Chapter 8 - the Confrontation

11.9K 309 15
                                    

"I'm a ROMANTIC, and we romantic are more sensitive to the way people feel. We love more, and we hurt more. When we're hurt, we hurt for a long time."
- Freddy Fender

.

Hillary POV

"Hill," narinig kong tawag sa akin ni Ross ngunit hindi ko na siya pinansin pa.

Kahit nanginginig ang mga tuhod ay mabilis na akong tumakbo papasok nang bahay.

My goodness, hindi ko maipaliwanag ang mga nararamdaman ko! Para akong hinahabol kahit wala naman.

Ghad, ako pala ang humahabol sa puso kong muntikan ng malaglag sa pagkabigla.

Ramdam na ramdam ko parin ang pamumula ng mukha ko!

Sinalubong naman ako ni Manang Mercy. "Magandang gabi Miss Hillary! Tumawag kanina ang mommy ninyo. Sabi ko magreturn call na lang kayo pagkauwi ninyo." ngiti pang sabi niya.

"Thanks Manang!" ngiti pa ring sagot ko kahit na hinihingal. "Siya nga pala Manang Mercy, huwag sanang makarating kina daddy at mommy ang tungkol sa pagsundo at paghatid sa akin ng lalaking nasa labas ngayon." tila nakikiusap na bilin ko.

Napatango na siya kaya napanatag ang loob ko. "Huwag niyo na palang papasukin ang lalaking iyon at pakisabi na lang sa kanya na umuwi na siya." utos ko at bahagyang tinapunan ng tingin ang main door saka tuluyan pumanhik sa room ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit parang nakalutang parin ang mga paa ko at ang gaan-gaan ng bawat paghakbang ko! Hindi parin 'ata ako maka-move-on sa sa nangyari kanina.

Pagkarating ko ng room ay mabilis na akong pumasok at basta ko na lang ibinagsak ang aking katawan sa higaan.

Ghad, halos lahat na nakikita ko sa wall ay pagmumukha ni Ross kaya napatingin na ako sa kisame. Iyon na lang kasi ang hindi ko napagdidikitan ng picture at poster niya.

Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o maiinis sa kanya.

Ghad, saklap! Si Ross Lawrence Martinez pa talaga ang naging first kiss ko!

Erase!

Erase!

Erase!

.

Maya-maya'y may mga narinig na akong ingay sa labas ng room ko.

Naiinis na akong tumayo. Ano na naman ang ginagawa ng mga kasambahay sa ganitong oras?

Napatingin na ako sa wall clock. Mag eleven thirty na ng gabi. Malilintikan sila sa akin.

"Ano'ng kaguluhan ito?" naiinis na tanong ko pagkabukas ko ng pintuan.

Napalaki ang mga mata ko nang makitang kinakaladkad ng mga guwardiya si Ross, na nagpupumilit paring makaakyat ng hagdanan.

Napaiwas naman akong mapatingin sa kanya.

"Diba sinabi kong pauwiin mo na siya Manang Mercy!" sambit ko kay Manang Mercy, na kasunod ng mga iyon.

"Dear naman, wala namang ganyanan. Huwag ka ng magtampo sa akin, please!" tila nagmamakaawang sabi pa ni Ross.

Kinilabutan naman ako sa sinabi niya. Parang nagsitayuan ang mga balahibo ko. Matalim na binalingan ko siya ng tingin. Oh my, para akong kandilang natutunaw sa mga titig niya!

CEO's Ruthless Son!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon