Chapter 42 - the Beg

8.3K 202 30
                                    

"CLOUDS come floating into my LIFE, no longer to carry rain or usher storm, but to add COLOR to my SUNSET SKY."
-Rabindranath Tagore

.

Hillary POV

Tahimik lang ako habang tinatahak namin ang labasan nang Smith Villas.

Magkatabi kaming nakaupo ni Dianne sa passenger's seat samantalang nasa shotgun seat naman si Jimmy.

Ihahatid kami ngayon ng chauffeur pabalik ng villa nina Jimmy dahil naghihintay na doon ang chopper, na sasakyan namin papaalis ng Hawaii.

Bahala na kung saan man nila ako dadalhing mag-asawa dahil gusto ko na ring makapahinga at tuluyan ng maghilom ang sugatang puso ko.

Ganito pala kahirap at kasakit ang magmahal. Kung alam ko lang eh di sana'y pinigilan ko na ko puso ko...

Ghad, bakit ganito kasaklap ang pag-ibig para sa amin ni Ross? Mga katanungang mananatiling walang kasagutan sa puso ko.

.

Nasa labas lang ng bintana ang atensiyon ko kahit wala naman akong tinatanaw roon.

Tama nga si Hilda, ngayon ko lang naiisip ang mga pinagsasabi niya sa akin. Kung nakinig lang sana ako pero wala na din naman akong magagawa pa. Nangyari na ang lahat.

Gusto kong umiyak ngunit tila ubos na ang mga luha sa aking mga mata.

Araw-araw na lang ay iniiyakan ko ang mga nangyari sa akin, at sa amin ni Ross.

Bakit hindi na lang po maging perfect ang lahat?
Perfect beyond imperfections...
Ghad, kung pwede lang sana...

.

Si Daddy. Si Ross.

Sa mga galit ni daddy ay halos patayin na niya si Ross.

Ngunit hindi parin matanggap ng puso ko na kayang pumatay ni daddy ng tao.

Naniniwala na tuloy ako sa sinasabi nilang: Anger and rage turn a man into a beast.

Ngunit bakit si daddy pa?

.

Mahal parin kita Ross pero kailangan kong gawin ito gaya ng sinabi ko kay daddy, na sa oras na mailigtas ka ay lalayuan na kita.

Mga bata pa naman tayo. Baka dumating din ang tamang panahon na magiging tayo rin.

.

"Besy," nag-aalalang tawag ni Dianne sa akin at hinawakan pa niya ang palad ko.

Nahihiyang napatingin naman ako sa kanya. "Pasensiya ka na Besy ha! Maaabala ko pa ang biyahe ninyo ni Jimmy."

"Ano ka ba Besy? Para ka namang iba sa akin." alo pa niya sa akin saka isinandal pa niya ang ulo niya sa balikat ko.

"Nakakamiss ka nga eh, mabuti nga at magka-bonding tayo this summer!" ngiting patuloy pa niya.

"... pero alam mo Besy mas mabuting isinama natin si Ross! Balikan kaya natin sa Villas." natatawang biro pa niya.

Napatawa na lang ako sa mga narinig, parang na-relieve naman ako kahit papaano. "Kaloka!"

"Napatawa rin kita!" mangislap-ngislap na sambit pa ni Dianne, na tila may malaking accomplishment.

.

"Besy, gusto kong malaman ang mga nangyayari, naguguluhan kasi ako pero hindi pa naman sa ngayon. Kapag handa ka ng pag-usapan ang lahat." mahinang sambit ni Dianne at tuluyan na akong niyakap.

.

Ngunit bigla namang pumreno ang sasakyan saka bahagyang napasubsob kami sa backrest ng shotgun seat.

"Ano'ng nangyayari loves?" tanong pa ni Dianne kay Jimmy na nasa harapan.

"I'm sorry ma'am, sir!" paumanhin pa ng chauffeur at napatingin na sa harapan ng sasakyan. "Biglang kasing humarang itong sasakyan sa atin."

"Okay lang kayo riyan my loves?" tanong pa ni Jimmy habang nakatingin sa amin ni Dianne.

Napatingin naman ako sa sinasabing sasakyan ng chauffeur ngunit napalaki naman ang mga mata.

Ghad, hindi ako makapaniwala!

.

Si Ross...

Parang tumigil ang mundo ko ng makita ito at biglang bumilis ang kabog sa aking dibdib.

Ghad, ano ba?

"Si ultimate crush nandiyan na." panunukso na naman ni Dianne.

Hindi naman ako nakakibo. Napako lang ang tingin ko habang inalalayan ni Ricky si Ross pababa ng sasakyan.

"Isama na natin Besy." pangiti-ngiti pang suhesiyon ni Dianne.

Natauhan naman. "Ghad, hindi puwede, malalagot ako kay daddy."

.

Sa isang iglap ay nasa harapan ko na si Ross habang akay parin iyon ni Ricky.

Namumula namang iniba ko ang tingin. "Ano'ng ginagawa niyo?" nauutal kong tanong.

"Puwede ba Hill, isama niyo na ito." gigil na sambit ni Ricky.

"Ayaw kong mag-alaga kay kuya. Ang daddy mo naman ang bumaril sa kanya kaya kargo mo siyang pagalingin. Bilis na, ano ba?" sunud-sunod pang patuloy niya saka pinaurong na ako.

"Oo nga Besy, ikaw ang may kasalanan!" pasang-ayon naman ni Dianne saka hinila na ako paurong.

"Ghad, ako pa talaga ang may kasalanan?" kunot-noong sambit ko.

"Oo!" sabay-sabay pa nilang sagot.

Napalingi-lingi naman ako. "Umalis na kayo, malilintikan ako kay daddy!" naguguluhang sambit ko saka napabaling pa ako kay Ross.

Napabugtung-hininga pa ako, "Tigilan mo na ito Ross. Mapapahamak ka na naman dahil sa akin." nagmamakaawa pang sabi ko.

"Kaya kong tiisin ang lahat ng sakit sa katawan Hill... pero hindi ng puso ko dahil hindi ko na alam kung hanggang kelan ko pa kakayanin ang sakit." nanginginig pang sambit ni Ross saka napahaplos sa siya sa kanyang sugat.

Napatingin ako roon, may nakita ko ang mga dugo. Parang mabibiyak ang puso ko.

Kasabay naman nang, "Hillary!" tawag ni daddy buhat sa di kalayuan kaya napatingin na ako roon.

Nakita kong puno ng disappointment ang mukha ni daddy.

"Please Hill," nagsusumamong sambit parin ni Ross.

Nasapol ko ang aking noo.
Ghad, ano'ng gagawin ko?
Malilintikan ako kay daddy!

----------------------------------------

Please don't forget to press the star and leave a comment!
Thanks a lot! Lovelots! 💖

-NyllelaineNyeNight

CEO's Ruthless Son!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon