag-iingat!" bulong parin niya saka umayos narin siya sa pagkakaupo.
.
.
Napatahimik na ang buong klase habang hinihintay si prof sa pag-anunsiyo ng plantang a-assign-nan ng bawat isa.
Napahawak pa si Megan sa mga kamay ko at naka-cross-finger pa talaga!
Tinapunan ko ng tingin si Hilda, na kampante lang na nakaupo habang ang ibang mga kaklase namin ay kinakabahan at puno ng excitement ang mga mukha.
Muli akong napabaling ng tingin kay prof. Pakaba effect pa talaga! Aabutin pa 'ata ng century bago niya sasabihin, my goodness!
.
Maya-maya'y napatikhim siya saka napatingin sa amin at inilabas narin niya ang class card.
Parang may tambol sa dibdib ko! Sobrang kinabahan ako at tuluyan na akong pinagpawisan ng napakalapot.
Ghad...
----------------------------------------
Please don't forget to press the star and leave a comment!
Thanks a lot! Lovelots! 💖- NyllelaineNyeNight
BINABASA MO ANG
CEO's Ruthless Son!
Teen FictionBook5: CEO's ruthless Son! (Completed!) by NyllelaineNyeNight Mababago kaya ni Hillary Ivon Smith ang ugali ni Mr. Ruthless, na pawang pasakit ang ibinibigay sa kanya? Hanggang kailan siya magtitiis? Susugal parin ba siya sa ngalan ng pag-ibig? Da...