"It is in your moments of DECISION that your DESTINY is shape."
- Tony Robbins.
Hillary POV"Hindi ko nagustuhan ang ginawa mo." mga katagang sinabi ni Ross na paulit-ulit na naglalaro sa aking tenga.
Para akong kandilang matutunaw sa mga titig niya.
"Kung nagagalit ka dahil sa pera mo? Don't worry babayaran kita!" nagtapang-tapangang sambit ko kahit kanina pa ako nanginginig sa takot.
Ghad, mas lalo pang naging mabangis ang mga titig niya. Na tila sinisiraban ako.
Nanginginig na napaupo ako sa upuang nasa harapan ng mesa niya. Kinuha ko ang aking wallet sa bulsa at nang tingnan ko'y OMG!
"Naiwan ko ang pera ko! Ghad, kahit pangkain mamaya ay wala akong pambayad." nahihiyang sabi ko.
"Magsinungaling ka pa, eh wala ka naman talagang pera." kumento niyang tumagos sa puso ko.
Napasimangot na ako at inilabas ko na ang debit card ko. "May saving pa naman ako sa bangko. Ikaw na lang ang mag-withdraw." namumulang sabi saka inilapag ko na iyon sa mesa.
Ghad, kakapusin na ang allowance ko! Twenty thousand na lang kasi ang natira sa savings ko. Kung kukunin pa ni Ross ang ibinigay ko kay ate, oh my gulay!
Remaining balance pa ang five thousand sa card ko. Paano ko pagkasyahin ang limang libo sa loob ng isang buwan?
"Ano'ng gagawin ko sa card mo? Kung gusto mo akong bayaran, cash ang kailangan ko at hindi ang card mo." madiing sabi niya.
Napamaang naman ako, "Ikaw na nga ang mag-withdraw, nakakainis!"
"I need my cash!" pagdidiinan parin niya.
"Ghad, an'kulit mo rin ano!" nanginginig pang napalapit ako sa kanya saka hinawakan siya sa siko at hinila patayo. "Ipagdrive mo ako at mag-withdraw tayo sa bangko!"
"Hindi mo ako driver!" iritang sambit niya saka itinapi ang palad ko. "Look Miss Smith, busy ako kaya puwede ba? Umalis ka sa harapan ko baka hindi kita matantiya."
"Suplado!" naiinis na sabi ko.
"Matagal ko ng alam..." nanlilisik na angal pa niya saka muling itinuon ang atensiyon sa mga papeles na nasa mesa niya.
Hindi na ako nakaimik pa. Mariing pinag-aralan ko ang mukha ni Ross.
Ano ba'ng meron sa lalaking ito kung bakit naging crush ko?
Ang mukha? check!
Ang katawan? yummy! May abs. May muscles. Ang hot! Check na check!
Sa pananamit? Neat and clean! Check!
Physical features? Pak na Pak! Pasok sa banga ng Lola.
Oh my gulay, ang ugali? Negative fifty, Hindi kanais-nais! Ipinaglihi sa ampalaya sa pagiging BITTER!!!
"Itigil mo nga iyang pagpapantasya mo sa akin." iritang sabi niya.
"Ang kapal din ng mukha mo Mr. Martinez! Hindi kita pinapapantasyahan ah, kundi ay hinuhubaran kita sa mga tingin ko saka pinapaliguan sa tubig ng kabutihan para naman bumait ka kahit papaano!" tuluy-tuloy naring sagot ko.
BINABASA MO ANG
CEO's Ruthless Son!
Teen FictionBook5: CEO's ruthless Son! (Completed!) by NyllelaineNyeNight Mababago kaya ni Hillary Ivon Smith ang ugali ni Mr. Ruthless, na pawang pasakit ang ibinibigay sa kanya? Hanggang kailan siya magtitiis? Susugal parin ba siya sa ngalan ng pag-ibig? Da...