Chapter 45 - the XOXO

8.4K 217 10
                                    

"Sometimes it's better to put LOVE into HUGS than to put it into WORDS."
-greetings-day.com

.

Hillary POV

"Matutunaw na si ultimate crush Besy!" pabulong na sambit ni Dianne buhat sa aking likuran.

Kasalukuyang nakaupo ako sa stool habang kay Ross ang buong atensiyon ko, na nasa higaan at natutulog na.

Katatapos ko lang kasing dressing-ngan ang sugat nito. Napapabilib na nga rin ako sa kanyang fighting spirit dahil karamihan ay napaparalisa sa tama ng 9mm caliber pero malakas pa 'ata ito sa kalabaw.

Napapangiti na lang ako! Sasaluhin pa talaga ang bala para sa akin. Ghad, kilig mode ang peg! Kaloka!

Pero mabuti na lang at hindi sinagad ni daddy kung hindi ay mabu-biyuda pa 'ata ako ng wala sa oras.

Ghad, si daddy! Hindi parin maalis sa isip ko ang mga galit at disappointment sa mukha niya.

Biglang may kirot na gumuhit sa puso ko. Si daddy na simula pa lang ay bestbuddy and besfriend ko ng maituturing.

Sana dumating ang araw na matatanggap din niya si Ross. Kasalanan ko din naman kasi. Kung hindi ko sana isinumplong kay Tito Dennis.

Pero kung hindi ko naman ginawa iyon ay... my goodness!

Ano kaya ang mangyayari sa amin ni Ross matapos niyang maisagawa ang kagustuhan niya?

Maamin din kaya niya na mahal niya ako?Baka kapupuutan ko lang siya?

O kaya'y mapahanggang ngayon ay nasusuklam parin ako sa kanya?

.

"Malakas ang tama mo Besy!" parang kinikilig pang patuloy ni Dianne at isinandal pa niya ang kanyang ulo sa balikat ko.

"Hindi parin kumukupas ang kagwapuhan ni ultimate crush! OMG, correction pala. Isa ng boyfie!" patuloy pa niya saka napaupo na sa tabi ko.

Napahinto na ako sa pagsusuklay ng mga daliri ko sa buhok ni Ross at ngiti na akong napatingin sa kanya. "Hindi ko nga alam Besy na sa hinaba-haba ng mga panahon ay magiging kami rin ni Ross."

"Four years in the making!" natatawang sambit niya. "Hindi rin ako makapaniwala Besy. Ghad, ilang taon ba akong mawala?"

"Kaloka, isang taon talaga? Mga dalawang linggo ka lang 'atang nawala Besy! Big accomplishment, right!?" natatawa naring dugtong ko.

"An'galing ko diba?" nakangising patuloy ko.

"Oo nga eh! Ipinagnovena mo ba sa Quaipo? Pinainom mo ba ng love potion? O iyong panggayuma ni Madam Perla, na nakatagong panty sa garapon ng lola niya? O kaya'y pina-orasyunan mo ba sa kaklase nating si Bruhilda?" hindi makapaniwalang tanong parin niya.

Napapatawa na lang ako sa mga pinagsasabi niya saka naalala ko si Hilda at ang mga pinagsasabi nito kaya kailangan kong gumawa nang paraan para hindi maging huli ang lahat sa amin ni Ross.

"Diba sinabi ko naman sa'yong i-seduce ko si ultimate crush na slash boyfie ko na ngayon." mangislap-ngislap na sagot ko saka sinabayan ko ng mahinang tawa.

"Effective Besy, an'galing naman! Pinakitaan mo ng ahammn mo? An'suwerte naman. Eh, ang tanong ko ay magaling naman ba sa action?" may lamang tanong niya, na pigil-pigil ang tawa.

CEO's Ruthless Son!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon